Chapter 31

376 11 3
                                    

#HoldMeClose31

I had a long flight. Sa halos 14 hours na oras ko sa eroplano, isama pa ang mga oras para sa connecting flights, lahat na ng bagay ay naisip ko. Pinilit kong makatulog dahil alam kong kailangan ko 'yon kaya natulog ako kahit dalawang oras lang buong byahe. 

Walang nakakaalam na nagpunta ako ng London. Mabuti na lang talaga ay nakahanap agad ako ng immediate flight na malapit lang ang oras. Hindi ko din alam kung nakaabot na ba ang balita kay Mama pero sigurado akong nasabi na 'yon ni Tito kay Mama. Ayoko na munang isipin ang mga naiwan kong problema. Mama should also stop her problems with me for a moment. Kailangan kami ni Tito. Walang ibang makakatulong si Tito sa pag-aasikaso kay Tita dahil silang dalawa lang naman ang nasa bahay nila doon sa London. 

Pagkalabas na pagkalabas ko ng airport, kumuha ako ng sim para matawagan si Tito at sabihin na nandoon ako. Malapit nang mag-9 ng umaga kaya naghanap na agad ako ng taxi na pwede kong sakyan papunta sa bahay nila.

Lunch na ako nakarating at pagkababang-pagkababa ko ng taxi, nangilid agad ang luha ko nang makita ko ang bahay ni Tita. This is my first home. This is the place where I grew up. Lahat ng alaala ko dito, bumalik sa akin na parang flashback scene sa isang movie. Dala-dala ang maliit kong maleta, pinilit ko ang sarili kong maglakad pataas sa iilang hakbang na hagdan bago ako kumatok sa malaki at puti nilang pinto.

Isang hindi pamilyar na babae ang nagbukas sa akin doon. Bata pa siya at tingin ko ay nasa edad 25 pataas lang. Sino ito?

"Are you, perhaps, Miss Vivoree?" mahinang tanong niya.

She looks asian to me at tingin ko ay Pilipino din siya . Kasambahay ba siya nila Tita?

Tumango ako at tinanong din siya. "Filipino?"

Bumuntong hininga siya at ngumiti. "Akala ko po may lahi kayo. Pasok po kayo. Kanina pa po kayo hinihintay ng Papa niyo." at nilakihan niya ang bukas sa pinto kaya pumasok na ako.

Nginitian ko siya. "Pamangkin po nila ako. Kapatid po ng Mama ko si Tita Sally. Tsaka, mas matanda naman po kayo sa akin, ate. Wag niyo na po kayo mag-po sa akin."

Ngumiti siya at tumango. "Ganoon ba? Akala ko kasi ikaw ang nag-iisa nilang anak kasi halos picture mo ang nakikita ko dito sa bahay."

"Dito po ako pinanganak pero bumalik po ako sa Pilipinas para makasama ang mga magulang ko."

Tumango siya at sinundan ko paakyat sa hagdanan dahil ang sabi niya, nasa mini-library daw si Tito. Saglit kong nailibot ang paningin ko sa bahay. Wala masyadong nagbago.

Kumatok siya sa pintuan pero ako na ang nagbukas no'n. Pinilit ni Tito na ngitian ako pagkakita ko sa kanya. Sa harap niya ay mga photo albums nila ni Tita simula pa noong nagkakilala sila. Wala akong nagawa kundi ang iwan ang maleta ko sa pintuan at lumapit kay Tito. Magkayakap kaming umiyak ng umiyak dahil alam namin sa isa't-isa kung gaano namin kamahal si Tita.

Nang mismong araw ng libing ni Tita, tanging si Tita Tina lang ang nakita kong nagpunta at ang asawa niyang si Tito Fred.

"Paano ang pag-aaral mo sa Pilipinas?" tanong sa akin ni Tita habang naglalakad kami pasakay sa kotse ni Tito William. Isang kotse na lang ang ginamit namin papunta dito sa sementeryo. Lahat ng dumalo ay naka-itim. Madalas ay puro mga foreigner na naging kaibigan na din ni Tita at Tito dito sa London.

"Tatawagan ko pa lang po si ate Happy mamaya para diyan. Baka magtagal po muna ako ng isang buwan dito para samahan si Tito." paliwanag ko.

"Very well. Kami na ng Tito Fredrick mo ang bahala na kumausap sa mga prof mo doon tungkol sa sitwasyon mo. Give us a call kapag kailangan mo ng tulong ha."

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon