Chapter 24

465 17 4
                                    

#HoldMeClose24

HINDI ko mabilang kung ilang segundo lang kaming magkatitigan ni Katherine. Pero nang titigan ko ang mata niya kung saan siya nakatingin ay parang pinagpawisan ako ng malamig. Mariin siyang nakatingin sa kamay ni CK na nakahawak sa braso ko. Naputol lang ang tingin niya doon nang magsalita si  CK at bumaling ang tingin niya dito. Bigla ay lumambing ang tingin niya kay CK. 

Katherine is not the easy type to read. Hindi siya ang tipo ng tao na transparent pagdating sa emosyon niya but looking at her now, kapag kaharap niya si CK ay nagbabago siya. She is a whole lot of different person when it comes to CK. That's what love can do huh?

"Kanina ka pa ba diyan?" um-echo doon ang boses ni CK. Paunti-unti kong hinihila ang kamay ko sa hawak niya pero mas hinihigpitan niya pa!  Kukurutin ko 'to mamaya kapag wala na si Kkat sa paningin namin.

"No. I just got here. Hello big sister." sabi niya habang naglalakad papalapit sa amin.

"Katherine." hindi na napigilan ni CK nang sapilitan akong kumalas sa kanya dahil gusto kong batiin ang kapatid ko at saglit na yakapin. Pagkatapos ay humarap na si Kat kay CK at tuluyan na akong tinalikuran.

"I've been looking for you everywhere. Nandito ka lang pala. Anong pinag-uusapan niyo ni ate?" rinig kong sabi niya.

"The usual asaran. Kilala mo naman 'yan si CK, palabiro." at peke pa akong tumawa dahil ramdam na ramdam kong napakaseryoso ng ambiance namin.

Mabuti na lang ay maingay na dumating si Ate Happy at Geraldine na nagtatawanan pa habang papunta dito sa banyo.

"Nandito ka lang palang babaita ka. Kanina ka pa namin hinahanap." maingay na sabi ni ate, hindi yata napansin na seryoso kami dito.

"Hi kuya Charles!" bati ni Gela kay CK at lumapit pa siya para bumeso dito. Ang dalawang 'to! Hindi ba nila alam na seryoso kami dito?

"In fairness, ang daddy mo tingnan ngayon CK ha." sabi ni ate at nakipag-beso din kay CK. Tawa lang naman ang isinagot sa kanya ni CK.

"Girl, samahan mo kami ni Gela dahil may ikukwento kami sa'yong nakakalokang pangyayari kanina. Ihanda mo na ang sarili mo." sabi ni ate at eskandalosa pang humalakhak habang hinihila ako pabalik sa loob ng banyo. Hindi ko na naibalik pa ang tingin ko kay CK at Kat na magkaharap pa rin. Napansin kong hindi man lang pinansin ni ate si Kat at tuloy-tuloy lang siya sa loob ng banyo.

Nang nakarating kami sa loob ng banyo, hinihintay ko ang sinasabi ni ate na ikukwento niya daw sa akin na nakakalokang pangyayari pero wala akong narinig galing sa kanya. Tahimik lang naman silang nag-cr ni Gela at nag-retouch. Nang lumabas kami ay wala na doon si CK at Kat. Baka bumalik na sila sa party?

Naglalakad na kami sa hallway nang saka ko sila tinanong.

"Akala ko ba ay may ikukwento ka sakin, ate?"

Umirap siya at inilapit ako sa kanya. Napag-gigitnaan nila ako ni Gela.

"Ginawa ko lang 'yon dahil kitang-kita ng lahat nang sundan ka ni CK papunta sa cr. Mabuti na lang at itong si Gela ay chinika ang kakambal niya para hindi makita ni Kat na sinusundan ka ni CK. Nakakaloka naman 'yang jowa mo inday! Sabihin mo kalma lang ha. Nakalimutan na ba niyang patay na patay sa kanya ang kapatid mo at nandito ang pamilya nila?..." bulong ni ate. Tama lang ang lakad namin at halatang may pinag-uusapan kami dahil bahagyang magkakalapit ang ulo namin habang naglalakad. Mabuti at kami pa lang din ang nandito sa hallway at wala nang iba pang tao.

"...mabuti na lang nang tumayo si Katherine at hinanap si CK ay nilapitan agad ako nitong kapatid mo at sinabing sundan ka daw namin sa cr. Nauna lang samin si Katherine dahil may nagsabing nasa cr si CK. Binilisan na naming kumilos at hindi nagpahalata kina Tita. Naku ikaw na babae ka! Maha-highblood yata ako sa'yo." sabi niya at umarte-arte pa siyang may paghawak sa dibdib. Si Gela na nasa gilid namin ay iiling-iling lang habang ako naman ay natatawang niyakap si Ate Happy. Savior ko talaga 'to minsan eh.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon