Chapter 46

438 13 4
                                    

#HoldMeClose46

"ANONG pinag-usapan niyo ni Papa?" 

Kanina pa ako paulit-ulit sa kanya ng tanong na 'yan pero hanggang ngayon ay kindat at ngiti lang ang sagot niya. Bago pa kami umalis sa bahay, tinatanong ko na siya tungkol sa bagay na 'yan pero kahit isa ay wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Para bang napaka-confidential no'n at bawal talagang malaman ng kahit na sino.

"Sige, tutal ayaw mo naman sabihin sa'kin, bigyan mo na lang ako ng clue tungkol do'n." I bargained. Saktong huminto ang kotse dahil sa traffic kaya wala siyang nagawa kundi ang magbuntong hininga at harapin ako.

"Usapang lalaki kasi 'yon. Hindi mo pwedeng malaman."

"So? Kinausap mo ang tatay ko tungkol sa isang bagay na wala kang balak sabihin sa'kin. Sa tingin mo mananahimik ako hangga't hindi ko nalalaman kung tungkol saan 'yon?"

Pagod siyang bumuntong hininga. "Bakit ba kailangan mo malaman?"

"Kasi naku-curious ako! Sobrang mahalaga ang isang usapan kay Papa at kahit siya ang tanungin ko, hinding-hindi niya 'yon sasabihin sa'kin, kaya ikaw na lang ang tinatanong ko." at sinalubong ko ang tingin niya.

He smiled before he pinched my nose. Tinampal ko ang kamay niya. "Ang kulit mo. Gusto mo bang malaman talaga?"

"Oo." sabi ko at determinadong tumango pa sa kanya.

"Sige. Sasabihin ko sa'yo kung anong pinag-usapan namin pero may kondisyon ako." seryoso din na sabi niya. Kinabahan ako. Kondisyon?

"Ano 'yon?"

"Bawal kang humindi."

"Humindi saan?"

"Basta. Bawal kang humindi." he wiggled his eyebrows while smiling.

Kumunot ang noo ko. "Parang lugi ako ah? Hindi ko ba pwedeng malaman kung saan ako bawal humindi? Baka mamaya ikamatay ko 'yang mga ipapagawa o gagawin mo sakin ha!"

"OA naman nito. Hahayaan ko ba mangyari 'yon?" sabi niya. May point siya do'n ha.

"Okay. Basta hindi against sa moral rights ko bilang tao, sige.  Hindi ako hihindi." pagkasabi ko no'n ay pumalakpak ang walanghiya sa tuwa at parang biglang energized na energized.

"Sinabi mo 'yan ah. Walang bawian." paninigurado niya na tinanguan ko lang. Bahala ka kung anong gusto mong mangyari.

"Saan ba tayo kasi pupunta at anong gagawin natin?" tanong ko sa kanya.

"Basta. Nasaan na ba yung kabigan mo na kulot? Dapat hindi mo na isinama 'yon." sabi niya na may halong inis.

"Ang sama din talaga ng ugali mo minsan. Naghihintay na po siya sa isang waiting shed na malapit." sabi ko at umirap. Tinawagan ko si Felix kanina at tinanong kung nasa may waiting shed na ba siya na pinag-usapan namin at ngayon nga ay malapit na kami do'n.

Kahit alam kong naiinis siya, alam niyang magagalit ako kapag hindi namin dinaanan si Felix.

Nakita ko si Felix na naka muscle shirt na navy blue at naka cargo shorts habang naka-tennis shoes na puti. Ibinaba ko ang binata sa side ko at tinawag siya para kawayan. Agad naman siyang pumasok sa kotse. Kita ko ang bored na expression ni CK nang nakasakay na sa likod ng kotse si Felix at agad na binati siya, pagkatapos ay may inabot sa akin na isang box.

"Ano 'to?" tanong ko sa kanya at inalog ang box, sinisipat kung ano ang laman nito. Nagsimula nang umandar ang kotse namin at papunta sa kung saan.

"I don't know. Open that when you're home. That's from my Mom. I forgot to give you that last time."

"Ah, pasabi salamat." sabi ko sa kanya at nginitian. Tumango din naman siya sa'kin at sinuklian ako ng ngiti. Ang epal naman na si CK ay tumikhim pa, para bang nagpapansin na nasa paligid lang siya.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon