Chapter 47

508 22 8
                                    

#HoldMeClose47

"HINDI ko alam kung anong pinag-usapan ni Dad tsaka ni Tito Romer. Basta ang alam ko lang no'n, base sa sinabi ni Dad, kailangan ko daw makipaglapit kay Katherine.."

Ipinagpapasalamat ko ngayon na hindi pa dumadating si Felix. Lahat kasi ng sinasabi ni CK ay iniintindi ko. This is the last chance that I'm giving myself to listen to all his reasons. Sso we can finally move one, and take a shot if ever there will be a chance after this. Hindi pa din ako sigurado kasi natatakot ako. He shattered me the first time, he can do it again the second time. Ito ang mahirap sa'kin. Nahihirapan akong magtiwala ulit.

"Malayo ka no'n. Hindi ko masabi sa'yo yung mga nangyayari kasi alam kong nahihirapan ka din sa problema mo sa ibang bansa. Hindi ko magagawang sabihin sa'yo ang problema ko dito habang namomroblema ka din doon." Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya. Nahihirapan ako no'n, hindi ko man lang alam na nahihirapan din pala siya dito.

"Hanggang sa isang araw, kinailangan ko na talagang magsinungaling sa kanila na hiwalay na tayo. Isang buwan bago ka no'n umuwi, ipinatawag ako ni Dad sa opisina niya dahil may mahalaga daw kaming pag-usapan. Nando'n ang family lawyer namin. Do'nko narealize na kung hindi ako makikipaghiwalay sa'yo, tatanggalin niya ang lahat sa'kin." Nakita ko ang galit sa mga mata niya.

"So sinabi mo lang na hiwalay na tayo pero ang totoo ay hindi naman talaga. You never mention anything to me about breaking up."

"Kasi hindi ko kaya. Hindi ko kayang hiwalayan ka. Alam mo 'yon. Alam mong mahal na mahal kita at hindi ko kayang basta na lang iwan ka." Sabi niya na parang hirap na hirap.

Ramdam ko ang kirot sa dibdib ko dahil sa nakikita kong itsura niya. Nahirapan din siya no'ng mga panahon na 'yon. Akala ko ay ako lang ang nasasaktan pero ngayong nakikita ko siya at pinapakinggan ko ang paliwanag niya, narealize ko na nasasaktan din siya. Ang selfish kop ala at puro sarili ko lang ang iniisip ko ng mga panahong 'yon.

"Kaya no'ng gabi ng dinner, hindi ko inaasahan na nando'n ka. Hindi mo naman sinabi sa'kin eh." Peke siyang ngumiti. Mas lalong sumakit ang puso ko. Hindi kop ala kaya kapag nakikita ko siyang nasasaktan pero nagagawa pa din niya akong ngitian.

"I'm sorry. Hindi ko sinabi sa'yo ang tungkol do'n kasi gusto kong surpresahin ka. Nag-plano kasi ako no'n para sa celebration ng birthday ko. Hindi ko naman alam na ako pala ang masusurpresa."

Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. Dahan-dahan niyang pinagsalikop ang mga daliri naming sa isa't-isa. It felt like a magic that after he clasped our hands, I felt something inside me soothed. Ramdam ko na narelax ako at lahat ng pangangamba ko ay nawala. Oh the things he do to me. It's only him that can do these things to me.

"Ako dapat ang nagsosorry. Kasi nangako ako sa'yo na ise-celebrate natin ang birthday mo pati na din ang monthsary natin. Kaya lang hindi na natin nagawa dahil sa mga nangyari." He looked at me sadly.

"Things happened for us to grow. Siguro dapat lang na nangyari 'yon kasi kita mo naman, we're better persons now." Sabi ko sa kanya at sinubukang ngumiti. Masyado kasing mabigat ang hangin sa pagitan naming dalawa. I tried to make it lighter.

Umiling siya. "Tingin mo ba talaga, mas okay ako ngayon kumpara dati?" malungkot na tanong niya.

"You have everything now. Isa ka na sa mga nagpapatakbo ng company niyo, nakagraduate ka na, you have all the connections you needed, and you have everything right in your hands. Successful ka na. I'm proud of you. Ito yung pangarap mo dati pa, di ba?" Tumulo ang luha ko dahil sa pinaghalong sakit at saya para sa kanya. Kasi naghiwalay man kami pero natupad niya lahat ng gusto niyang makuha. He's living his life kaya lang ay hindi ako kasama.

Hold Me CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon