Chapter 21

443 15 1
                                    

#HoldMeClose21

HANGGANG ngayon ay hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng message ni CK. Nireplyan ko naman siya agad at tinanong kung anong ibig sabihin ng sinasabi niya kaya lang ay hindi niya ako nireplyan. Hindi tuloy ako nabusog sa merienda na libre ni JC dahil iniisip ko kung anong gustong iparating ni CK sa text niya. Hindi ko na din siya nagawang lapitan pa dahil umalis din agad sila ni Anj. Kumaway pa sa akin si Anj bago umalis pero hindi man lang ako nilingon ni CK. Ano na namang bang problema no'n?

30 minutes pa yata kaming nag-stay doon nila JC at Heaven bago kami umalis dahil may mga susunod pa kaming mga klase. Mabuti na lang ang sumunod kong dalawang klase ay hindi pa gaanong nag-discuss at nagpa-attendance lang. So basically, nakatunganga lang ako at nag-iisip tungkol pa rin sa text message sa loob ng dalawang oras.

Hinintay namin na maubos ang oras para sa huling klase namin sa umagang 'yon bago kami nagdesisyon na lumabas na lahat para makapag-lunch. Kaya naman nagulat ako nang makita ko si CK na nakasandal sa pader at parang may hinihintay. Naka-earphones pa siya at hindi niya siguro napansin na lumabas ako galing sa room namin.

Nilapitan ko siya at kinulbit. Nang makita niya ako ay tinanggal niya ang earphones niya at pinatay siguro ang tugtog dahil may kung ano pa siyang pinindot sa phone niya bago niya parehas ibinulsa ito kasama ang earphones na gamit niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Umayos muna siya ng tayo bago ako sinagot. "Hinihintay kita."

Tinimbang ko kung galit pa ba siya or hindi na pero sa tingin ko naman, base sa tono ng pananalita niya ay hindi na siya galit pa.

"Akala ko ba galit ka?" tanong ko sa kanya at nagsimulang maglakad dahil alam ko naman na susunod din siya sa'kin. Mayamaya lang ay naramdaman ko nang kasabay ko siya.

"Iba ang galit sa nagseselos." sagot niya kaya napalingon ako sa kanya na nakakunot ang noo.

"Selos na naman?" Ako nga, kahit medyo may naramdaman akong kung ano nang makita ko sila ni Anj na magkasama, pinigilan ko ang sarili kong mag-selos kasi wala naman akong karapatan.

"Sinabi ko na sa'yo di ba? Na nagseselos ako kay Carlos."

Napairap ako. "Bakit mo naman pagseselosan si JC eh ang bait-bait no'ng tao. Tsaka matagal na kaming magkaibigan no'n." paliwanag ko. Hindi ko lang alam kung pinapakinggan niya ba kasi nakakunot lang ang noo niya.

"Yun na nga eh. Matagal na kayong magkakilala syempre mas marami siyang alam tungkol sa'yo kumpara sa'kin."

"Eh ano naman ngayon?"

"Anong eh ano naman ngayon? Syempre naaapakan ang pride ko bilang manliligaw mo."

Nararamdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko dahil sa mga sinasabi niya. Minsan talaga yung bibig nito walang preno eh.

"Mamaya ka na kiligin. Nagtatalo pa tayo." seryosong sabi niya kaya nahampas ko ang braso niya.

"Sadista ka talaga. Siguro ganyan ang paglalambing mo sa'kin no? Yung mga palo mo may kasamang pagmamahal tapos libreng chancing na din kasi nahahawakan mo yung braso ko." pagmamayabang niya.

"Ang kapal talaga ng mukha mo minsan 'no? Ni hindi ka nga nagpapaalam na manliligaw ka eh. Basta-basta ka na lang diyan nagdedesisyon eh." sabi ko at binilisan ang lakad ko. Kanina ay medyo nagugutom ako pero dahil sa pinag-uusapan namin, imbes na yung tiyan ko ang sumakit, yung ulo ko ang sumasakit dahil sa mga rason niya.

"Hindi ko naman kailangang magpaalam pa sa'yo eh. Iniinform lang kita. Kaya sa gusto at sa gusto mo, manliligaw pa din ako."

Gusto at gusto ko daw? Nasaan ang choice ko do'n eh parehas lang 'yon?

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon