#HoldMeClose13
SASABIHIN ko sana kay ate na wag na kaming tumuloy sa lunch na sinasabi ni CK. Hanggang ngayon kasi ay ramdam ko ang kahihiyan dahil sa simpleng emoji na aksidente kong nasend sa kanya. Simula noong gabing 'yon kasi ay hindi ko na nireplyan or sinagot man lang ang tawag ni CK dahil pakiramdam ko ay pinagtatawanan niya ako ngayon at gustong-gusto niya akong asarin.
Successful ko siyang naiwasan noong nagaasikaso ako ng mga papers and requirements nitong mga nakaraang araw pero ngayong may scheduled lunch na kami, wala na akong dahilan para iwasan siya.
Text siya ng text at tawag ng tawag sa akin simula pa kaninang umaga kaya pinatay ko na ang cellphone ko ngayon. Hindi rin tuloy ako macontact ni ate Happy. Nakita niya lang akong palabas ng admin building kaya hinila niya ako at ngayon nga ay nasa loob na ako ng kotse niya. Papunta na kami sa restaurant na kakainan namin.
"Girl kanina ka pa diyan walang imik ha. Bakit na naman ba?" nahalata na ni ate kasi tumatango lang talaga ako at umiiling kapag tinatanong niya ako. Hindi ko talaga alam kung may mukha pa ba akong ihaharap kay CK matapos ang heart emoji incident na 'yon.
"Ay parang alam ko na kung bakit. Dahil pa rin ba 'yan doon sa heart na sinend mo kay CK?" tumingin siya sa'kin saglit kaya tumango ako. Eskandalosa na naman siyang tumawa at pinalo na naman ang braso kong naabot niya. Hinabol ko na din siya ng hampas.
"Bakit ba lagi ka na lang nanghahampas? Ang bigat-bigat kaya ng kamay mo!" reklamo ko sa kanya.
"Heart na emoji pa lang naman pala aksidente mong nasend sa kanya, hindi pa naman yung heart mo na literal." asar niya at tumawa na naman.
"Ate naman kasi. Promise gusto ko ng lumubog dito sa kahihiyan. Hindi ko alam kung paano siya haharapin ngayon."
"Ikaw talaga. Simpleng problema pinapalaki mo. Pwede mo namang sabihin sa kanya na sweet ka lang talagang tao kaya minsan nakakapag-send ka ng heart sa mga kausap mo."paliwanag niya na parang ganoon nga talaga kasimple ang lahat.
"Tsaka girl, itaga mo sa bato. Hindi niya didibdibin yung simpleng heart na 'yon. Sa gwapo no'n, sigurado akong marami 'yong narereceive na hearts sa mga babaeng nagtetext sa kanya. Kaya, breathe, okay? Wag mo na isipin 'yon."
Medyo kumalma naman ako dahil sa mga sinabi ni ate, pero nang tumigil na ang sasakyan sa parking space ng restaurant at nakita kong kakapasok lang din ni CK, parang tambol sa lakas ang tibok ng puso ko.
Tiningnan ko muna ang ayos ko mula sa side mirror ng kotse habang ipinaparada ni ate ng ayos ang kotse. Kanina ay nakababa ang buhok ko, pero dahil mabanas kanina habang nag-aayos ako ng mga kailangan sa school ay nag-ipit na ako.
"Maganda ka na. Okay na 'yan. Baka biglang maalala no'n yung heart na sinend mo kapag sobrang nagpaganda ka pa."
Sinamaan ko ng tingin si ate kasi ayaw talaga niya akong tigilan sa pang-aasar. Natawa naman siya at binuksan na ang pintuan para makababa kami. Naglalakad na kami papasok sa loob nang mag-ring ang cellphone ko dahil sa tawag ni Heaven kaya sinagot ko ito agad at napahinto sa paglalakad. Nauna naman si ate Happy papasok habang ako ay nanatili sa labas.
"Hello Ven, bakit?"
"Vive, where are you?"
"Uhh, nasa isang restaurant para mag-lunch. Why?"
"Ah talaga? May dinner date tayo later with ate Maymay. Ipapakilala daw niya sa atin yung boyfriend niya. Are you free ba?"
"Oo naman. Text mo na lang sa'kin kung saan, papahatid na lang ako mamaya kay ate."
"Okay! Bye. Love you!"
"Love you too." at pinatay na din niya agad ang tawag.
Pagharap ko ay napasubsob ako sa dibdib ng kung sino kaya agad akong umatras at humingi ng sorry.

BINABASA MO ANG
Hold Me Close
Fiksi Penggemar[KierVi Collection #1: Completed] Vivoree Andrada is an in-between child. Simula nang dalhin siya ng Tita niya sa Pilipinas para ipakilala sa mga magulang niya ay nagkagulo na ang kanya-kanyang pamilya ng mga ito. Ngunit lumipas ang panahon at natan...