Chapter 25

567 14 3
                                        

#HoldMeClose25

ALAS diyes na ako nagising mula sa mahabang pagkakatulog. Napatingin ako sa kalendaryo sa kwarto ko. Linggo naman pala ngayon kaya napabuntong-hininga ako. Akala ko ay late na naman ako. Madaling araw na kami nakauwi nila ate. Siguro ay mga 3 AM na natapos ang party nang umuwi na kami lahat. 

Uminit ang pisngi ko nang maalala ko ang nangyari kagabi. Sinagot ko na agad si CK. Um-oo ako sa kanya kagabi dahil lang sa niyakap niya ako. Pero hindi basta yakap 'yon para sa'kin! Puno 'yon ng meaning kasi matagal na yakap 'yon at hindi ako nagapayakap kung kani-kanino lang.

Naabutan kami na gano'n ang itsura ni ate Happy at ni  Geraldine. Akala ko ay tutuloy sila pabalik sa balcony pero tumili lang ang dalawa at nagtulakan na ulit pabalik para sa baba. Kahit hindi namin kinumpirma, alam kong alam nila na may namamagitan na saming dalawa ni CK.

Humiga ako pabalik at nagtakip ng unan dahil pakiramdam ko ay sasabog ang mukha ko sa pinaghalong kilig at hiya. May boyfriend na ako! At ilang araw pa lang siyang nanliligaw ay sinagot ko na agad! Sobrang marupok girl ah.

Bumangon ako at kinausap ang sarili ko. "Well, sabi nga nila. Relasyon ang pinapatagal at hindi ang panliligaw." pangungumbinsi ko sa sarili ko. Mga ilang minuto ko pa kinausap ang sarili ko bago ako nagdesisyong lumabas ng kwarto ko dahil nagmumukha na akong baliw.

Nagulat pa ako dahil nakita ko si CK na prenteng nakaupo sa may couch ng maliit na living room namin. Nakangiti siyang bumati sakin.

"Good morning my love!"

Pero imbes na sagutin siya ay nagpunta ako sa kusina at hinanap si ate Happy.

"Kung hinahanap mo si ate, bumaba siya saglit para bumili ng bigas. Naubusan na daw kayo ng bigas eh." paliwanag niya mula sa salas.

Nagtakip ako ng bibig dahil hindi pa ako nakakapag-toothbrush tapos siya ay mukhang ang bango-bango na. Internally ay nagpapanic na ako dahil hindi ko man lang alam kung anong itsura ko dahil hindi naman ako nagsalamin nang lumabas ako dito sa pag-aakalang kami lang ni ate ang nandito.

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko at binalikan siya sa salas. Nakaupo pa din siya at nanonood ng tv. Takip-takip ko pa din ang bibig ko.

"Dinalhan kita ng umagahan." sabi niya at itinuro ang dalawang malaking paper bag na nasa lamesa namin. Lumapit siya doon at kinuha ang mga ito bago dinala sa kusina.

"Kaya lang tanghali na ngayon. Siguro malamig na 'to. May microwave ba kayo dito?" sabi niya habang nilalabas ang mga pagkain galing sa supot. Lumapit din ako doon at tinitigan siya.

"Anong oras ka pa nandito?" tanong ko habang nakahalukipkip.

Tumingin muna siya sa wristwatch niya bago sumagot sa akin habang nakangiti ng malawak.

 "Siguro past 8? Pero nasa lobby na ako ng 7:30 kasi ihahatid ko lang sana 'tong breakfast niyo kaso nung naghihintay na ako sa lobby kung sinong bababa sa inyong dalawa, bumaba si ate happy tapos inabot sakin yung susi ng condo niyo. Sabi niya, ako na daw bahalang umakyat at magdala ng mga pagkain dito kasi tulog ka pa daw." paliwanag niya.

"So ibig mong sabihin, kanina pa bumaba si ate happy tapos hanggang ngayon hindi pa din siya bumabalik?"

"Nakabalik na siya kanina. Bumaba lang ulit siya kasi nakalimutan niyang bumili ng bigas." paliwanag niya habang natatawa. Tahimik siyang kumuha ng pinggan para ilipat ang mga pagkain na dala niya. Ako naman ay nagpunta sa banyo para ayusin ang sarili ko. Mabuti na lang ay hindi naman ako mukhang nakakatakot. May mga araw kasing nakakatakot ang itsura ko paggising ko sa umaga. Nag-toothbrush na din ako.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon