Chapter 33

402 13 8
                                    

#HoldMeClose33

EVERYTHING is all settled within two days sa tulong ni ate Happy. Kung hindi dahil sa kanya ay aabutin ng isang linggo dapat ang lahat ng preparasyon. Sa pangatlong araw ay maghapon lang akong nagkukulong sa bahay at katext lang si ate Happy. Ang sabi ni ate ay may klase siya maghapon dahil lunes, pero kinabukasan ay magkakaroon ng event ang school hanggang friday dahil university week daw at depende sa estudyante kung aattend ba doon. At dahil siya si Maria Ligaya, hindi siya aattend sa mga 'yon. Aayusan niya ako sa hapon.

Ang alam kasi ni Mama ay tuesday pa ng tanghali ang dating ko at magpapahinga ako ng buong hapon tapos ay didiretso sa isang sikat na hotel na ipinareserve niya ang rooftop para sa dinner namin. Ang sabi niya ay magiging late dinner daw 'yon at mga nine pa magsisimula dahil kailangan pa niyang tapusin ang mga last minute na pinapaayos niya para daw maging perpekto ang lahat.

Hindi rin nagmemessage sa akin si CK kaya ipinatanong ko kay ate kung anong ginagawa nito. Tinext ako ni ate na sabay daw silang magla-lunch ni CK mamaya, after a week na hindi rin nila pagkikita dahil si ate naman ang busy. Si Heaven at Ate Maymay ay nangangamusta din pero hindi pa rin ako nagrereply sa kanila. I want to surprise them on my birthday celebration sa beach and that would be on wednesday. Swerte ko lang dahil napatapat sa university week ang birthday ko.

Nang nag-lunch ay tinext ako ni ate na tatawagan niya ako kapag nag-uusap na sila ni CK para naman daw marinig ko ang boses ni CK dahil alam daw niya na miss na miss ko na ito. Hindi daw siya magpapahalata kasi baka mapurnada pa daw ang pagtawag niya lalo na at kasama pa man din nila mag-lunch si Heaven, na may boyfriend na din, at si Ate Maymay kasama si Edward. Mabuti na lang daw at hindi pa ako sumasama sa kanila dahil kapag nandoon na daw ako, siya na lang daw ang walang jowa tuwing lunch time.

Nagpa-deliver ako ng fast food no'n sa unit para sa tanghalian ko nang nag-text si ate na sinasabing kumakain na sila nila CK kaya tinawagan na niya ako. Nang sinagot ko ang tawag ay nakinig lang ako sa pinagkukwentuhan nila. And as usual, maingay na naman silang dalawa ni Ate Maymay.

"Alam niyo, next time, hindi na ako sasabay sa inyo." si ate Happy 'yon.

"Bakit naman?" narinig ko ang boses ni Ate Maymay at Heaven na nagsasabi n'on.

"Ang sakit niyo kaya sa mata. Lahat kayo may jowa na tapos ako, wala? Si Heaven may Emmanuel, Si Maymay may Edward, si CK may Vivoree, tapos ako pagkain lang ang meron ako tuwing lunch? Maghahanap na ako ng single friends bukas."

Dinig ko ang tawanan nila pero agad ding napahinto dahil sa tanong ni Heaven.

"Miss ko na si V. Kailan daw ba siya uuwi, CK? Hindi siya nagrereply sa group chat namin. Baka alam mo?"

Ilang segundo pa bago nakasagot si CK sa kanya.

"Hindi na kami nakakapag-usap kasi busy ako. Baka busy pa din siya doon kasi no'ng huling nag-usap kami, ang daming papel na nakatambak sa harapan niya tapos parang pagod na pagod siya." paliwanag ni CK.

"Why don't you try following her? You have all the money naman 'di ba." si Heaven ulit.

"Hindi gano'n kadali lalo na at medyo magulo sa amin ngayon."

Natahimik sila. Si Ate ang bumasag sa katahimikan na 'yon at kung nandoon lang ako at kasama nila, baka nakurot ko na siya.

"Sabi nga sa kanta ni Rico Blanco, kung ayaw may dahilan at kung gusto, syempre, palaging merong paraan."

"Ate, napag-usapan na namin ni V no'ng unang buwan pa lang niya do'n kasi gustong-gusto ko na talagang sumunod sa kanya. Pinigilan niya ako. Gustong-gusto ko pero pinigilan niya ako."

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon