Chapter 35

462 16 10
                                    

#HoldMeClose35

HINDI ko nagawang makapasok sa loob ng unit namin kahit akala kong aalis na din agad siya. Nang binati niya ako, ramdam ko na kahit kaunti, mahal pa niya ako. Hindi naman siguro kayang mawala lahat ng nararamdaman sa loob lang ng dalawang buwan, di ba?

Kaya kahit sobrang masakit sa'kin at gusto ko na lang umiyak, hinarap ko siya. Sinabi ko sa sarili kong ayoko nang makita niya akong umiiyak ulit pero hindi ko na napigilan. Kailangan kong maintindihan ang ginawa niya kasi kung wala na talaga kaming pag-asa, buong buhay kong tatanungin ang sarili ko kung bakit hindi ako ang gusto niyang makasama.

Nakatingin lang siya sa'kin. Kung kanina, kita ko pa yung kaunting pag-aalala, ngayon wala na. Ang bilis magbago ng mata niya.

"Anong nangyari?" mahinang tanong ko sa kanya.

Sobrang general yung pagkakatanong ko pero alam kong alam niya kung tungkol saan 'yon. Pero dahil parang nananadya siya, nagtanong din siya.

"Anong nangyari saan?" he asked, poker faced.

I swallowed the lump on my throat. Naiinis ako sa kanya. He was caring the first minute and then the next, parang hindi kami magkakilala. He's so confusing.

"Wag na tayong magmaang-maangan pa dito na parang hindi natin alam kung anong pinag-uusapan nating dalawa. Gusto ko lang malaman kung anong nangyari sa'tin. Kung bakit umabot ka sa desisyon mong 'yan..." my voice cracked. Alam kong any minute, magbe-breakdown na naman ako. Ayoko nang maging mahina. Ayoko nang umiyak. Nakakapagod din kasi.

"...kung bakit nag-desisyon ka tapos ngayon ko lang nalaman. Grabe naman 'tong surprise mo. Ang sakit." pinilit ko pang tumawa kahit walang nakakatawa sa sitwasyon naming dalawa.

"You are my rock, you know. Sa ilang beses na nakita mo akong umiyak dahil sa pamilya ko, naging dependent na ako sa'yo na kapag nalulungkot ako, ikaw na yung hinahanap ko. Ikaw na yung gusto kong tawagan. Hindi naman ako hulog na hulog sa'yo dati pero bakit gano'n? Parang mababaliw na ako ngayon sa sakit na ginawa mo." pinunasan ko ang luha ko.

Akala ko hindi siya sasagot, pero narinig ko siyang tumikhim bago siya nagsalita.

"Kung naging dependent ka na pala sa'kin, bakit nung namatay yung Tita mo, bigla ka na lang umalis? Di ba dapat tinawagan mo ako no'n? Kasi handa naman akong damayan ka. Kahit nasaang lupalop ka ng mundo, susundan kita. Pero hindi mo ginawa. Pinaabot mo pa ng ilang araw bago ka tumawag at hindi pa sa akin. Naiintindihan ko naman kung bakit si Ate Happy ang tinawagan mo, pero isang message mo lang sa'kin, V. Isang message mo lang, hindi mo pa nagawa."

Ang lamig ng boses niya. Parang hindi si CK ang kaharap ko at ibang tao. Bakit ngayon niya lang sinasabi 'to? Bakit ngayon niya lang pinaalam sa akin?

"Hindi naman natin naging problema 'yang issue na 'yan 'di ba? Napag-usapan na natin 'yan. Hindi ko na nagawang tumawag kahit kanino kasi inisip ko na lang si Tita. Na iniwan na ako ni Tita. CK, siya yung nagpalaki sa'kin. Siya yung tumayong magulang ko nang hindi kaya ni Mama at Papa na maging magulang ko. Sa tingin mo ba, maiisip ko pang tawagan ang kahit na sino kung ang nasa isip ko na lang ay si  Tita at kung paano ako makakapunta ng London agad-agad?" Naalala ko na naman si Tita at kung paanong hindi ko man lang nagawang mag-paalam sa kanya.

"Akala ko wala tayong problema. Sana sinabi mo sa'kin kasi akala ko okay tayo. Akala ko naiintindihan mo ako. Kasi gano'n ka naman eh. Lagi mo akong naiintindihan kasi kilala mo na ako."

Ramdam ko 'yun eh. Kahit sa mga pag-uusap namin sa video call, wala naman siyang sinasabi na problema. Masaya kaming dalawa. Naiintindihan namin ang isa't-isa. O ako lang yung masaya?

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon