Chapter 2

636 19 0
                                    

#HoldMeClose02

INASAR ako ng inasar ni Ate Happy tungkol sa nagbigay sa akin ng polaroid picture with message pa sa likod.

Kahit hindi ko alam yung pangalan nung lalaki, pakiramdam ko kilala ko na siya dahil sa dami ng iniimbentong what ifs ni ate.

Bakit ba kasi nakalimutan kong itago yung picture? Malakas pa man din mang-asar si Ate Happy.

"Baka siya na yung 'the one' mo! OMG, Vivoree Niña Andrada! I'm so happy for you!" at tumili pa siya.

Kakalabas ko lang ng banyo at delusion lang siya ng delusion ng kung anu-anong scenario sa isip niya. Nung pumasok ako sa banyo ay nakaupo na siya sa kama ko. Pagkalabas ko, nandun pa din siya at kilig na kilig. Ewan ko ba dito kay Ate Happy. Happy na happy talaga siya!

"The one ka diyan. Hindi ko kilala 'yon tsaka baka trip niya lang talaga mag-picture." sabi ko at naglakad papuntang closet ko.

Nakita ko na kanina ang isang dress na may black and red na design. Spaghetti strapped at...babaeng-babae. Kanina, sinubukan kong magreklamo pero nakakatakot ang itsura ni Ate Happy kaya 'di ko na inulit.

Sigurado ako na maghi-heels na naman ako. Nakakaiyak.

"Hindi talaga! I'm 100% sure na may gusto siya sa'yo! Balik ka ng café mamaya baka makita mo ulit siya. Kunin mo ang name!" she even squealed. Sumasakit ang ulo ko kay ate.

"Kung maaga tayo matatapos sa party baka bumili nga ulit talaga ako do'n kasi masarap talaga ang kape nila. Yung kape lang nila habol ko tsaka mga libro kasi they are my life!"

Nagsimula ko nang ilipat yung dress ko sa may kama ko at kinuha ang lotion saka ako umupo sa may harap ng vanity mirror ko.

Maliit lang ang kwarto ko pero mas lumiit pa siya dahil kay Ate Happy. Hindi sa pag-aano pero malaking babae si ate Happy.

"Aysus! May bago ka nang rason ngayon kung bakit babalik at babalik ka sa coffee shop. Gwapo ba siya ha? Gwapo ba?" sabi niya na nakatayo na sa likod ko. Sinusundot-sundot na niya ang tagiliran ko kaya inilayo ko ang katawan ko sa kanya.

"Ate Happy! Tama na nga. Magpapantalon ako mamaya sa party, sige ka." pananakot ko sa kanya.

Effective naman kasi tinigilan na niya ako pero may pahabol pa siya bago siya umalis  sa kwarto ko.

"Magkakaboyfriend ka na, sa wakas!" nakakatakot pa ang tawa niya habang lumalabas sa kwarto ko. Literal na tumahimik ang paligid pagkasarang-pagkasara niya ng pinto.

"Finally! Some peace!" I shouted bago ko sinimulang ayusan ang sarili ko.

Sanay na akong ako lang mag-isa ang nag-aayos sa sarili ko. Minsan tinutulungan ako ni ate pero minsan lang talaga kasi sobrang OA niya mag-make up. Ayoko ng gano'n.

Necessity na marunong ka mag-ayos ng sarili dahil parehas ng pamilya ko ay mahilig sa mga family gathering at parties. Ayoko lang nung after party kasi medyo magulo tsaka mas gusto kong matulog sa condo kesa pumarty.

Saktong eleven ay pumasok si ate sa kwarto ko at sinabihan akong wag muna isuot ang dress. Nagfa-final touch na lang ako. Manipis lang ang make up na ginawa ko kasi medyo maaga pa naman.

"Bakit? Ayokong magpalit pa mismo sa event's place 'te." reklamo ko.

"Kakatext lang sa'kin nung isa ko pang friend. Tatlong araw daw yung party ni Jessica. Nag-aayos akong gamit kasi we'll stay there para makapag-relax bago mag-start ang klase. Mag-empake ka din ha?" sabi lang niya at umalis na ulit.

Bumuntong hininga ako at walang nagawa kundi mag-ayos na ng gamit.

"Grabe namang party 'yan. Tatlong araw." kausap ko sa sarili ko.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon