Epilogue (part 2)

918 30 7
                                    

Ito ang huling bahagi ng Wakas. Maraming salamat at nakaabot ka sa parteng 'to ng storya. I may not be able to give back all the support, love, and late nights you have spent just reading my story but I am thanking you for being with me in this journey.

This chapter is dedicated to all of you, from my purple heart.

#HoldMeCloseEpilogue2

LIMANG taon. Limang taon kong isinubsob ang sarili ko sa pag-aaral at pagtatrabaho. Kulang na lang ay tumira na ako sa opisina dahil kapag umuuwi ako at nag-iisa, naaalala ko ang huli naming pagkikita ni Vivoree. Nag-aalala na ang nanay ko para sa'kin pero unti-unti, habang lumilipas ang panahon, nawawalan na akong ng pakialam sa mga tao sa paligid ko.

Para saan pa? Wala naman si Vivoree dito.

"Anak, kailangan mong magpahinga. Nagtatrabaho ka na, nag-aaral ka pa. Baka mapa'no ka na niyan."

Pinuntahan na ako ni Mommy sa opisina. Sa katunayan, madalas siya dito dahil alam niyang minsan, hindi na ako kumakain. Ayokong magkaroon ako ng oras para isipin ang mga bagay na alam kong pagsisisihan ko sa mahabang panahon.

"Okay lang po ako." sabi ko sa kanya pero hindi ko inaalis ang paningin ko sa mga papel na nasa harapan ko na kailangan kong pirmahan.

Ramdam ko ang paglapit niya sa harapan ng lamesa ko kaya napatingin ako sa kanya. She's looking at me sadly, na hindi ko naman maintindihan kung para saan. Pero nawala din 'yon agad nang tumikhim siya at napalitan ang kalungkutan ng mukha niya ng simpleng ngiti.

"Anak, I was just wondering if when will you start the preparation for your wedding? You're almost one year engaged with Katherine."

I sighed. 

"Kapag natapos ko na po ulit ang pag-aaral ko. Ayoko naman pong magpakasal na hindi ko pa nagagawa lahat ng gusto kong gawin bilang binata." I simply answered her.

Pero ang totoo, gusto kong i-atras ng i-atras ang mga araw dahil alam kong babalik si Vivoree. Babalik siya dito at kapag nangyari 'yon, ititigil ko ang lahat ng ito para sa kanya. Pero habang wala pa siya, lulunurin ko muna ang sarili ko sa trabaho at pag-aaral. Hindi pa din ako handang ipaglaban siya dahil alam kong hindi pa talaga nakadepende sa akin ang lahat sa kompanya.

Nang nagkaayos ang pamilya namin pati na rin ang mg Andrada, nagkaroon na ako ng dahilan para laging mag-punta sa opisina ni Elias. Matapos ang ilang taon, okay na kami. Alam niya ang pinagdaanan ko matapos makipaghiwalay ng kapatid niya. Nagkakaroon lang ako ng balita tungkol sa kanya kapag nasa opisina ako ni Elias at nag-uusap sila. Ang alam ko, may nakilala siyang lalaki doon at nanliligaw sa kanya.

And I hate it. She's slowly making her life habang ako dito ay miserable pa dahil sa pagkawala niya sa'kin. Paano niya nagagawa 'yon? Ang magsimula ulit na hindi ako kasama? Kasi ako, parang hindi ko kayang magsimula ng bago dahil wala siya. Pinlano ko na kasi sa utak ko na siya na, kaya lang ay may mga sirkumstansya at pagkakataon na sinusubukan tayo ng buhay at panahon.

"Ano na namang ginagawa mo dito? Hindi tatawag ang kapatid ko ngayon dahil may pupuntahan silang bagong coffee shop ni Felix." sabi niya habang umuupo ako sa couch doon.

"Felix ba pangalan ng bago niyang kaibigan?" sabi ko at nagbukas ng cellphone ko para dumiretso sa instagram.

"Anong bago? Matagal na niyang kaibigan 'yon."

"Anong apelyido?"

Napatingin siya sa'kin. "Malay ko. Tanong mo sa kapatid ko."

Sinamaan ko siya ng tingin. Alam niya naman na hindi na kami nag-uusap ni Vivoree.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon