#HoldMeClose38
DUMIRETSO muna kami sa isang fast food para kumain. Tanghali pa lang at nararamdaman kong pinagpapawisan na ako kaya tinanggal ko na ang hoodie jacket ni Felix na suot ko. Close na agad si Tita Lauren at Ate Happy habang ganoon din naman si Logan at Felix. Nang magpaalam ako para magpalit ng damit dahil pawisan na ako ay nagpresenta si ate na samahan ako. Dala-dala ang maliit kong backpack, dumiretso ako sa isang cubicle doon.
Pagdating namin sa CR, akala ko ay magpapalit lang ako ng damit pero habang nagbibihis ako ay nalaman ko rin ang pakay ni ate nang samahan niya ako. Nakakapagtaka kasi na sasamahan niya ako sa banyo para lang magbihis.
"Girl, gwapo si Felix ha." panimula niya.
Nasa loob ako no'n ng cubicle habang siya naman ay iniwanan kong nasa harap ng salamin at chinecheck ang itsura niya. May nasesense akong something sa kanya. Pero hindi ko muna pinansin kaya sinagot ko siya ng normal.
"Yes, he is. At hindi lang siya gwapo dahil mabait din siya at maalaga."
Ngayon ay lumabas na ako ng cubicle dahil nakapagpalit na ako. Nakasandal si ate sa isang pader doon at pinagmamasdan niya ako sa repleksyon ng salamin.
"Anong nangyari sa inyo ni CK?"
Inaabangan niya kung may magbabago ba sa mukha ko o kung magpapakita ba ako ng gulat pero wala. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.
"We broke up." simpleng sabi ko at binuksan ang backpack na dala ko para ayusin ang sarili ko.
Kita ko ang pag-simangot niya. "Lagi mo namang sinasabi sa'kin 'yan kapag nagvivideo call tayo. Ilang taon ko nang naririnig 'yan sa'yo. Wala ka bang masasabing iba sa akin bukod sa nakakasawang 'we broke up' at 'it just happened'?"
Bumuntong hininga ako. "Ate, saka ko na ipapaliwanag sa'yo kapag nakauwi na ako at nakapagpahinga. Sa ngayon kasi, pakiramdam ko pagod na pagod pa ako tapos medyo masama pa ang pakiramdam ko." paliwanag ko sa kanya.
Handa naman talaga akong magpaliwanag sa kanya. Hindi ko din kasi talaga siya sinasagot ng matino tungkol sa paghihiwalay namin ni CK five years ago. Hindi ko alam kung nag-uusap pa silang dalawa at pinaliwanag niya kay ate ang nangyari pero base sa pagtatanong sa akin ngayon ni Ate Happy, talagang hindi niya alam ang nangyari.
"Alam ko. Naku-curious lang kasi talaga ako sa nangyari. Ang sabi mo sa'kin dati no'ng umiiyak ka na ayaw na niya sa'yo. Alam mo girl, hindi ako naniwala sa'yo no'n. Kahit kita kong sobrang paga na yung mata mo kakaiyak, hindi ako naniwala sa sinabi mong ayaw na niya sa'yo." sabi niya.
Sinalubong ko ang tingin niya sa repleksyon ng salamin. She was giving me the 'I know something that you don't know' look. Ayan na naman siya. May mga bagay pala talaga na hindi na magbabago sa isang tao 'no?
Nginiwian ko siya. "Paano mo naman nasabi 'yan?" ipinupuyod ko na ngayon ang buhok ko.
"V, may mga bagay na hindi napapansin ng isang hindi observant na katulad mo. Napaka oblivious mo kasi sa mga bagay-bagay kaya hindi mo napansin ang mga napansin ko dati." ngayon ay lumapit na siya sa akin.
Tumigil ako sa pagpupuyod dahil nilingon ko siya. "Anong ibig mong sabihin, ate? Na may mga bagay na ginawa siya dati para sa'kin tapos hindi ko napansin?" I asked her.
Nag-isip siya sandali bago niya sinagot ang tanong ko. "Actually, tingin ko hindi mo nga 'yon mararamdaman. Hindi mo ba napansin kung paano ka niya tingnan?" tanong niya sa'kin, ngayon ay medyo inilapit niya ang ulo niya kaya iniatras ko din ang ulo ko.
"Hindi. May kakaiba ba sa tingin niya sa'kin?" ipinagpatuloy at tinapos ko na ngayon ang pagpupuyod ko. Chineck ko ang mukha ko kung hindi na ba ako mukhang haggard o may sakit.

BINABASA MO ANG
Hold Me Close
Fanfiction[KierVi Collection #1: Completed] Vivoree Andrada is an in-between child. Simula nang dalhin siya ng Tita niya sa Pilipinas para ipakilala sa mga magulang niya ay nagkagulo na ang kanya-kanyang pamilya ng mga ito. Ngunit lumipas ang panahon at natan...