Chapter 10

6.1K 128 3
                                    

Chapter 10

Pagkapasok ko ng main gate sa school namin ay ang nakaalsang kilay ni Mikaela ang sumalubong sa akin.

"Sino yun?" tanong niya pa.

Pinigilan ko lang ang mapangisi at magtitili sa harapan niya. Kasi, hinatid ako ni Zake sa school namin. Tapos ang daming nakatingin sa akin nang bumaba ako sa sasakyan niya. Kulay asul ang sasakyan niyang ginamit kahapon pero ngayon kulay itim na naman. Iniisip ko, baka marami lang talaga siyang sasakyan. 

"Amo ko." simpleng sagot ko. Nilampasan ko na siya. Baka kasi makita niya na nangingiti ako.

Stop being adorable sweetheart.  Mahalin kita dyan eh.

Haist! Erase na talaga. Ayaw ko na talagang isipin.

"Amo mo? Akala ko umalis ka na sa amo mo?" tanong niyang nagmamadaling sumunod sa akin.

"Bagong amo ko." sagot ko.

Ang sabi niya sa akin kagabi na hindi ko iisipin na housemaid lang niya ako. So ano pala ang iisipin ko? Ano ang sasabihin ko kapag may magtatanong sa akin. To be my new employer is a safe answer. Walang magtatanong hindi pa ako magkakamali ng sagot.

"Bagong amo mo? Tapos hinahatid ka ng Lamborghini?  Wow naman Hon! Kailan  ka pa nagsimulang magsinungaling sa'kin? Ano? May kano kana ano? O baka naman may guwapo ka ng boyfriend? Mayaman tapos hindi mo sasabihin sa akin kasi ayaw mong may kaagaw ka?"

Grabe talaga ang babaeng 'to kung mag-isip.

"Bagong amo ko nga. Hindi naman ako hinatid nun. Papunta yun ng opisina niya sumabay lang ako." sabi ko. Nang sulyapan ko siya ay nakita kong hindi siya kumbinsedo sa mga naging sagot ko. I sighed. Manghuhula 'to eh. Kilalang-kilala na niya ako. Kaunting pagsisinungaling ko lang mapapansin na niya.

Pa'no  kaya kapag malaman ng babaeng 'to na pinakidnap lang naman ako ng bago kong amo? Paano nalang kaya kung makikita niya ang bagong amo ko na kahawig  ni Captain America na idol na idol lang niya naman? Tapos nagpapakilala pa  na fiancé ko raw? Napailing ako.

Paano nalang kung malaman ng babaeng to na magkatabi kaming matulog? Na yakap ako ng kamukha ni Captain America , tapos palagi pa akong binubuhat? Tapos tinatawag pa akong Swetiie. Bumuntong hininga nalang ako. Ayaw kong sabihin sa kanya. Wala talaga akong plano .

Mahalin kita dyan eh.

Ipinilig ko ang ulo ko. Lumayas ka sa utak ko. Lumayas ka!

Mahalin kita dyan eh.

Tuluyan na akong napangisi. Grebe ne telege te.

"Ano?" tanong ko sa kanya na nakatingin parin sa'kin.

"Okay." Inirapan niya ako. Alam kong may pagdududa na siyang nabuo sa isip niya pero pilit niya nalang itinago.
Malalaman at malalaman niya rin naman. Knowing her, hindi niya ako titigilan. "Bakit ka umalis sa amo mo?"

Paktay na. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat?

"A-ano. Ehh . D-diba sabi ko sayo na gusto ko ng umalis ron at naghihintay nalang ako ng kapalit. Eh may kapalit na ako eh. M-may nahanap na sila kaya yun. Oo yun.." Pagsisinungaling ko na nagpapataas lalo ng kilay niya. She knew me too well. Alam niyang nagsisinungaling lang ako.

"Ako ba niloloko mo?" Nakapameywang na siya ngayon sa harapan ko.

Iningusan ko siya "Bahala ka nga kung ayaw mong maniwala." Nagmamadali ang hakbang kong nilampasan siya.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na kaming canteen. Pagkatapos naming kumain ay pumunta na naman kami ng library at nag-review dahil may quiz pala ang aming next subject.

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon