#HoldMeCloseEpilogue1
"TOL, invited tayo sa birthday ni Katherine at ng kakambal niya." Ngiting-ngiting sabi ni Ryle sa'kin mula sa pagkakayuko niya sa cellphone niya. Nakatambay kami ngayon sa kanila at katulad ng dati ay nagkukwentuhan lang. Nasa banyo si Mccoy habang tuloy naman ang kain ni Rayt at nakikinig sa usapan namin ni Ryle.
"Sinong Katherine?" sabi ko habang binubuksan ang isang can ng softdrink.
"Hindi mo kilala si Katherine? Katherine Borromeo? Balitang-balita na gustong-gusto ka no'n ah?" sabi pa ni Ryle at tinapik ang balikat ko.
"Wala namang pakialam sa babae 'yan eh." Sabi ni Rayt at tumawa.
"Hindi sa wala akong pakialam. Wala lang talaga akong matipuhan."
"Sinong niloko mo dito? Eh ikaw pinakababaero sa'tin dito."
Binato ko siya ng unan. "Babaero pa pala ako? Anong tawag mo diyan kay Ryle?"
"Hoy. Hindi ako nambababae. Sila ang lumalapit sa'kin at nanghihingi ng number ko."
Parehas kaming napa-wow ni Rayt dahil sa sinabi ni Ryle. "Sobrang gwapo pala ng tropa natin na 'to eh." Sabi ni Rayt kaya mas lalo kaming natawa.
Madalas ay tinutukso nila ako kay Katherine. Kilala ko na ito dahil isa itong sikat na model at kaclose ni Mommy at Daddy ang mga magulang niya. Kaya naman nagpunta kami sa birthday party ni Katherine at Geraldine Borromeo.
"Charles!" masayang-masaya akong sinalubong ni Kat. Kung titingnan ay masyado siyang mature para sa edad niya. Halos buong gabi niya akong kinakausap. Marami siyang tanong sa'kin na sinasagot ko naman ng maayos. Nakahinga lang ako mula sa kanya nang tawagin siya dahil may iba pa siyang bisita na kailangang i-entertain. Ang sabi ko kay Mommy, dalawang oras lang ako dito sa party dahil may pupuntahan pa kami ni Rayt pero nakatatlong oras na pala ako.
Hinahanap ko na no'n sila Mommy nang nakuha ng atensyon ko ang isang papasok na babae na pinag-uusapan ng mga taong nando'n. That was the first time I saw Vivoree and that is during Katherine and Geraldine's birthday celebration. Doon ko lang din nalaman na may kapatid pa pala silang mas nakakatanda at bata lang sa akin ng isang taon.
"'Yan ba ang anak ni Helena sa labas?"
"Yeah, I think that's her."
"My god, what a disgrace. Bakit kinailangan pa niyang magpakita dito sa party?"
"Hindi ko alam. She should know where her place is."
"Isa siyang anak sa labas, the horror of it."
"mabuti na lang ay hindi siya kinupkop ni Helena."
"I heard her father accepted her. At least, good for her. Kaya lang ay kahihiyan ng angkan ng ama niya."
Tuloy-tuloy siya sa paglapit sa lamesang kinaroroonan ng nanay niya. I saw how her mother got mad at her. Narinig ko kung paano siya inaway at pinagsabihan dahil lang gusto niyang batiin ang mga kapatid niya. Hindi siya pinayagan ng nanay niya at hinila palabas.
Doon ako nacurious tungkol sa kanya. Pumutok ang isang balita na nagkaroon daw ng affair si Tito Luis, ang tatay ng isa din sa mga kaibigan ko na si Elias, at si Tita Helena, ang nanay ni Kat kaya nagkaroon ang mga ito ng anak sa labas. Halos issue 'yon ng isang buong taon sa mundo ng business dahil parehas na malaking tao ang mga ito.
Laging ikinukwento sa akin ni Katherine na ayaw niya sa ate nila dahil ginulo daw nito ang pamilya nila. Nalaman ko din na Vivoree ang pangalan nito at nakasunod sa apelyido ng tatay nila ni Elias. Hindi ako makakuha ng tamang impormasyon tungkol sa kanya kaya kay Elias na lang ako nagtanong bago pa mangyari ang problema sa pagitan namin.

BINABASA MO ANG
Hold Me Close
Fanfiction[KierVi Collection #1: Completed] Vivoree Andrada is an in-between child. Simula nang dalhin siya ng Tita niya sa Pilipinas para ipakilala sa mga magulang niya ay nagkagulo na ang kanya-kanyang pamilya ng mga ito. Ngunit lumipas ang panahon at natan...