Chapter 7

454 15 4
                                    

#HoldMeClose07

HINDI ko na hinayaan na alalayan pa ako ni CK pababa ng hagdan. Basta nagmadali akong bumaba ng bangka at naglakad agad papunta sa may buhangin.

Pakiramdam ko ay sinuway ko si Papa at kuya na wag nang makipagusap o makipaglapit man lang sa mga Marquez. Pero hindi ko naman sinasadya at hindi rin maiiwasan. Nasa iisang circle of friends lang kami. At isa pa, malawak ang koneksyon ng mga Marquez.

"I'll eat with you first. I-tetext ko na lang si Mommy." sabi ni Gela na tinanguan ko. Mabuti na lang at nakapulupot sila sa akin ni ate Happy kaya hindi ako naistorbo ni CK.

May kanya-kanya kaming kwentuhan habang naglalakad. Rinig namin ang magulong usapan na naman ng mga lalaki habang kaming tatlo ay nauuna at may pinaguusapan din.

"Charles!"

Kung ikaw ang makakarinig sa sigaw na yun, mararamdaman mong may kasamang lambing yun. Lahat kami ay napalingon dahil don.

Si Katherine pala.

Kita ko ang pagpapalit ng emosyon sa mukha ni CK. Galing sa seryoso ay bigla itong nakangiwi na. May problema ba sila ng kapatid ko?

"Bakit hindi niyo ako sinama?" Katherine even pouted. I grimaced. Ganyan ba talaga kapatay na patay ang kapatid ko sa lalaking yon? Katherine was never the pacute type. Si Gela pwede pa, pero si Katherine? Never. Kaya nakakagulat na ganyan ang ginagawa niya ngayon.

"Ugh. Nakakadiri si Kat. Let's go, ates. Hindi ko kayang tagalan ang pagpapa-cute ng kambal ko." sabi ni Gela at nagmartsa na sa may restaurant habang hilahila kami ni ate Happy.

"Lagi bang ganon si Kat kay CK?" tanong ko kay Gela habang papasok kami sa restau.

"Sa kasamaang palad, yes ate." sabi ni Gela at umaktong nasusuka. Tinawanan tuloy namin siya ni ate Happy.

"Gela, kapag dumating na yung time na may lalaki kang nagugustuhan kalma ka lang ha. Maganda ka, hindi ka dapat nagpapaka desperada. Baka mamaya, kambal na nga kayo, kambal pa pati level of pagiging desperada niyo." sabi ni ate.

Napaisip ako.

"Ate, hindi ganon si Katherine." saway ko. Kahit ganon si Kat, kapatid ko pa rin siya at suportado ko lahat ng desisyon at pagkatao niya. Ganon din kay Gela.

"Naku ayan na naman po ang anghel na may pangalang Vivoree. Ang dakilang tagapagligtas ng malditang si Katherine Louise Borromeo!" sabi niya at nilagyan pa ako ng kunwaring halo gamit ang kamay niya.

"Tigilan mo nga yan ate." at hinawi ang kamay niya.

"Arte nito!" sabi ni ate at kinurot pa ako sa hita ko. Ang sakit! Ang haba ng kuko niya kaya hinabol ko ng hampas ang kamay niyang nangurot.

"Ate, tigilan mo ako please. Hahanapin ko si Kuya Zander." banta ko sa kanya.

Hindi ko na nagugustuhan ang mga pangaalaska niya sa akin pati na rin ang mga lumalabas sa bibig niyang mga panlalait.

"Hanapin mo. Pakialam ko don." at umirap pa ito.

Hindi man lang siya natakot. Natawa ako sa reaksyon niya dahil grabe ang irap nito na parang mawawala na ang itim sa mata niya. Binilisan niya na lang ang lakad at iniwanan kami ni Gela. Malapit na din naman kami sa restau kaya okay lang.

Ang piniling upuan ni Gela ay pang-apatan lang. Magkatabi kami sa isang gilid ng lamesa habang si ate Happy ay nasa tapat ni Gela. Ibig sabihin ay walang nakaupo sa tapat ko.

Kita ko ang diretsong tingin ni CK sa bakanteng upuan sa tapat ko. Uupo na sana siya kaya lang ay nahila siya ni Kat.

"Do'n na lang tayo sa two seaters, please?" malambing na sabi ni Kat.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon