#HoldMeClose09
NAPILITAN akong umupo pabalik sa tabi ni CK dahil hindi talaga niya ako binitawan. Kaharap namin ngayong dalawa ang bonfire na medyo nawawalan na ng apoy. Sila Kuya naman ay medyo malayo na din dahil halos lahat yata ng puno ng niyog ay gusto nilang subukan na akyatin.
Basically speaking, kaming dalawa na lang ang natira dito ni CK. It's just the two of us and the sound of the waves crashing. Romantic sana yung ganitong moment kaso wala namang kahit anong meron samin ngayon ng lalaking 'to eh.
"Kapatid mo si Elias."
Napatingin ako sa kanya. Diretso ang tingin niya sa bonfire. Parang sinabi niya ang salitang 'yon sa sarili niya.
"Paano nangyaring kapatid mo siya? Si Katherine at si Gerladine ang kapatid mo 'di ba?"
Nakatingin na siya ngayon sakin. Kita ko na naguguluhan siya sa mga pangyayari kaya ipinaliwanag ko sa kanya ang sitwasyon ko kahit hindi ko na naman talaga kailangan magpaliwanag.
Gusto ko siyang layuan pero hindi ko maipagkakailang naging mabuti naman siya sakin sa saglit na panahon. Itinuturing ko na din siyang kaibigan kahit pa alam kong siya ang nag-iisang anak ng mga Marquez. Nang matapos ako sa pagkukwento sa kanya kung paano ako naging isang Andrada ay tanging tango lang ang naisagot niya sa akin.
"Ikaw pala yung madalas kinukwento sa akin dati ni Elias. Palagi niyang kinukwento sakin na hanggang ngayon, hindi siya makapaniwalang may kapatid siyang babae." sabi niya matapos ang ilang segundong katahimikan sa pagitan namin.
"So my brother's been telling you stories about me?"
"Oo naman. Madalas ka niyang bukambibig. Akala namin na girlfriend niya yung binabanggit niya kasi ang alam naman namin, tatlong lalaki lang sila. Pero ngayon na nalaman kong ikaw pala yung kapatid niya, hindi ko siya masisisi kung bakit ikaw yung lagi niyang kinukwento."
Hindi niya natuloy ang sinasabi niya dahil napatingin lang siya sakin.
"Hindi na mahalaga yung mga dating nangyari. Ang mahalaga sakin ngayon ay thankful ako dahil nagawa akong tanggapin nila kuya at sobrang protective sila sa'kin." sabi ko at napangiti sa kawalan.
Naalala ko bigla kung paano ako tinanggap nila Kuya no'ng ipinakilala nako ni Papa sa kanila. Hindi naging madali iyon dahil wala talaga silang ideya na may anak si Papa sa labas at ako 'yon. Jerremiah and Kuya Matthew were the first to open their hearts to me.
Si Kuya Elias ang pinakahuling natanggap ako pero ngayon naman ay siya ang pinakaprotective sa akin.
"I'm sorry for what happened between you and Kuya Elias."
"Hindi mo kailangang mag-sorry dahil do'n."
Pinutol ko ang sinasabi niya. Kahit anong mangyari, nalagay siya sa panganib. Hindi dapat nangyari ang ganoon kung hindi nagpadala si kuya sa damdamin niya.
That's why I hate feelings. I hate it because it clouds someone's reasoning.
"Kahit na. You were stabbed at dahil do'n ay nagkalamat ang pagkakaibigan niyo ni Kuya, nadamay pa ang business partnership ni Papa tsaka ng parents mo."
Hindi siya umimik. Parehas lang naming pinagmamasdan ang pagsayaw ng apoy sa may bonfire.
"Alam mo, itinuring kong parang kapatid ang kuya mo." sabi niya.
Pakiramdam ko ay malalaman ko ang tunay na dahilan kung bakit talaga hindi na sila nag-uusap ni Kuya. Hindi ako naniniwala na dahil
"Siya yung tipo ng tao na on call talaga. Nandiyan siya kapag may problema ako sa bahay. Hindi kami nawawalan ng kalokohan. Isa lang naman ang naging problema namin."

BINABASA MO ANG
Hold Me Close
Fanfiction[KierVi Collection #1: Completed] Vivoree Andrada is an in-between child. Simula nang dalhin siya ng Tita niya sa Pilipinas para ipakilala sa mga magulang niya ay nagkagulo na ang kanya-kanyang pamilya ng mga ito. Ngunit lumipas ang panahon at natan...