Chapter 19

432 17 7
                                        

#HoldMeClose19

ANG mga sinabi sa akin ni ate Happy ay parang mga salitang nagbukas ng mata ko sa mga bagay na wala lang talaga para sa'kin dati. Para bang nahimasmasan ako mula sa matagal na pagkakatulog at ngayon nga ay hilong-hilo ako. Una, dahil hindi ako handa. Pangalawa, narealize kong tama lahat ng sinabi ni ate. At pangatlo, oo. Inaamin kong natatakot akong baka meron nga. Na baka gusto nga ako ni CK.

Pero hindi pwede. Kasi may Katherine. Kasi mayroon pang mga problema sa pagitan ng pamilya namin na hindi ko sigurado kung tapos na ba o hindi pa.

Sobrang magulo pa ang lahat pero hindi ko mapigilang isipin na baka nga tama si ate. Natatakot akong aminin sa sarili ko na umpisa pa lang naman, alam kong may laman na yung mga biro niya.

Hindi naman sa nagkukunwari ako o nagmamaang-maangan lang pero alam ko naman talaga na pumoporma siya. Sa mga simpleng banat niya lang or linya, ramdam ko naman. Kaya lang, ayoko lang din talagang tanggapin kasi hindi rin naman niya sinasabi.

I sighed for the nth time. Dalawang oras na yata akong tulala sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko magawang tingnan ulit yung mga pictures na sigurado na akong siya ang kumuha at kung nag-reply na ba siya sa text ko kanina pa na 'hoy'.

Napabalikwas lang ako dahil tumunog ang cellphone ko at umalingawgaw sa tahimik kong kwarto. Hindi ko alam kung bakit nakapikit kong kinuha ang phone ko para lang hindi ko makita agad kung sinong tumatawag. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at nadisappoint nang makita kong si Jerremiah, ang bunso kong kapatid sa part ni Papa, ang tumatawag.

"Para kang baliw, Vivoree. Sino bang akala mo ang tatawag." I told myself before answering the call.

"Hello, Jem?"

"Ate, busy ka ba?" medyo maingay sa lugar kung nasaan siya pero tumahimik din later on.

"Hindi naman. Bakit? Nasaan ka?"

"Oh, nasa bahay lang. Kuya asked me to call you."

Si Kuya? Bakit kailangan pa niyang utusan si Jerremiah? Pwedeng siya naman ang tumawag sa'kin?

"Bakit daw?" tanong ko.

"He's going to introduce you to Ate Bianca but I think he's scared of your answer."

I pressed my lips together. Ate Bianca? Close na sila?

"Gusto mo ba si Bianca for Kuya?" tanong ko sa kanya. Because if it's fine with him then it'll be fine with me too. Kahit na hindi maintindihan ni kuya ang rason, I will accept his decision if my little brother acknowledges that Bianca.

"Hindi. She's too high maintenance. I don't like her. Naiinis din ako sa kanya kasi kung umasta siya parang siya ang may-ari dito. So please ate, if you're going to let Kuya introduce that girl to you, good luck." Sabi niya.

Oh Jerremiah. Kung alam mo lang, tumatalon na ako ngayon sa saya dahil kakampi pala kita sa Anti-Bianca club.

"Sinabi mo ba 'yan kay Kuya? Na ayaw mo kay Bianca?" tanong ko.

"Yes but I think he's blind and deaf. I'm quite pissed with him for that."

"Then tell Kuya that we are on the same page. Sabihin mo, busy ako. Wala akong time to meet new friends."

Narinig ko ang halakhak niya.

"Okay, ate. Good night."

"Good night, Jem."

My sweet baby brother. Talagang inutusan pa siya ni Kuya para magtanong kung gusto ko bang makilala si Bianca.

Bumango ako mula sa kama at inayos ang mga nakakalat na pictures. Binalik ko silang lahat sa box. Kaso nung ibabalik ko na, may naapakan akong isang picture kaya pinulot ko 'yon. Ibabalik ko na din sana sa box kaya lang napansin ko ang picture na 'yon, tulog ako sa kotse at nakaharap sigurado sa kanya kasi nagawa niya akong kuhanan ng gano'ng anggulo.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon