Chapter 4

524 19 2
                                    

#HoldMeClose04

AFTER preparing for almost two and a half hours, sa wakas ay papunta na kami ni ate Happy sa parte ng tabing dagat kung saan gaganapin ang party.

Sobrang namangha talaga ako sa ganda ng pagkakaayos. Parang nagkaroon ng isang malaking bulwagan sa tabing dagat with the use of beautiful lights na parang mga munting bituin. Malakas din ang tugtog at parang sumasabay sa heart beat ko and bass nito. Naexcite tuloy ako!

"Let's take some pictures!" tili ni ate at hinila ako sa isang gilid. Nag-selfie kaming dalawa at picturan ang isa't-isa bago kami pumunta sa loob.

May mga bisita na pero nakuha ng atensiyon namin ang magarbong pagkakaayos ng stage sa pinakagitna. May malaking upuan sa gitna at sa tingin ko ay doon uupo si Jessica mamaya. Kasali kami ni ate sa program pero hindi pa ako nakakapagprepare ng message para sa kanya.

May white screen din malapit sa isang area na may mga nag-aayos ng instruments nila. Bukod kasi sa may tugtog na nagpe-play ay meron ding mga nakahanda na acoustic singer at musician.

Lumapit muna kami sa registration table para makita kung saan ang reserved seats para sa amin. Pumirma muna kami sa tapat ng aming pangalan saka sumunod sa usherette para sa lamesa namin. Nando'n na sila Kuya Jacob. Mga nakabihis na sila at mapormang maporma. Nang umupo ako sa may kanan ni Kuya Jacob ay hindi napigilan na kumuha ulit ng mga picture. Kahit sila kuya ay mga kumuha ng pictures namin.

Napansin ko ang magandang pagkakasulat ng aming apelyido sa lamesa.

"Nandito ang mga kapatid mo." bulong sa akin ni kuya dahil medyo hindi kami magkarinigan sa lakas ng tugtog.

"Kambal?" tanong ko sa kanya na tinanguan ako at itinuro ang mga kapatid ko sa isang lamesa kasama si Mommy at Tito Romer. Kasama nila ang ilang family friend nila Mama.

Nagpaalam ako kina kuya at ate na babatiin ko lang ang mga kapatid ko at si Mama na tinanguan naman agad nila.

"Hi, Ma and Tito." sabi ko nang makalapit sa kanila.

"Anak, you're here with?" tanong ni Mama habang tinatanggap ang beso ko.

"I'm with ate Ligaya." sabi ko at itinuro ang malayong lamesa nila ate na sinundan naman niya ng tingin. Tumango lang siya at lumipat ang tingin sa isang kaibigan nilang may tinanong sa kanya.

"You're very beautiful, Vivoree." sabi ni tito at nakipagbeso rin sa akin.

"Thank you po." bago ko nilipat ang tingin sa mga kapatid ko.
Si Gela ay naghihintay ng atensyon ko bago siya tumayo talaga at lumapit na sa akin. "You should have celebrated with us, ate. I like it when you're around us."

Nginitian ko siya at hinaplos sa buhok. "I'm fine." sabi ko at nilingon ang isa kong kapatid na nakatanaw lang sa aming dalawa.

"Hi, Kat." sabi ko at nilapitan si Katherine para magbeso din. Nakakrus lang ang dalawang braso sa dibdib habang bahagyang nakangiti sa amin.

"Ate." sabi niya habang binebeso ko. Hinawakan ko ang mga braso niya. "How are you?"

"I'm great." sagot niya habang ngumingiti ng bahagya.

Humina ang tugtog at nagsimula nang mag-set up ang acoustic musicians na naroon. Nagpaalam na ako sa table nila Mama dahil babalik na ako sa aming lamesa. Hinawakan pa ni Gela ang kamay ko at pinilit akong pangakuan siya na magkuwkentuhan kami mamaya pagkatapos ng party na tinanguan ko lang.

Nagkwentuhan at nagtawanan lang kami dahil may nakitang magandang chic si Kuya Nico pero iniirapan lang siya. Inaasar namin siya dahil gusto na niyang lapitan ang babae pero dumadami na ang mga bisitang dumadating.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon