Chapter 1
"HONEYLYN!!
Napakalakas na sigaw ng amo ko sa baba. Hindi ko mapigilan ang mapabuntong-hininga.
Hahay. Andyan na naman ho siya. Heto na naman po siya . Ang amo kong napaka energetic ng bibig dahil sa walang tigil na pambubunganga sa akin.
Kung hindi ko lang alam na nasa menopausal stage na siya iisipin kong buntis siya at ako ang pinaglilihian.
Walang ibang magawa. Bunganga-an lang ako ng bunganga-an. Ang sarap na ngang ngal-ngalin ng bibig niya e dahil napaka ingay pero syempre nagpipigil ako . Mabait naman kasi ako . Bahala siyang ma-highblood siya. It's her life.
Yup.
Isa po akong butihing katulong. A working student to be exact. Simula nong nag-aasawa muli ang mama ko ay napag -disesyunan ko nalang ang mag working student habang ang biological sister ko naman ay happily married na.
Langyang 'yun inunahan pa ako eh mas matanda pa ako sa kanya, isang taon nga lang pero kahit na. Parang ang unfair pa rin kasi. Siya may asawa't anak na samantalang ako hindi man lang makahanap ng jowa!
But still, masaya parin naman ako para sa kapatid ko kasi mahal na mahal naman siya nang asawa niya at saksi naman ako dun.
May isa na silang anak ngayon--lalaki at hanggang ngayon ay hindi pa rin nasundan. Buti naman, ang hirap ng buhay ngayon tapos aanak lang sila ng aanak. Maawa naman sila sa magiging anak nila.
Samantalang ako--heto. No boyfriend since birth. Bakit? Hindi ko alam. Maganda naman ako. Morena. Natural ang bagsak sa maitim kong buhok. Petite. Talented 'tsaka cute. Ang nakadagdag sa ka-kyutan ko raw ay ang aking dalawang maliliit na biloy na nasa gilid ng aking labi . In short cute raw ako. Sabi nila. Yan din ang tingin ko sa sarili ko. Pero ewan ko ba, wala talagang magtangkang manligaw. Supladita rin kasi ako minsan. Hindi ako ganun ka friendly lalo na sa boys, pili lang din sa mga girls. Hindi rin ako magala at bihira lang din ako magsalita.
Yan siguro ang dahilan kung bakit hindi ako makahanap ng boyfriend. Study first din kasi ako. Hindi ko priorities ang boys lalo na't working student ako. Kapos sa oras. Ni wala na nga akong mailaan para sa sarili ko. Puro pag-aaral nalang at pagtatrabaho.
May mga manliligaw naman ako pero hindi rin ang mga iyon nag-tatagal. Medyo snob kasi ako pagdating sa mga lalaki . Hindi ko alam pero hindi ako komportable sa kanila. Pag may nakita ako o mapansin na may gusto sa akin iniiwasan ko na kaagad.
Siguro takot akong ma-fall, takot akong ma-inlove lalo na kung maalala ko ang mga pinag-dadaanan ng mother ko. Para sa akin kasi mga pasakit lang ang mga lalaki. Worldly pleasure lang ang habol sayo tapos kung makuha na ang gusto iiwan ka nalang sa ere. Well, hindi naman lahat siguro pero kadalasan lalaki ganun. Sakit sila sa ulo.
Kaya ako, first priority ko ang makapag-tapos ng pag-aaral. At kapag nangyari yun, makakahanap ako ng magandang trabaho at may magandang sahod. Malaki ang posibilidad na matutulungan ko ang pamilya ko. Sobrang hirap lang kasi ng buhay namin sa probinsya
My Mother is my only inspiration. Lahat ng mga ginagawa ko ay para sa kanya . Lahat ng mga plano ko para sa kinabukasan ay puro sa kanya at pangalawa lamang ang akin. She's my first love and i'm very proud to have a mother like her. She's brave more than I can imagine na kahit mag-isa lang siya sa buhay ay napapalaki niya kami ng maayos. Naitaguyod niya kami at hindi pinadaman sa amin na wala kaming nagisnang Ama.
Until nong may nakilala siyang lalaki na nagpapatibok ulit sa puso niya. I'm happy for her. Totoo. She's finally happy now and I can see it through her eyes every time she smiles. Ang lahat ng mga ngiti niya ngayon ay totoo hindi kagaya noong dati. Kumikislap. Walang halong halong pagkukunwari.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Teen FictionHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021