Chapter 44

437 16 11
                                        

#HoldMeClose44

SASAGUTIN ko na sana ang tawag ni Katherine nang bigla itong namatay at naging missed call na lang. Hinintay ko kung tatawag pa ulit siya pero lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin hanggang sa message niya ang nareceive ko, imbes na tawag.

Katherine:

Ate, can we talk now? You can choose where. We badly need to talk, please. Reply ASAP.

Napakunot ang noo ko dahil sa message niyang parang urgent na urgent.

Ako:

Hindi ba pwedeng bukas na lang? Gabi na masyado.

Wala pa yatang isang minuto na lumilipas agad siyang nag-reply.

Katherine:

We need to talk now :(

Bumuntong hininga ako at tumayo mula sa pagkakaupo ko sa couch. Tumaas muna ako at nagpunta sa kwarto ko para magpalit ng damit at kumuha ng isang gray na hoodie bago ako dumiretso sa may library kung nasaan si Kuya Matt at nagpaalam. Kumatok muna ako sa pintuan ng library bago ko binuksan ang pinto at dumungaw doon. Kita ko si Kuya na nakatoon ang buong atensyon sa laptop habang kunot na kunot ang noo. Nang makita niya ako ay naalis ang kunot sa noo niya at hinarap ako.

"Why?"

"Kuya, I need to go."

Bumalik ang pagkakakunot ng noo niya.

"Ngayon na?" tinanguan ko ang tanong niya. 

"Where are you going?"

Nag-isip pa ako kung saan kaya nakita ko ang tingin niyang parang nanghihinala dahil sa itsura ko kaya agad kong sinabi kung sinong kikitain ko.

"Sa isang coffee shop lang malapit sa condo ng kambal. May kailangan lang daw kaming pag-usapan ni Kat.  Si Kat ang kikitain ko kuya at hindi kung sino."

Mukhang satisfied naman siya sa sagot ko kaya nakita kong isinarado niya ang laptop niya at tumayo.

"I'll drive you there."

Naalarma ako. "Hindi na Kuya! Tatawag na lang ako ng Grab para hindi ka na maabala. I-memessage ko na lang sa'yo yung details ng driver para makampante ka. Okay?" pangungumbinis ko pero tuloy-tuloy lang siya palabas ng library kaya sinundan ko siya.

Pero wala akong nagawa nang kinuha niya ang susi sa isang babasagin na lagayan doon kung saan nakalagay ang mga susi ng mga kotse nila. Sinundan ko siya sa labas at sumakay sa kotse na pinatunog niya. Nauna akong sumakay dahil tinawag pa niya ang gwardiya para siguro buksan ang gate. Nagtext muna ako kay Kkat at sinabing sa coffee shop na lang malapit sa building ng condo nila. Agad din naman siyang nag-reply ng okay. Mayamaya pa ay sumakay na din si kuya at nagmaneho agad paalis.

Palabas na kami ng village nang nagsimulang magtanong si Kuya.

"What time will you finish?"

I shrugged my shoulders. "Hindi ko alam. Depende pa sa pag-uusapan namin ni Kat."

Tumango-tango siya. "I guess she's alarmed."

"Alarmed?"

"Yeah. There's an issue between you and Charles."

Nanlaki ang mata ko at napaharap ako bigla kay Kuya. Alam niya pala? Saan niya nalaman? Pa'no niya nalaman?

Siguro ay nahalata niya ang mga tanong sa mukha ko kaya saglit siyang tumingin sa akin at natatawa niya akong sinagot. "You should see your face. It's all over the internet so it's impossible that I won't know it."

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon