#HoldMeClose29
MABILIS na lumipas ang dalawang linggo at hindi pa din kami nakakapag-usap ni Mama. Hanggang ngayon ay hindi niya ako nirereplyan, gano'n din si Katherine. They are trying to ignore me. That's a fact. Hindi ko rin maiwasang mag-alala dahil hindi pa kami nagkakaroon ng ganitong kalaking away ni Katherine, lalo na at mali ang sinabi niyang impormasyon kay Mama.
Nagtetext ako sa kanya na mag-usap kami pero hindi niya ako nirereplyan kaya hinayaan ko na muna siyang magpalamig ng ulo. Napag-usapan na din namin ni CK ang tungkol sa nangyari. Hindi ko rin naitago sa kanya na nag-usap kami ni Katherine matapos ang date namin noon, at nagkasagutan nga kami. Nagalit si CK dahil sa sinabi kong may nakasunod sa amin kung saan kami nagpupunta. We still continued going out though. Ang hindi niya makalimutan ay kung bakit binaliktad ni Kat ang kwento na ako ang sumampal sa kanya pero ang totoo ay siya naman.
Kung hindi ko pinaliwanag sa kanya na ako na ang bahala, baka magbabalak pa siyang kausapin ang kapatid ko. I don't want to further hurt my sister. Nagmamahal lang din siya katulad ko.
Today's a friday. Bukas ay may date kami ni CK. Dapat ay mamaya kaso magkikita sila nila Ryle kasi ilang linggo na na puro kaming dalawa ang magkasama kaya kami na ang nag-adjust. Kapag sabado ay nagdedate talaga kami habang kapag sunday naman ay nag-aaral kaming dalawa sa condo. Minsan naman hindi. Madalas pa din kasi akong nagkukulong sa kwarto kaya madalas, nangungulit lang siya sa'kin kapag gano'n. Yung tipong nasa loob ako ng kwarto tapos nakatambay lang siya sa may sala namin at mangungulit pa ng video call. Ang clingy lang talaga niya.
Seven na ng umaga ngayon at sabay kami ni ate na papasok, katulad ng dati. Hindi ako masusundo ni CK dahil may breakfast siya kasama sila Tita Charlotte at Tito Kristoffer. Uminit ang pisngi ko dahil naalala kong minsan na akong biniro ng tatay niya na tawagin ko na din daw silang Mommy at Daddy.
Paglabas ko galing sa kwarto ay dumiretso ako sa kusina kung saan nandoon si ate at kumakanta habang nagluluto. Hindi pa siya naliligo at tingin ko ay basta niya lang itinali ang buhok niya.
"Kumpletong tulog o sadyang maganda lang talaga ang gising?" sabi ko kaya nilingon niya ako agad pero sinimangutan niya lang ako.
"Gaga ka. Ginigising kita kagabi kasi masama ang napaniginipan ko, hindi mo naman ako pinagbuksan ng pinto mo." sabi niya na tinawanan ko. Para talagang bata si ate. Sa sobrang creative at imaginative ng utak niya, kung anu-ano na ang napapanaginipan niya. Tingin ko, ang pinakawirdo na naging panaginip niya ay hinahabol siya ng mga bote ng suka at toyo. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit sa dami ng pwedeng mapanaginipan, bote ng toyo at suka talaga ang napanaginipan niyang humahabol sa kanya.
"Maaga akong nakatulog kasi napagod ako kakareview. May short quiz kami mamaya. Ano bang napanaginipan mo?" kumuha siya ng pinggan at nilagay doon ang mga bacon na niluto niya bago siya sumagot sa akin.
"Napanaginipan kong kinakasal kami ni Logan."
"Oh, hindi naman masamang panaginip 'yon ah. Kinakasal ka pala sa ultimate crush mo eh." Nasaan ang masamang panaginip do'n?
"Girl, si Zander ang pari ng kasal namin."
Natawa ako. "Ano? Pa'no nangyari 'yon?"
"Nakakawindang 'di ba? Kaya nagising ako agad eh. Sayang! Magkikiss pa man din sana kami." at umarte siyang umiiyak.
"Hayaan mo na ate. Sabi nila, kabaligtaran daw ng panaginip ang tunay na mangyayari."
"Hoy anong kabaligtaran?! Ibig sabihin hindi kami ikakasal ni Logan ko? Hindi kami magkakatuluyan?!" At nagsimula na naman siyang mag-inarte. Buong oras yata na nag-iinarte siya, kumakain lang ako at iniirapan siya. Ang bilis talaga niyang mapapaniwala.

BINABASA MO ANG
Hold Me Close
Fanfiction[KierVi Collection #1: Completed] Vivoree Andrada is an in-between child. Simula nang dalhin siya ng Tita niya sa Pilipinas para ipakilala sa mga magulang niya ay nagkagulo na ang kanya-kanyang pamilya ng mga ito. Ngunit lumipas ang panahon at natan...