Chapter 36

437 16 7
                                        

#HoldMeClose36

NAGTRABAHO lang ako ng nagtrabaho sa London. Wala akong ibang ginagawa kundi ang ayusin ang naiwang business ni Tita at tinutulungan si Tito na patakbuhin ito. Hindi naman kasi 'to kasing komplikado ng negosyo nila Papa. I also started taking a degree na may kinalaman sa business kasi kahit pala ayaw ko, doon at doon din pala ang punta ko.

I was slowly putting myself back into pieces. Noong unang mga buwan ko dito, lagi kaming nagvivideo call ni ate at wala kaming ibang pinag-uusapan kundi ang mga plano ko dito at kamusta ba ako.

Sinabi ko naman sa kanya na hindi naman ako nalulungkot dito kasi lagi ko namang kausap si ate Brenda kasi madalas ay busy si Tito. Kumpara sa load ng trabaho ni Tito, mas magaan pa din ang akin. Hindi niya ako hinahayaang mapagod ng sobra pero sinisikap pa din niyang sabay kami maghapunan. Hindi kasi kami sanay parehas na nag-uumagahan at madalas ay sa opisina na kaming dalawa nagkakape.

I also met new friends, hindi lang sa company kundi sa village na din namin doon. Marami palang mga Pilipino sa village namin na 'yon kaya nakilala ko sila nang minsang nagkaroon ng house party. Ang pinaka naging kaclose ko lang talaga doon ay ang magkapatid na si Robyn at Summer. Parehas kaming tatlo ng pinapasukan na university at parehas pa na kaedad ko si Summer habang bata lang samin ng isang taon si Robyn kaya talagang sobrang naging kaclose ko sila. They helped me coped up with the difficulty of building myself again. Sa umaga kasi ay pumapasok ako hanggang two ng hapon. Pagdating ng 3 ay nasa opisina na ako at tumutulong kay Tito. I was slowly earning for myself. Minsan ay umuuwi na din agad ako ng 7 lalo na kapag may party na gustong puntahan ang magkapatid.

Kung hindi dahil sa dalawang 'yon ay baka talagang bahay at trabaho lang ang naging buhay ko sa loob ng limang taon ko sa London. Kapag friday ay lagi akong hinihila ng magkapatid sa kung saan-saan na house party. Doon ko nakilala si Felix. Medyo marunong siyang mag-tagalog kaya sa unang beses na nagkausap kami, ang sabi niya sa akin ay nagustuhan na daw niya agad ako. Isa siyang Filipino na may lahing German. Ang kwento sa akin ni Robyn at Summer, sikat daw si Felix sa university nila kahit noong high school pa lang daw sila. Wala pa daw itong nagiging girlfriend at ngayon pa lang daw nila nakitang may pinopormahan.

Kaya tuloy kapag lumalabas kaming tatlo ay gusto nilang isama ko si Felix, para isama ni Felix ang mga kaibigan nito. Wala kaming relasyon ni Felix kundi pagkakaibigan. Nang nagparamdam siyang gusto niya akong ligawan ay sinabi ko na sa kanya agad ang totoo na hindi pa ako handa. Ang sabi naman niya ay nirerespeto niya daw ang desisyon ko kaya naman hihintayin niya daw ang tamang panahon para doon.

May disadvantage din ang hindi ko pag-uwi sa Pilipinas for five years. I missed ate Happy's graduation, I missed Gela's first commercial ad, I missed Kuya Matthew's celebration after passing the LET, at...namiss ko ang engagement party ni Katherine.

Ang engagement party ay nangyari two years ago pa. Hinintay pa kasi nila na tumuntong ng 20 si Katherine kaya naghintay pa sila ng dalawang taon para doon. Baka siguro ay kasal na silang dalawa by this time. Hindi ko sigurado kasi hindi naman ako nakikibalita sa kanila.

Minsan naiisip ko, paano kaya kung kami pa din ni CK hanggang ngayon? Siguro engage pa lang kami ngayon. Siguro ang dami na naming napuntahan na lugar, ang dami na naming memories na nagawa, ang dami na naming pictures. Siguro nagpaplano na kami ng future namin ngayon.

Ang daming siguro. At lahat ng 'yon nauuwi lang sa salitang sayang. Sobrang sayang kaming dalawa. Siguro kung kumapit lang siya at ipinaglaban niya ang meron kaming dalawa, siguro lahat ng mga naiisip ko ngayon, nagawa na namin.

But I can't blame him. He just made a decision. And he chose to hurt me.

Kung dati, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako ang pinili niya, ngayon, alam ko na lahat. Siguro hindi niya nakita sa akin yung mga bagay na meron si Katherine.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon