Chapter 16

442 13 0
                                    

#HoldMeClose16

NAKITA ko na naman ang sarili ko sa loob ng sasakyan ni CK. But this time, I didn't care how much I'm crying. Hindi siya nagsasalita kahit rinig niya ang hagulhol ko. Siya na naman ang nakakita sa akin na umiiyak, at para sa parehong dahilan pa.

I sometimes wonder how he is always right in time when I needed someone to be with.

Kasabay nang pagkakaipit namin sa traffic nang hapon na 'yon ay ang pagtahan ko. The ride downtown calmed me.

Minsan naiinis din ako dahil napakadali kong umiyak sa mga bagay. They said that I am too soft-hearted. Tingin ko ay hindi ako soft-hearted. Masyado lang akong mapagbigay sa pagmamahal kaya mabilis akong nasasaktan. You can't blame me this time, though. They are my family that's why it's natural for me to be hurt by them.

I remember the first time I got hurt because of my family. Iyon ay ang panahon na ipinakilala na ako ni Tita Sally sa pamilya nila Mama at Papa. I can remember it was my first birthday celebration in the Philippines. Ang sabi ni Tita ay ipapakilala na daw niya ako kay Mama and Papa. Sobrang excited ako dahil finally, may matatawag na akong Mama at Papa.

Parehas kaming excited ni Tita that she even bought a pink dress for me that time, both to celebrate my birthday and my first meeting with my parents. Akala ko ay magiging okay ang lahat, but then nagalit si Mama sa pagdating ko. Inaway niya si Tita Sally for bringing me to the Philippines. Ang sabi niya ay dapat daw na nag-stay na lamang ako sa London. I cried hard that time. It was my worst birthday. Mabuti na lang ay naroon si Papa at niyakap ako. Ang sabi niya ay talagang pinaghandaan na niya ang pagdating ko. Akala ko ay titira ako sa bahay niya pero it turns out, I'll live in a condo with one of my cousins from his side. It was ate Happy. I guess it's better to live there di ba? At least ay nandito ako at malapit sa kanilang dalawa.

Napaka emosyonal ng linggong iyon para sakin. Hati ang desisyon ng mga magulang ko na patirahin ako sa Pilipinas. Nagpapasalamat na lamang ako sa kanilang mga asawa dahil tinanggap nila ako kahit na medyo labag din sa kalooban nila.

Remembering those memories comforted me now. Kung 'yon nga ay nakasurvive ako. Ang problema pa kaya ngayon?

Natuyo din ang mga luha ko dahil sa haba ng binyahe namin ni CK. Hindi ko na din namalayan na nakatulog ako. Nagising lang ako dahil lumagabog ang pintuan ng sasakyan. Pagmulat ng mata ko ay una kong nakita ang buhay na makina ng sasakyan at ang oras na 8:34.

Nasa loob pa rin naman ako ng kotse pero nag-iisa na ako. Wala si CK. Nang igala ko ang paningin ko ay nakita kong nasa isang parking area kami ng isang gasoline station. Nang bumangon ako ay nalaglag ang isang nakakumot pala sa akin na itim na jacket. Naamoy ko ang lalaking-lalaki niyang pabango, definitely from a famous brand. Pinulot ko ang jacket at binuksan ang pintuan ng kotse.

Sumalubong sa akin ang napakalamig na hangin. Nanginig ako sa lamig kaya wala akong choice kundi suotin ang jacket na naroon para alamin kung nasaan na kami at sundan si CK na pumapasok sa isang maliit na coffee shop doon. Wala masyadong tao sa coffee shop kundi dalawa lang na sigurado akong mag-boyfriend at girlfriend.

Naririnig ko ang order niya ng dalawang kape. Tumabi ako sa kanya sa counter. Medyo nagulast siya sa pagtabi ko sa kanya.

"Sana nag-stay ka na lang sa kotse. Medyo malamig pala ngayon dito sa Tagaytay."

"Nasa Tagaytay tayo?" gulat na sabi ko.

"Oo. Nakatulog ka kasi sa byahe tapos hindi ko alam kung saan mo gustong pumunta kaya dito na lang kita dinala." habang nagpapaliwanag siya ay inililibot ko ang paningin ko sa loob ng coffee shop na maghahanap ng patunay na nasa Tagaytay nga talaga kami.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon