This is the last special chapter. Thank you, still, for reading up until here. Please never forget that whatever happens, KierVi will always be KierVi—a ship that can never sink no matter how strong the waves are. They just go with the flow and let the winds take them wherever they'll be.
Happy 2nd anniversary fam!
Final Special Chapter
“Dada, hungry!”
Napakagat labi na lang ako sa inis dahil kanina ko pa naririnig ang reklamo ni Alec sa akin. Bumuntong hininga ako sa pang ilang pagkakataon bago ko siya iniupo sa hita ko.
“Kakakain mo ang kanina ‘di ba? Tatlong jumbo hotdog na yung naubos mo tsaka dalawang cheese cake, hindi ka pa din nabubusog?” sinuklay ko pa ang kulot niyang buhok at pinagmasdan ang mata niya. Manang-mana talaga ‘to sa nanay niya. Parang mga hindi nabubusog.
“Alec hungry, Dada! Hungry!” at umiyak pa siya kaya wala akong nagawa kundi ang tumango na lang at buhatin siya papunta sa isang malapit na hotdog stand.
“Oh siya, stop crying. Bibilhin ko na yung buong hotdog stand para sa’yo. Nasa’n na ba ang mommy mo? Sabi niya mabilis lang siya.” Reklamo ko habang naglalakad.
Nasa isang mall kami ngayon at hinihintay na bumalik si Vivoree. Namimili siya dahil birthday bukas ni Lucille at gaganapin sa isang resort nila Logan. Tatlong araw kami doon kaya bumibili na din si V ng mga kakailanganin namin at ni Alexander.
Sa totoo lang, gusto niyang siya na lang mag-isa ang mamili pero hindi ako pumayag at isinama ko pa ang anak namin dahil baka makipagkita na naman siya kay Felix. No’ng isang beses kasi na nagpaalam siya na bibisitahin niya lang sila Heaven, hinatid siya pauwi ni Felix.
Hindi ko maintindihan kung bakit selos na selos pa din ako sa kulot na ‘yon at kung bakit nandito pa rin ‘yon sa Pilipinas hanggang ngayon.
“Dada, three.” Sabi ng anak ko. Wala naman akong nagawa at bumili na para sa kanya.
Three years old na si Alexander pero medyo hindi pa din siya nakakabuo ng sentence at minsan bulol pa. Kapag ganitong may gusto siya ay sinusunod ko dahil baka umiyak, hindi ko naman kayang patahanin. Si Vivoree lang ang may kayang patahanin siya at bawalan siya sa gusto niya. Minsan, hindi ko alam kung paano niya nagagawa kaya naaamaze ako.
Matapos naming bumili ay bumalik na kami sa bench ng mall at pinanood ko siyang masayang-masaya habang kumakain at kalong ko.
“Sarap buhay mo ah? Pakain-kain ka lang habang ako, namomroblema kung nasaan ang mommy mo.” Kausap ko sa kanya. Nginitian niya lang ako habang inuubos ang kinakain niya. Hindi ko tuloy mapigilang hindi panggigilan at hinalik-halikan sa pisngi niya.
Pinaanood ko lang siyang kumain ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Hindi ko napansing may nakatayo na palang babae sa tapat namin at pinagmamasdan kami.
“Charles?”
Nakita kong si Feliz ‘yon. Nakangiti siya at bahagya pang lumapit sa akin at mas lalo akong niyuko. Hindi naman ako makatayo para batiin siya dahil busy sa pagkain si Alec.
“Hi, Charles! It’s nice to see you again!” tuwang-tuwa siya at kulang na lang ay mag sparkle ang mga mata niya.
Nakasuot siya ng dilaw na dress at nakaheels pa na puti. Napansin kong mas pumuti siya at medyo pumayat lalo simula noong huling pagkikita namin sa opisina.
“Nice to see you too. Kailan ka pa dumating?” tanong ko bago inabot sa anak kong nagpupumilit na kuhanin ang pangalawang hotdog. Ang takaw talaga nito.
Medyo napatingin tuloy sa kanya si Feliz pero sumagot naman sa tanong ko.
“Yesterday. I’m a year earlier actually. Maaga din kasi natapos ang ginagawa ko do’n.” she even beamed pero nadistract dahil biglang nagsalita ang anak ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/177664527-288-k562523.jpg)
BINABASA MO ANG
Hold Me Close
Fanfic[KierVi Collection #1: Completed] Vivoree Andrada is an in-between child. Simula nang dalhin siya ng Tita niya sa Pilipinas para ipakilala sa mga magulang niya ay nagkagulo na ang kanya-kanyang pamilya ng mga ito. Ngunit lumipas ang panahon at natan...