Chapter 40

505 18 9
                                    

#HoldMeClose40

A week before the wedding ay nagkaroon pa ng ilang additional photoshoot si Bianca at si Kuya. Mabilis din na natapos ang damit ko. It's a blush pink na dress na dinagdagan ng maraming burda sa itaas at ng ilang designs ang saya nito. Kaibang-kaiba sa damit na pinagawa ko sa London. Nang sinukat ko 'yon ay tuwang-tuwa ako dahil saktong-sakto lang talaga sa akin. Masayang-masaya na sana ako kaya lang hinanap sa akin ni Pablo si CK.

"Hindi mo kasama boyfriend mo?" he's giving me the look while checking the designs of the dress.

"Hindi ko boyfriend si CK." simpleng sabi ko.

Suminghap siya at tumigil. "Is that for real? Then why is he looking at you like you are the only girl in the world?"

Ngumiwi ako. "I don't see what you can see."

He made a pfft sound before answering. "Pretty girl, I've had a fair share about love and like, and trust me, he's looking at you differently."

Hindi ko siya sinagot. Ayoko na din namang pahabain ang usapin tungkol kay CK. Isang linggo pa lang ako dito pero simula nang dumating ako, puro tungkol sa kanya na ang naririnig ko. Nang matapos kami ay inilagay na din agad ni Pablo ang damit sa isang malaking box at ipinadala sa akin. Ngayon, ang problema ko na lang ay ang pagtawag ng taxi. Inihatid lang kasi ako dito ni Kuya bago siya dumiretso para puntahan si Bianca sa isang event daw kasama ang mga kaibigan nito.

Lumabas ako para mag-abang ng taxi pero kakalabas ko pa lang ng boutique ay nakita ko na si  CK na nakashades ng itim at nakasandal sa kotse niya. Nakasuot ito ng puting long sleeves na nakatupi ang mga braso at nakaslacks na itim. Maayos ang buhok nito at parang ang bango-bango. Naconcious tuloy ako sa suot ko. Nakatube top na itim lang ako, naka highwaist na maong, at nakasandals. Ang simple lang ng suot ko habang siya ay mukhang pormal na pormal.

Sandali, bakit ko ba iniisip ang suot naming dalawa? Eh hindi naman siya nagpunta dito ara sa'kin ah?

Akala ko ay hindi naman ako ang hinihintay niya pero nang nakita niya ako ay lumapit siya sa akin at hindi man lang tinanggal ang shades niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Tapos ka na?" tanong niya.

Lumingon pa ako sa paligid ko kung ako talaga ang kausap niya bago ko tinuro ang sarili ko. "Ako ba?"

Suminghap siya at tinanggal ang salamin niya bago ito isinabit sa polo niya. "May nakikita ka bang iba kong kausap?"

I shrugged. "Hindi ko alam. Baka kasi may nakikita ka na hindi ko nakikita." I sarcastically told him. Nagbuntong hininga lang siya at dumiretso papasok sa loob ng boutique, mayamaya pa ay lumabas na din siya daladala ang malaking box na pinaglalagyan ng damit ko. Naalarma ako.

"Saan mo dadalhin 'yan?"

His bored eyes looked at me. "Pinapasundo ka sa'kin ni Elias. Sa opisina ka daw dumiretso dahil may pag-uusapan daw kayo." at nagsimula siyang maglakad papunta sa kotse niya. Sinubukan kong harangan siya sa daanan kaya napatigil siya at tinaasan ako ng dalawang kilay.

"Pwede akong mag-taxi na lang or mag-uber. I can manage."

Pero parang wala siyang narinig ay nilampasan niya ako at nagdirediretso siya papunta sa kotse niya. Nilagay niya ang malaking box sa likuran ng kotse kaya hindi ko napigilang mainis dahil sa ginawa niya.

"Sabi ko kaya ko na. Magtataxi na lang ako o kaya mag-uuber. Hindi mo ba ako narinig?"

Saka lang siya sumagot nang nakaikot na siya sa may kotse at akmang bubuksan na ang pintuan para sa driver's seat.

"Narinig. Pero nandito naman ako, bakit maghahanap ka pa ng iba?" tinaasan niya pa ako ng isang kilay.

What? Double meaning ba ang sinabi niya?

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon