Chapter 8

451 14 2
                                    

#HoldMeClose08

NAGAWA kong makatulog kahit na kabado ako sa magiging usapan namin ni Papa kung sakali man na uuwi ako. Well, hindi naman kami agad mag-uusap dahil sa condo ako uuwi at kailangan ko pa siyang puntahan sa kanila para doon.

Masarap ang naging tulog ko at nagising lang dahil ginulo ako ni ate para sa bonfire daw na gagawin namin mamaya.

"Six pa lang ate." reklamo ko at nagtalukbong ng kumot. Sobrang sarap kanina ng lamig ng aircon pero dahil siguro gabi na ay medyo malamig na nga kaya nung nilamig ako, nagtalukbong akong kumot.

Gustong-gusto ko pa kasi talaga matulog. Pakiramdam ko ay kailangan ko nito at malapit na pati ang start ng pasukan. Pagbalik kasi namin sa condo ay mag-eenroll na din agad ako kinabukasan dahil magsisimula na naman ang bagong semester.

Stressful pa man din kasi maraming subjects ang sasalubong sa'kin at pahirapan pa. Hays. Sana kayanin ko!

"Basta bumangon ka na at magprepare para sa bonfire. Tumayo ka na diyan ha!" sigaw niya bago lumabas.

Akala ba niya susunod ako sa kanya? Matutulog ako dito. Bahala siya diyan.

Alas nueve na nang nagising ako at nagdesisyong maligo para fresh naman akong tingnan. Nagtanong ako kanina sa isang staff na kumatok para maglinis ng kwarto kung may mga bisita pa ba si Jessica.

"Marami nang umuwi kaninang tanghali. Puro mga matatanda yung mga nag-check out kanina tapos natira na lang kayo na mga bata pa."

Inaayos ni Ate Frida, nabasa ko sa name plate niya, yung bed sheet namin at pinapaltan ng covers. Sabi ko sa kanya na wag na niyang palitan kasi mag-checheck out na din kami bukas pero sabi niya rules daw nila yun kaya hinayaan ko na lang.

Habang ginagawa niya yun ay inaayos ko ang sarili ko sa salamin. Nakajogging pants akong itim, red na crop top at nakalugay lang ang basa ko pang buhok. Ibo-blower ko pa sana kaya lang tinatadtad na ako ng text ni ate at Kuya Jacob. Ayaw na akong puntahan ni ate dito sa kwarto kasi malayo daw at tinatamad na siya.

"Ganon po ba? Salamat ate."

Sabay na kaming lumabas pagkatapos niyang palitan din ang mga bathroom essentials. Nagpaalam siya sa akin dahil sa susunod naman siyang kwarto habang ako ay dumiretso pa sa restaurant para kumain.

Lagi na lang sa restaurant ang punta ko pero kasi nakakagutom talaga dito lalo at wala kaming dalang pagkain or snacks man lang.

Ako na lang mag-isa ang nasa restaurant. Nag-iimis na sila ng mga pagkain. Ipinag-reserve pala ako ni ate Happy ng hapunan kasi alam niyang gabi na talaga ako magigising. Binilisan ko lang ang kain ko at hinanap na din agad kung saang parte ng beach may bonfire.

Nahanap ko sila malapit sa mga linya ng puno ng niyog. Gumawa sila ng bilog at malakas na nagtatawanan habang naglalaro yata ng truth or dare. Nakapalibot sa bonfire ang mga pinsan kong lalaki na hanggang ngayon ay kumpleto pa din, si Ryle na may hawak na gitara pero hindi naman siya tumutugtog, Rayt, Kuya Mccoy, at ate Happy. Siya lang ang nag-iisang babae kaya kita kong siya ang nag-iikot ng bote

"Sa wakas! Nagising din si Madam! Kumain ka na?" si ate Happy habang iniikot ang bote at umuupo ako sa tabi niya. Tinanguan ko siya bilang sagot.

Nasa may kaliwa ko si Kuya Mccoy habang si ate ay sa kanan. Sa gitna lang kasi nila may malaking space kaya doon na ako umupo.

"Truth or dare ba yan?" sabi ko habang pinagmamasdan ang umiikot na bote sa buhangin.

"Yep." tumango tango lang si ate.

Ang katabi ni Kuya Mccoy na si Ryle ay inabutan ako ng coke in can na kakabukas pa lang. Nagpasalamat ako sa kanya. May napansin akong kulang sa kanila dahil doon.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon