Chapter 11

509 14 4
                                    

#HoldMeClose11

NATULOG ako pagkarating na pagkarating ko agad ng condo namin. Ganoon din si ate dahil nang sinilip ko ito sa kwarto ay nakatodo ang kanyang aircon at tulog na tulog siya.

Ibinaba ko lang din ang mga gamit ko at pagkatapos ay tumalon na rin sa higaan at mabilis na nakatulog. Nagising ako ng hapon na at tiningnan ko sa orasan ay malapit nang mag-alas tres ng hapon. Bumangon ako at naligo agad. Chineck ko ang phone ko at nakita kong low battery na kaya i-chinarge ko muna ito bago ako nagdesisyon na lumabas na ng kwarto.

Nakita ko si ate Happy na nakaupo sa may sofa sa maliit na living room ng aming condo, nanonood ng isang movie. Siguro ay naligo na din siya dahil iba na ang suot niya at medyo basa pa din yung buhok niya.

"Okay ka na ate?" tanong ko sa kanya habang umuupo sa kanyang tabi.

Tumango lang siya at hindi inaalis ang mata sa tv. Napatingin din tuloy ako sa pinapanood niya.

"Anong movie 'yan?"

"Nakalimutan ko nang kalimutan ka."

"Sinong bida?"

"Si Alex Gonzaga."

"Tungkol saan yung story?"

Nainis na yata siya sa kakatanong ko kaya ginulo niya ang buhok niya at gigil na tumingin sa akin.

"Manood ka na lang ha?" sabi niya at may pagkagat pa sa labi sa inis.

"Nagtatanong lang ako, galit ka kaagad. Meron ka ba?" tumayo ako at naglakad papuntang kusina para kumuha ng pagkain. Wala man lang kasi siyang kinakain na kahit ano kaya kumuha ako ng dalawang malaking Piattos na green at dalawang RC in can at inilapag ito sa may lamesa ng salas.

"Oo. At isasampal ko sayo ang napkin ko kapag hindi ka tumahimik diyan kakatanong."

Natawa ako sa kanya at nakinood na din.

Maganda yung movie, all in all. Naiyak si ate Happy kapag pinapakita lagi yung mga masasayang memories ni Alex at Vin Abrenica kaya tinatawanan ko siya kapag ganoon. Kinukurot naman niya ako at hinahampas. Alas singko na ng hapon nang matapos kaming manood ni ate.

"Samahan mo ko sa'min. Ibabalik ko yung kotse."

Napatingin ako sa kanya at niliitan siya ng mata. Kapag ganyan kasi na nagpapasama siya sa kanila ay ginagawa niya akong pain para hindi siya mapagalitan masyado nina Tita at Tito.

"Alam ko yang binabalak mo ate. Ayoko. Dito lang ako."

Nakita ko ang pagsimangot niya kaya tinalikuran ko na agad siya at pumasok na ako sa kwarto. Nakasunod siya sa akin.

"Sige na, please! Kailangan lang natin mapapayag si Mommy at Tatay na sa atin muna ang kotse."

My forehead creased. "Natin? Bakit damay ako?"

"Ay sige. Hindi mo yata kailangan ng sasakyan papuntang school." sabi niya at umirap. Minsan talaga masarap kurutin si ate kapag ganyan siya.

"Hindi naman talaga. Tsaka hindi naman natin alam kung parehas ba sched natin this sem. Graduating ka na kaya so definitely mas busy ka."

Naisip din siguro niya ang sinabi ko kaya natahimik siya for ten seconds pero pagkatapos no'n ay humaba lalo ang nguso niya dahil ayaw kong pumayag.

"Please! Sige na! Last na talaga 'to." Napairap ako sa sinabi niya.

"Ilang beses ko na yan naririnig sa'yo, ate. Sinasabi mo laging last na pero hindi naman 'yan yung last." paliwanag ko.

"Ayokong gawin sa'yo 'to pero pinipilit mo ako at inuubos mo ang energy ko." sabi niya habang kinukuha ang cellphone niya sa likod ng shorts na suot niya at may kung anong tinype doon.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon