Chapter 43

464 18 3
                                    

#HoldMeClose43

TANGHALI na ako nagising kinabukasan. Madaling araw na natapos ang party at hanggang ngayon ay tingin ko, busog na busog pa ako dahil sa dami ng kinain ko kagabi. Umuulan ng pagkain at inumin kagabi kaya hindi namin pinalampas 'yon ni Ate Happy. Humiwalay din kasi siya kay Logan dahil hinila namin siya ni Gela para makasama namin. Si Logan tuloy, sumama at kakwentuhan si Felix pati na rin sila Kuya Matthew. Hindi ko alam kung saan natulog si ate, basta ang alam ko, bumalik kami ni Gela dito sa room at nadatnan namin si Katherine na tulog na tulog na.

Ang akala ko nga ay matagal silang nag-usap ni CK dahil hindi ko na ito nakitang bumalik pa sa party. Sana naman ay nagkaayos na sila.

Pagkabangon ko ay agad akong naligo at nag-ayos para hanapin ang mga kapatid ko. Saktong palabas na sana ako ng pinto nang nakita kong may nakadikit na note sa pinto.

Ate, 

We had to go home already. I'm sorry hindi na kami nakapag paalam. I still have a shoot this afternoon so I had to prepare for it. I'm sorry. See you soon. Love you!

-Geraldine

Wala akong nagawa kundi ibulsa ang note at dumiretso palabas. Akala ko ay nandito pa ang kambal pero umalis na pala sila. Habang papunta ako sa restaurant ay nagtext ako kay Kuya Matthew kung nasaan sila. Saktong papasok ako ng restaurant ay nag-reply siya na kumakain daw sila at sumunod na ako.

Natagpuan ko silang kumakain ni Jerremiah, kasama sila Papa at Tita Angeline sa isa sa pinakagitnang lamesa doon. Medyo may karamihan ang tao at kadalasan ay puro mga businesspartners ni Papa kaya medyo natagalan pa ako dahil kailangan ko din silang batiin.

Nakipagbeso ako kay Tita Angeline at kay Papa bago ako umupo sa tabi ni Kuya Matt. Tinanong ko siya kung nasaan si Felix at kumain na ba.

"Yeah, he's surfing outside. Marunong pala mag-surf 'yon?"

Nagulat ako. "Really? Hindi ko alam 'yan." sabi ko magsimulang kumain.

Namataan ko sa hindi kalayuang lamesa si CK at ilan sa mga kaibigan nila Kuya. Mga nagtatawanan habang nagkakape. Napatingin siya sa gawi ko at ang kanina niyang nakangiting mukha ay naging seryoso. Inalis ko ang tingin ko sa kanya dahil tinawag ako ni Tita dahil may itinatanong ko siya. So far, tahimik naman ang naging brunch namin na 'yon. Nang natapos ako ay nagpaalam agad ako kay Papa at Tita na lalabas at hahanapin si Felix.

Papalapit pa lang ako sa dagat ay nakita ko na agad si Felix dahil siya lang naman mag-isa ang nagsusurf. Umupo ako sa may sun lounger doon na may payong dahil medyo mainit. Mabuti na lang ay naka-tshirt lang ako at nakashorts dahil alam kong magiging mainit.

Nagcellphone lang ako doon habang hinihintay si Felix na matapos. Ilang minuto pa ay nakita ko na siyang naglalakad papalapit sa akin daladala ang surf board. Topless siya at nakaboard shorts lang. Kitang-kita ko tuloy ang abs niya kaya iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Natawa naman siya dahil sa ginawa ko kaya sinimangutan ko siya.

"Hindi ka ba nagdala ng tuwalya?" nakasimangot na tanong ko sa kanya habang nakatutok ang paningin ko sa cellphone ko.

"I have one. Wait here." sabi niya at umalis saglit. Pagbalik niya ay nakasampay na ang tuwalya niya sa balikat niya. Natatakpan na nito ang abs niya ng bahagya kaya nagkalakas na ako ng loob na tingnan siya. Nakaupo na siya ngayon sa katabing sun lounger ng inuupuan ko.

"So..." sabi niya habang nakangiti at nagtutuyo ng buhok. Kita kong tumutulo pa ang tubig mula sa dulo ng kulo-kulot niyang buhok

Tinaasan ko siya ng kilay. "So?"

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon