Chapter 32

389 14 6
                                    

#HoldMeClose32

TWO months passed and I was really looking forward on going home. Balak pa ni Mama na magkaroon ng party dahil ang alam niya ay isang araw pa ang dating ko bago ang birthday ko. Ang totoo ay uuwi ako ng mas maaga. I'll be going home five days before my birthday. Well, technically, four days kasi halos kalahating araw ang byahe kaya pagdating ko doon, siguradong apat na araw na lang ay birthday ko na.

Gusto ni Mama na magkaroon kami kahit simple lang na birthday salubong. Nang nalaman ko 'yon ay hindi ko mapigilang hindi maexcite lalo sa pag-uwi. Kakaiba ang naging init na hatid no'n sa puso ko. The pain that Mama brought was now replaced by the warmth of her love.

Nag-aasikaso ako no'n ng last minute papers para sa kompanya dahil tatlong araw na lang ay uuwi na ako nang mag-ring para sa isang video call ang cellphone ko. Si CK ang tumatawag. Minsan na lang kami nakakapag-usap this past few weeks lalo na at busy kami parehas. Ang huling ibinalita niya sa akin, he was scouted by an agency to be a model of a certain brand. Ayaw niya sanang tanggapin dahil kakainin no'n ang magiging oras niya para sa pag-aaral pero kaibigan kasi ni Tita Charlotte ang may-ari kaya hindi rin siya nakahindi. And that is three weeks ago. After three weeks, ngayon pa lang kami makakapag-usap ulit.

"Hi." bati ko sa kanya. Napansin ko agad ang mata niyang susuko na yata sa bigat ng eyebags niya.

"Busy ka ba?" napalitan ng pag-aalala ang pagod niyang mga mata. Sinipat niya ang maraming papel sa lamesa ko na inaayos. Itinabi ko 'yon at itinuon ang pansin ko sa kanya.

"Ayan. Hindi na ako busy." at nginitian ko ulit siya. 

Miss na miss ko na talaga siya. Naniniwala na talaga ako na isa sa pinakamahirap na relasyon ang LDR. Dati naman, wala talaga akong balak na magkaroon ng lovelife kasi iniisip ko, bata pa naman ako at marami pang opportunities para sakin kaya magkakaro'n din ako ng gano'n kapag nasa tamang panahon na talaga. Pero ngayon na nandito na, lalo at hindi ko inaasahan kasi para sa'kin masyadong mabilis, mahirap at masaya din pala. 

Nag-celebrate kami ng first at second monthsary namin through video call lang. Muntik pa nga niyang makalimutan yung second monthsary namin dahil sa dami ng ginagawa niya sa school. Natatawa ako sa kanya habang paulit-ulit siyang humihingi ng sorry sa'kin. Para matigil lang siya, sinabi ko na lang na bumawi na lang siya sa'kin pag-uwi ko. Kaya ngayong magkausap kami, mas nararamdaman ko kung gaano ko siya kailangan talaga sa buhay ko. Kasi kung wala siya, baka hindi ko na alam kung anong nangyayari sa'kin ngayon. He keeps me sane from all the problems I have. Kapag may problema ako at gusto kong umiyak na lang sa isang sulok, nandyan siya para pakalmahin ako at ipaalala sa akin na magiging okay din ang lahat.

"Kailan ka uuwi? Dalawang buwan ka na diyan." mahinang sabi niya.

"Malapit na akong umuwi, I promise. Inaayos ko lang yung ibang papers na kailangan para dito kasi baka mamaya magkaroon ng aberya habang si Tito lang ang nandito." paliwanag ko sa kanya. And like the good guy he is, he always understand.

"Kung...kung hindi pa talaga okay diyan...pwede ka pa naman magtagal. Nagtatanong lang ako kung kailan ka uuwi pero kung kailangan ka pa talaga diyan, wag mo munang pilitin." he carefully said.

Natawa ako. "Ano yan? Gusto mo ba talaga akong umuwi or ayaw mo?"

"Gusto ko. Pero ayoko namang mapressure kang umuwi na agad dito lalo na at marami ka pang ginagawa diyan."

I nodded. "Naiintindihan kita. Pero gusto ko na din umuwi kasi, sobrang miss na miss na kita." my voice almost cracked with the last words. Bumuntong hininga ako dahil ramdam ko na kung sakali man na tutulo ang luha ko at makikita niya, hindi ko na mapipigilan.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon