Special Chapter #2

342 14 0
                                    

Special Chapter #2

HINDI ko alam kung nasaang lugar na ako ngayon para maghanap ng sinigang. Alas dos ng madaling araw at nagising ako sa tawag ng umiiyak na si Vivoree dahil gusto daw nitong kumain ng sinigang.

Hays.

“Why are you crying?” napabangon ako sa higaan at hinimas ang sentido na sumakit dahil sa biglang pagbangon.

Bihira si Vivoree umiyak kaya sigurado akong may problema lalo na at grabe ang hagulhol niya mula sa kabilang linya.

She’s one of the strongest people I know. Madalas kapag umiiyak siya ay dahil sa mabigat na problema na hindi na talaga niya kayang solusyunan. Naalala ko pa noong umiyak siya sa birthday niya. I was hoping we’ll celebrate her birthday pero hindi ko inaasahan na malaman niya ang ginawa ko noon.

I admit it was a wrong choice but that’s the only option  I got that time. Ipinangako ko sa sarili kong hinding-hindi ko na ‘yon uulitin kahit kailan. Hindi ko kayang makita siyang umiyak ng gano’n ulit.

“Gusto kong sinigang.” She cried.

Napatigil ako sandali at napakunot ang noo dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil sa paghibi niya.

“Ha?”

“Sinigang. Gusto kong sinigang.” Sabi niya habang umiiyak pa rin.

Doon na yata tuluyang nawala ang sakit ng ulo ko. Sinigang?

Sinipat ko ang orasan ko sa may dingding at nakita kong mag-aalas dos pa lang ng madaling araw.

Alas dos ng madaling araw tapos naghahanap siya ng sinigang?

I sighed.

“Akala ko naman kung ano. Go back to sleep. Tatawagan ko ang cook niyo bukas para ipagluto ka ng sinigang.” I softly said. Handa na akong patayin ang tawag at bumalik na ulit sa tulog kaya lang ay lumakas ang iyak niya kaya nataranta ako.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin pero bigla siyang nagsalita.

“Gusto ko ng sinigang, CK. Ngayon na. Bakit bukas pa? Gusto ko ngayon na.” parang bata na sabi niya.

Muli akong nagbuntong hininga. Naglilihi kaya ‘to?

“Tulog na ang mga tao dito sa’min. Hindi kita maipagluluto ng ganitong oras plus the stores aren’t even open yet. Can’t it wait for tomorrow?”

Narinig ko ang pagtigil ng iyak niya.

“So are you saying that I should go back to sleep without eating sinigang?”

Napahawak ako sa sentidong muling sumakit. Ang boses niya ay puno ng emosyon.

“Yes. Hindi ba pwedeng bukas na lang?”

Ilang segundo ang lumipas bago ko narinig na naputol na yata ang tawag. Napapikit ako dahil siguradong away na naman 'to.

Sa totoo lang, minsan napapagod na din ako sa panunuyo sa kanya. Pero hindi ko naman siya matiis kaya kung kailangan ko siyang suyuin, talagang susuyuin ko. Sa dami ng pinagdaanan naming dalawa, ngayon pa ba ako susuko sa kanya at dahil lang sa pagiging toyoin niya? Mababaw na dahilan. At hindi ako gano'n kababaw na tao.

At isa pa, alam kong maraming pwede siyang ipalit sa akin. She's beautiful, kind, and understanding. Mga bagay na madalas ay hindi mo makikita sa mga babae ngayon. So why the hell would I let her slip away from me right? She's already a catch. Isa siyang malaking kawalan sa akin pag nagkataon.

Hindi na ako makatulog kaya bumangon ako at lumabas. Nagsabi lang ako sa guard namin na may bibilhin lang dahil bigla akong nagutom at ayoko ng gisingin pa ang mga tao para lang sa kapritso ko.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon