Chapter 42

502 20 10
                                    

#HoldMeClose42

NAGPANGGAP akong masaya dahil alam kong maraming camera ang nakatutok sa amin ngayon. Nang nakita ko ang likod ni Kuya na naglalakad na sa pulang carpet kasunod si Papa at Tita Angeline, doon lang nag-sink in sa akin ang lahat. Kuya is starting to have his own family.

Napangiti ako nang maalala ko ang araw na natanggap niya ako bilang kapatid nila. It was one of the most priceless moment for me because I know how much he hated Papa for cheating on Tita Angeline but he forgave him. Nagpunta siya sa hotel noon na tinuluyan ko nang dumating dito, buhay pa si Tita Sally. Ang akala ko ay aawayin niya ako pero binigyan niya ako ng bulaklak at niyakap. He was whispering how sorry he was for acting like he's not my brother. Iyak ako ng iyak noon dahil hindi ko inakalang matatanggap niya agad ako.

Nabalik ako sa kasalukuyan nang nakita kong kami na ang maglalakad ni CK sa aisle. Ang violin na tumutugtog ay sakto lang para sa intimate na wedding na ito. Kahit kasi madaming inimbita ay sinigurado ni Kuya at Bianca na malalapit ang mga ito sa kanila.

Kahit flat ang sandals na suot ko, nagconcentrate pa din ako sa paglalakad kahit na mahigpit ang pagkakahawak ni CK sa kamay kong nakakapit sa braso niya. Ayokong maapakan ang may kahabaan kong damit kaya naman ay hindi ko sigurado kung nakangiti pa ba ako o seryoso sa mga pictures.

Dapat ay liliko na si CK dahil tatabi siya kay Kuya pero inihatid niya pa ako sa upuan ko kaya mahina akong nagpasalamat sa kanya. Kinindatan niya naman ako bago siya tumalikod. Sinundan ko siya ng tingin at nakasalubong ko ng tingin si Papa na seryosong nakatingin kay CK habang si Tita Angeline naman ay may nang-aasar na ngiti dito.

Itinuon ko na lang ang pansin sa kasal. Kahit ramdam ko ang tingin ni CK ay hindi ko siya nilingon. Nang nagpalit na ng tugtog dahil alam kong si Bianca na ang susunod na maglalakad, nagsimula na akong kilabutan dahil sa intro pa lang ng kanta.

When the music ends

when the lights go dim

when there's no one else around

I will still be here

Napatingala ako ng naramdaman ko na umuulan na pala ng petals ng bulaklak kasabay ng paglalakad ni Bianca sa aisle. Kung kanina ay nagandahan ako sa ayos niya nang nagpo-photoshoot kami, ngayon ay mas lalo siyang gumanda sa paningin ko. She was all smiles while making her way to my Kuya. Nakababa ang buhok niya at ang kanyang gown ay hubog na hubog sa maganda niyang katawan. Para siyang dyosa.

Napalingon ako nang narinig ko ang magkahalong tawa ni Papa at CK. Umiiyak na pala ngayon si Kuya at nagpupunas na ng kanyang luha. Natawa din ako at napalingon sa biglang yumakap sa akin na si Geraldine.

"Ate, wag ka munang magpapakasal ha." mahinang sabi niya sa'kin na ikinatawa ko lalo.

"Wala nga akong boyfriend, magpapakasal agad ako?"

"Pero alam kong may dalawang tao dito ngayon na gustong-gusto ka. And I know, you'll end up with one of them."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Matagal pa 'yang iniisip mo. Ang dami ko pang gustong gawin at malay mo, may makilala pa akong bago at 'yon pala ang makakatuluyan ko."

Imbes na sumagot siya ay mas niyakap niya ako. Nang makarating na si Bianca sa kinatatayuan ni Kuya kasama ang mga magulang niya ay napangiti ako. I know Kuya will be a great husband and father to their family because I know how big his heart is. He may not be perfect but I know how much he loves.

Mabilis ang naging seremonyas ng kasal. Naiyak ako dahil sa vow nila sa isa't-isa. Halos lahat naman yata ay naiyak. Napatingala tuloy ako sa langit na nagsisimula nang kainin ng dilim. I pray for a love like this. Pure, warm, and raw. This is the love that everyone in the world deserves.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon