Chapter 34

443 15 14
                                    

#HoldMeClose34

IPINIKIT ko ang mata ko at inaasahan ko na sa pagmulat ko ay wala ako sa kasalukuyan kong sitwasyon. Nagbilang ako ng sampung segundo sa utak ko. At pagkatapos ay magigising na ako mula sa panaginip kong 'to. Oo, tama. Panaginip lang 'to. 

Pero nang matapos ang sampung segundo at nang imulat ko ang mata ko, nandito pa rin ako.

Nasa may kalayuang gilid ko si CK na nakatingin sa akin na seryosong-seryoso ang mga mata. Pinagmamasdan ako na para bang kapag pumikit siya ay mawawala ako sa paningin niya.

Nag-propose siya kay Katherine. They are marrying each other. He will marry my sister. 

Pakiramdam ko ay ginago ako. Habang inaayos ko ang buhay na iniwan ni Tita, may iba pala siyang plano. At paano ako? 'di ba ako ang girlfriend niya? Hindi naman kami nag-break ah? Bakit siya nag-propose sa iba? Ano 'to? Napilitan lang ba siya dahil gusto ni Tito na lumago ang negosyo nila? Pero malakas na sila! Mayaman na sila! Bakit kailangan pa ng ganito?

"Iha, let's get out from this mess."

Ang salitang 'yon ang nakapagpabalik sa akin sa huwisyo. Kita ko si Tita Tina na nakatayo sa harapan ko at hawak ang dalawang braso ko. Kung tingnan niya ako ay para akong babasagin sa kanyang paningin.

"Where are you taking my daughter, ate? Nandito siya para sa birthday dinner niya--"

"Stop this bullshit of yours Helena! Once and for all stop all of this!" pakiramdam ko ay nayanig ang lugar dahil sa galit na galit na sigaw na 'yon ni Tita Tina. Huminto ang tugtog, at nawala ang maliliit na boses na nag-uusap. Lahat kami ay natigil dahil sa sigaw ni Tita.

"I've had enough of hearing your bullshits and the things you do to your daughter but this time, this is too much!"

"Ate, you need to calm down--"

"Isa pang imik mo at sasampalin ko 'yang mukha mo gamit ang mamahalin na platong nasa harapan mo!" putol ni Tita sa sinasabi dapat ni Mama.

Ilang segundong tahimik bago ulit namin narinig ang sabi ni Tita.

"All of you, leave this place this instant or you can find another job to do the next morning!" sigaw niya sa mga ibang tao na narooon. Kita namin kung paano mga nagkukumahog ang mga nandoon at nagmamadaling umalis. Saka si Tita nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ano na naman 'to, Helena?! Ano na namang ginawa mo?! Pinalabas mo na magkakaroon ng dinner para salubungin ang birthday ni Vivoree at pagkatapos ay engagement dinner naman pala ito ni Katherine at ng lalaking Marquez?! What kind of bullshit is this again?!"

"Stop saying bullshit--"

"NO! YOU BULLSHIT!"

Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkakasabing 'yon ni Tita kay Mama. I never saw Mama ang Tita Tina having a row. This will be the first time.

"Hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mo! Lahat ng naririnig ko tungkol sa ginagawa mo sa anak mo ay hindi ko na papalampasin simula ngayon! Ipaliwanag mo sa akin itong kagagahan mo na ito ngayon at kapag hindi mo ako nakumbinsi ay papaliguan kita ng mga ulam na nakahanda ngayon!" ramdam na ramdam ko ang gigil kay Tita. Hinawakan ko ang braso niya para pakalmahin. Kahit ang mga lalaki na naroroon ay walang magawa kay Tita.

"Ate, can you please calm down first--"

"Magpapaliwanag ka o uuwi kang amoy cordon bleu!"

Bumuntong hininga si Mama at padabog na tumayo bago nagpaliwanag.

"I really arranged a dinner for Vivoree's birthday tomorrow. It just so happened that Charles here, proposed to Katherine earlier today. So Romer is right. This is indeed a double celebration."

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon