Journal #1

672 15 0
                                    

- - - - - -

Journal
noun | jour•nal

: a record of personal experiences, reflections, or ideas kept regularly for private use
: the writer faithfully records his dreams in a journal, believing that they are a vital key to self-understanding

Synonyms daybook, diary

- - - - - -

January 01, 20xx

Every year ko na naman 'to nararanasan pero iba pa rin talaga kapag wala kang kasama mag-celebrate ng New Year. Nakakalungkot pero sanay na ako. Pumatak ang 12 midnight at nandito lang ako sa balcony ng condo ko, umiinom ng kape.

Binili ko 'to kanina sa may coffee shop na katabi nitong building. I like that place because of the mixed scent of old books and coffee. Pwedeng bumili ng kape at libro doon kaya sobrang gusto ko ang lugar na 'yon. Kilala na nga ako ng may-ari. Hahahaha.

Oo nga pala, ginreet ko si Mama ng happy new year pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagrereply.

Tinawagan naman ako ni Papa pero pinagalitan niya lang ako dahil bakit daw kailangan ko pang humingi ng pera kay Mama. Kaya naman daw niyang ibigay sa akin.

Hindi ako humihingi ng pera kay Mama. Nagbibigay siya ng kusa sa akin. Hindi man lang ako nagreet pabalik ni Papa kasi pinagalitan na din niya ako agad.

Ang hirap ng may magkaibang pamilya ang parents mo. Pero okay na din siguro na malayo ako sa kanila pareho, kasi ayaw naman ng mga asawa nila na nando'n ako.

Ayokong malungkot ang first day ng taong 'to. Ano kayang pwede kong gawin mamaya?

Maybe I should buy another book, then coffee again?
Hala, baka masobrahan na ako sa pagkakape. Pero masarap ang kape! Hindi ko pwedeng talikuran 'yon. Never.

Okay. I'll buy a book later and a coffee. Do'n na lang din kaya ako tumambay? Hmm, ano kaya?

💜 Viv

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon