Special Chapter #1

455 14 3
                                    

Hold Me Close - Special Chapter #1

“WHY the long face?”

Napalingon ako ng tanungin ako ni Feliz, anak ng isa naming stockholder. Nasa isang meeting ako at kanina pa ako namomroblema kay Vivoree dahil hindi na naman nagrereply. May usapan kami na magkikita kami ngayon pero dahil nagkaroon ako ng biglaang meeting para sa isang project na ilo-launch namin ay kailangan kong i-cancel the last minute.

Nagpakawala ako ng buntong hininga bago sumagot sa kanya. “Wala naman.” Sabi ko at inilapag na ang cellphone ko sa may lamesa para ituon ang buong pansin sa nagsasalita sa unahan.

Tumagal ang meeting ng halos dalawang oras. Sa loob ng dalawang oras na ‘yon ay maya’t-maya ko ding chinecheck ang cellphone ko kung may message na ba si Vivoree pero wala pa din.

Hindi agad ako nakalabas dahil marami pa akong kailangang kausapin. Sinigurado ko muna na nakaalis na ang lahat ng mga taong kausap ko doon bago ako nagpasyang lumabas. Hinintay pala ako ni Feliz kaya naman sabay na kaming naglakad paalis.

“You’re kind of distracted.” Alanganing ngiti ang iginawad niya sa akin.

Nagbuntong hininga na naman ako dahil iniisip ko pa lang kung paano ko na naman susuyuin ang fiancé kong buntis, sumasakit na ang ulo ko. Hindi pa naman malaki ang tiyan niya at halos wala pa naman talaga pero kapag ganitong tinotoyo na naman siya ay wala akong magawa kundi suyuin siya.

“May kaunti lang na…problema.” Sabi ko at ngumiti. Hindi naman problema si Vivoree.

Sa totoo lang ay naku-cute-an nga ako sa kanya kapag ganitong nagtatampo siya sa akin. Ang sabi kasi sa’kin ni Ate Happy, naglilihi lang daw ‘yon. Oo nga pala, buntis na din si Ate Happy. Mukhang magiging double wedding pa ang mangyayari next year.

“Maybe I can help?” sabi ulit ni Feliz nang pasakay na kami ng elevator.

Umiling na lang ako.

Alam ko naman kung anong nararamdaman sa akin ni Feliz. Kahit noong unang beses pa lang na nagkita kami, alam ko na agad na may gusto siya sa’kin. Siguro ang akala niya ay single pa din ako dahil wala pa namang anunsyo na ginaganap tungkol sa amin ni V.

Gusto kasi namin maging pribado ang lahat ng tungkol sa amin. Kahit na malaking tao ang mga pamilya namin, gusto pa din namin gawing pribado ang ilan sa mga bagay sa buhay namin. Balak nga namin i-announce ang tungkol sa relasyon namin kapag nakasal na kami. Gusto namin ay isang bagsak na lang ng mga tanong kung sakali.

“No, it’s fine. I can handle it.” I politely answered.

May tinanong pa siya tungkol sa isa pang upcoming project namin kaya naman humaba ang usapan namin. Nag offer ako na sa opisina na namin pag-usapan ang ibang detalye kaya naman gano’n nga ang ginawa namin.

Pinagbuksan ko ng pintuan si Feliz at nagawa pa niyang magbiro nang papasok na kami sa opisina kaya natawa ako. Sakto naman na natanaw ko kung sino ang nakaupo sa may swivel chair ng malaki kong lamesa na nasa gitna ng opisina ko.

Nahinto ako sa paglalakad at pagpasok habang si Feliz naman ay tuloy-tuloy ang pasok at hindi yata nakita si Vivoree na hindi man lang nakangiti at nakakrus pa ang mga braso. Para bang kanina pa siya naghihintay at matitiris na niya ang taong hinihintay niya.

Patay na naman ako nito.

“What? Have you seen a ghost? Come on.” natatawang sabi ni Feliz at nagawa pa akong hilahin papasok kaya naman naalarma ako ng makita ko ang mariin na pagsarado ng bibig ni Vivoree.

Maghuhukay na ba ako ngayon ng paglilibingan ko?

“V-Vive, k-kanina ka pa ba n-nandito?” mabilis na sabi ko at agad inalis ang pagkakahawak sa akin ni Feliz saka mabilis na lumapit sa lamesa.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon