#HoldMeClose23
AFTER almost 10 missed calls, sinagot din ni Kuya ang tawag ko. Nagkaroon lang daw sila ng mga kaibigan niya ng biglaang gathering at nagkainuman. Nagising siya dahil sa tawag ko. Apparently, he slept in a condo owned by one of his friends. Hindi ko na din napansin na ang normal na ng pag-uusap namin. Parang hindi kami nagtalo.
Gano'n lang talaga siguro kapag magkapatid kayo 'no? Basta-basta nagkakabati kahit walang sorry.
"Kuya, hindi ka man lang ba nagpaalam sa bahay?"
Hindi ko pa natetext sila Kuya Matthew dahil hindi pa pinuputol ni Kuya ang tawag. Medyo groggy pa nga siya magsalita eh, halatang kakagising lang talaga. Pero it's 11:45 in the morning already! Ano bang ginawa nila?
"I forgot." simpleng sabi niya.
"Then text Kuya Matthew pagkatapos ng tawag na 'to. Ginugulo mo si Kuya alam mong nag-rereview 'yon."
I heard him chuckling. "Nakalimutan mo na bang hindi tayo masyadong okay?"
I sighed. Si Kuya Elias talaga, hindi papayag na hindi pag-uusapan ang problema. It's a good trait of him actually. Kapag may problema talaga, kahit saan, gusto niyang pag-usapan talaga para maayos. Sa part ko naman, gusto kong hintayin ang panahon na maging okay. Pag-uusapan pa din naman pero kapag okay na ang lahat at kalmado na. Yung wala nang galit sa isa't-isa. Kuya knows me well. I heal through time, he said.
"Kuya, alam kong ikaw ang nagpaliwanag at nagpaintindi kay Papa nang tungkol sa pagiging harmless ng pagkakaibigan namin ni CK. I owe you that."
"Talagang hindi mo na kayang iwasan ang lalaking 'yon, ano?"
I sighed again. Heto na naman tayo. Magpapaliwanag pa sana ako kaso pinutol din niya agad ang sinasabi ko.
"Kuya he's---"
"I know. Alam ko naman kung anong klaseng tao siya and you are right. Hindi ka namin dapat sinasali ni Dad sa problema namin sa kanila." he explained.
I smiled, kahit hindi niya nakikita. I know my Kuya too well. Siya talaga ang pinakaprotective sa akin. Ganoon din naman si Kuya Matthew pero mas vocal lang talaga si Kuya Elias.
"Thank you, Kuya."
"Alright. Sabay ba kayo ni Dad papuntang party ng mga Alcantara?"
"Hindi ko pa alam but I'll text him. Pupunta din naman doon sila Heaven so I'll be okay."
"Good for you. I need to hang up. Bye, V."
"Bye Kuya. Text Kuya Matthew after this."
"Sure thing."
Pagkatapos ng tawag namin ay ilang minuto pa ang lumipas nang nakareceive ako ng text galing kay Kuya Matthew saying thanks dahil daw nacontact ko si Kuya Elias. Bahala na silang mag-usap tungkol sa ginawa ni kuya. Sure ako na papagalitan siya ni Papa kasi hindi siya nagpaalam. May meeting pa man din siya ngayon.
Nagluto at kumain kami ni Ate Happy bago kami nagdesisyon na mag-ayos nang dalawa. Sasama din siya dahil kaibigan din nila Tita ang mga Alcantara. Sa kwarto niya kami mag-aayos dahil malaki 'yon ng kaunti kumpara sa kwarto ko. Mayroon din siyang malaking vanity area kaya talagang mas maganda na doon kami mag-ayos. Inilatag namin ang mga susuotin namin sa kama. Ang kanya ay isang dark red na assymetrical ang design sa taas na pinili pa daw ni Tita para lang sa event na 'yon. Bago niya ako inayusan ay ini-ready niya muna lahat ng gagamitin namin habang ako naman ay tinext ang kanina pang nangungulit na si CK.
CK:
anong ginagawa mo?
Ako:
preparing
BINABASA MO ANG
Hold Me Close
Fanfiction[KierVi Collection #1: Completed] Vivoree Andrada is an in-between child. Simula nang dalhin siya ng Tita niya sa Pilipinas para ipakilala sa mga magulang niya ay nagkagulo na ang kanya-kanyang pamilya ng mga ito. Ngunit lumipas ang panahon at natan...
