Chapter 28

409 16 4
                                    

#HoldMeClose28

NAALALA ko dati, naiinis ako sa mga evil step-sisters ni Cinderella dahil sa pang-aaway nila dito. Nobody deserves to be mocked and treated like what Cinderella's step-sisters did to her. Kahit hindi sila magkaano-ano, hindi dapat nila inaaway ang kapatid nila. But looking at my sister now, pakiramdam ko tuloy ay nasa isang drama kami ng kapatid ko. Hindi ko lang alam kung sino ang kontrabida sa aming dalawa.

Nasa tapat ko siya ngayon at katabi si CK. Akala nila, may relasyon na si CK at Katherine dahil sobra kung makadikit ang kapatid ko sa boyfriend ko. Si CK naman ay parang humihingi ng tulong sa akin gamit ang mga mata niya. Inirapan ko lang siya. Lagot ka talaga sa'kin mamaya, Charles Marquez.

"Iha, nasaan ang kakambal mo?" tanong ni Tita na ngayon ay nakangiti at nakatingin sa kapatid ko.

"She went out early today. Hindi ko po alam kung saan siya nagpunta." pagkasagot niya ay bumaling din agad siya kay CK at tinitigan ito. She's staring at him dreamily, too bad everything is just a nightmare for her. Kulang na lang talaga ay lingkisin niya ito.

Napapikit ako dahil sa iniisip ko. I should never think ill of her. She's my sister. Hindi dapat ako nagpapadala sa damdamin at pagseselos ko. Okay, I admit it. I'm jealous. Mamaya talaga ay kakausapin ko na si CK para mameet na niya si Mama at Papa one of these days. Mahirap din pala na ganito ang sitwasyon namin. According sa daddy niya, gusto naman nila ako kay CK, hindi ba? Oh, the confidence Vivoree! Saan mo nakukuha 'yan?

"Alam mo bang may boyfriend na pala itong ate mo? I wonder who the guy is? Do you know anything about him?" inosenteng tanong ni Tita.

Kita namin kung paano napatigil si Katherine sa pagtitig kay CK at ngayon ay nasa amin na ang atensyon. Tiningnan niya ako ng walang kaemosyon-emosyon sa mukha at sa mata. She should drop that kind of attitude right now. My Tita won't like it especially that she's not an Andrada.

Ayokong sabihin na plastic na tao si Tita dahil ayaw talaga niya sa mga Borromeo. Parehas sila ni ate na ayaw sa mga ito, hindi ko alam ang tunay na dahilan nila. Tita receiving Katherine as a guest is a part of her being a hospitable host. Sa pagkakaalam ko kasi ay si Mama at si Katherine ang pinakaayaw niya sa mga ito. I asked Kuya Elias about this issue of Tita Lea hating on Mama. Ang sabi ni Kuya ay matagal na daw na ayaw ng dalawa sa isa't-isa simula pa noong college ang mga ito. That's when I learned that Mama ang Tita Lea where schoolmates, and Mama was then the Queen Bee of their university back then. Ang sabi pa ni Kuya, parehas na parehas daw ng ugali ni Katherine ngayon ang ugali ni Mama dati. Mabuti na lang daw at hindi ako ganoon.

In my perspective, hindi ko naman nakikita 'yon dahil mabait silang pareho sa'kin. Maybe because I'm their family kaya sila ganoon sa akin? I don't know. I don't want to judge personalities.

"R-Really now, ate? I d-don't...I don't know anything about your...b-boyfriend." she tried to compose herself but she failed. Agad niyang kinuha ang baso ng juice na malapit sa kanya at inubos ang laman no'n. 

Napalingon naman ako kay Tita  Charlotte na mahinang tinatapik ang braso ko. Nginitian niya ako na parang may nararamdaman siyang kakaiba. Ramdam namin ang tensyon pero naputol 'yon dahil sa halakhak ni ate. Pinagalitan siya ni Tita dahil do'n.

"Ligaya, your laugh is so unladylike." kita ko naman ang mahinang pagtapik ni Tito sa braso ni ate habang si ate naman ay tinakpan ang bibig niyang nakakatakas ang pagngiti bago niya ipinaliwanag kung bakit siya tumatawa.

"Mommy, hindi mo dapat tinatanong ng ganyan si Katherine dahil hindi naman sila madalas nagkakasama nitong si V. Why don't you try asking me? We're living under the same roof, isn't it?" may pagtaas pa ng kilay ang mapang-asar na si Maria Ligaya. Kinakabahan ako sa ga posible niyang bibitawan na salita. She should be careful or else, hindi na ako sasama sa kanya dito sa susunod.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon