Chapter 18

376 11 5
                                    

#HoldMeClose18

IF there's one thing that makes me weird right now, it's Papa agreeing to my friendship with Charles Marquez.

I really don't know what happened with Papa. Basta biglang okay na sa kanya ang lahat! Weird di ba?

The last time we talked about him, sobrang galit pa siya, pero ngayon? It's fine with him. Hindi naman sa judgemental ako dahil lahat naman ng tao ay nagbabago pero I just can't believe that it's alright with him! I mean, it's my father. Hindi siya mabilis magpatawad at hindi siya mabilis makalimot sa mga taong nakaalitan niya. The good thing about Papa having enemy is that he learned from his mistakes and he will never do it again. So kung nasa phase na siya ngayon ng pagpapatawad, ibig sabihin nakalimutan na niyang may alitan siya sa family ni CK?

Did something happen between them and Papa? Wala na din kasi akong masyadong naririnig na issue between Papa's family at sa mga Marquez. Noong kasagsagan ng pagputol ng relationship ng mga Marquez sa amin, lagi silang laman ng mga issue. Kahit magkasama lang sila sa isang gathering at hindi naman nag-uusap, nagagawan sila ng issue agad. Ngayon, I never heard anything from the feud they are talking about. Maybe they settled it already at hindi lang ako updated tungkol doon?

Nagtagal ako sa opisina ni Papa dahil nagtanong pa siya ng ilang bagay tungkol kay CK. I realized he was just curious about the people I hang out with dahil kinamusta niya din si ate Maymay at Heaven.

Speaking of the two, hindi ko nakita ang dalawang 'yon ngayong first day. Busy ba sila? Pero first day pa lang naman ah. Kaya chinat ko sila na agad din naman nila nireplyan.

V: didn't see the two of you today :(

Maymay: kasama ko buong araw boyps ko.

Heaven: wow! kaya pala hindi kita mahagilap kanina @maymay

V: hindi din kaya kita mahagilap @heaven

Heaven: hindi mo talaga ako mahahagilap because you are so busy laughing with CK. I saw you guys earlier!

V: sabay lang naman kami pumasok :/

Maymay: OMG boyps mo na ba yun???

V: sabay lang pumasok boyfriend ko na agad?

Heaven: or may something lang kayo? i can sense something else

V: wala din kaming something

Heaven: for real?

V: mas totoo pa sa totoo

Maymay: sus denial

Heaven: im not buying that 'wala kaming something'

V: ugh! bakit ayaw niyong maniwala? para kayong si ate happy :<

Maymay: Hahahahaha kasi kami nakikita namin yung hindi mo nakikita

Heaven: parang we have third eyes kaya lang for love, not for ghosts

Maymay: tama! apir tayo diyan Ven!

Heaven: apir! hahahaha

V: haaaaays ewan ko sa inyong dalawa

Akala ko ay makakausap ko ang dalawa ng matino pero gaya ng dati ay medyo may kaunti pa din silang saltik. Simula nang isama ko si CK sa dinner namin, lagi nila akong tinatanong kung anong real score sa aming dalawa when the truth is, wala naman...for now...I think?

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon