Chapter 48

3.1K 89 12
                                    

Chapter 48

Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ako nakatulog ng maayos. Sinong hindi? Zake ignored me! Unang beses.

Kagabi ang pinaka-unang pagkakataon na hindi niya ako kinakausap at pinapansin. Nilampasan niya lang ako!

Tama ang hinala ko. Hindi ako nagkakamali sa kinatatakutan ko simula pa noong araw na nakita niya ang Mama ko. He now hated me because of my mother.

Isang iglap lang nagbago na ang tingin niya sa akin: Isang iglap lang naglaho na ang pagmamahal niya sa akin.

Isang iglap lang.

Pinahid ko ang luha ko. Hindi ito nauubos simula nung tinalikuran niya ako. Tinungga niya pa ang alak sa harapan ko mismo. Para ano?

Hindi ko naman siya masisisi kung ganoon ang mararamdaman niya. Kung kamuhian niya ako dahil anak ako ng mama ko. Ang gusto ko lang ay makausap siya. May gusto lang akong linawin sa kanya. Kung mahihiwagaan na ako ay saka pa ako aalis sa poder niya. Kahit masakit. Maiintidihan ko siya.

Alas singko pa lang ng umaga ay bumaba na ako ng kusina. Inilabas ko sa kabinet ang heater niya. Hindi ko na rin naman magagamit ang brewer niya dahil basag na iyon. Ayaw ko nalang isipin ang rason kung bakit ito nabasag.

Nagtimpla ako ng gatas para sa sarili ko. Wala akong hapunan kagabi pero hindi ako nakaramdam ng gutom.

Lumabas ako ng subdivision para bibili ng itlog sa 24 hours open na convenient store. 

Nang makabalik sa bahay ay niluto ko na ito. Sunny side up. Nang matapos ay hinanda ko na rin ang lamesa. Para sa agahan niya.

Ipinagpatuloy ko ang pag-inom ng aking gatas. Nakasandal ako sa sink ng lababo, nasa harapan ko ang lamesa.

Nilaro-laro ko ang singsing na bigay niya. Inikot-ikot ko ito sa daliri ko. Remembering that day when he gave me this promise ring. Madrama yun.

I smiled bitterly. I think this ring is not meant to my finger anymore.

Humikbi ako na nauwi sa hagulgol. Hindi kita masisisi Zake pero huwag mo naman sana. Natatakot ako. Natatakot ako pero huwag naman sana. Naging totoo ko lang naman sana sa akin. Matatanggap ko. Pero kung hindi.

Hindi ko alam.

Alas otso na ng umaga nang marinig ko ang magaan niyang mga yabag na bumaba ng hagdanan. Hindi ko namalayan ang oras. Nanatili parin akong nakatayo sa kinaroroonan ko hawak ang malamig na gatas.

Inayos ko ang sarili ko at inilagay sa lababo ang tasang ginamit ko sa nanginginig na kamay. Mabuti na lang ay hindi ko ito nabitawan.

Huminga ako ng malalim habang hinintay siyang makapasok ng kusina. Base kasi sa mga yabag niya ay dito siya pupunta.

My heart broke into pieces when I saw his face clearly. Kagabi kasi ay dim lang ang ilaw sa salas kaya hindi ko masyadong nakita ang mukha niya pero ngayon..

Natakpan ko ang bibig ko. Hindi lang yata ako ang nahihirapan sa sitwasyon.

Parang tumanda siya bigla dahil sa mahaba niyang begote. Nangingitim din ang ilalim ng mga mata niya at pumayat din ang pisngi niya. Humaba din ng kaunti ang magulong buhok niya at hindi pa siya nakakapagbihis. Ang suot niya ngayon ay ang sinuot niya kagabi. White tee shirt at kupas na pantalon.

Nahinto siya sa paglalakad nang makita niya ako. Saglit lang nagtama ang tingin namin dahil kaagad na siyang nag-iwas. Parang ayaw na niyang tingnan ako.

Hindi na siya tumuloy ng kusina bagkus ay dumiretso na siyang sala. Aalis na naman yata siya kahit wala pa siya sa ayos para umalis.

Hindi ako nagdadalawang isip na habulin siya.

"Z-zake." I called his name but he didn't stop walking. Mas binilisan niya pa nga yata.

Hinihingal akong humarang sa kanya. Huminto naman siya pero nasa malayo ang tingin niya. Hindi niya ako tiningnan.  

Kahit nahihirapan ay pilit akong ngumiti sa kanya. I tried the sweetest smile I could give to him like before pero alam kong may kaibahan na. "H-hindi ka ba mag-aagahan? May hinanda ako." I smiled but my eyes clouded with tears.

Lalampasan na niya naman sana ako pero mabilis kong hinawakan ang braso niya.

"P-pwede ba tayong mag-usap?" I shed my tears away. Huminto naman siya ulit sa paglalakad kaya pumunta muli ako sa harapan niya.

Umigting ang panga niya pero hindi niya ako tinapunan ng tingin. Kahut sulyap man lang.

"K-kahit sandali lang." I swallowed. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. Nanatili akong nakatingala sa kanya siya naman ay nanatili ang tingin sa lebel ng pananaw niya.

"P-please?"

His jaw clenched and passed me. Hinabol ko naman siya at naabutan sa bukana ng pinto.

Sumiksik ako para malampasan lang siya at makaharap muli.

Hindi ko na napigilan ang hikbi kong tumingala muli sa kanya.

"G-ginagamit mo la-lang ba a-ako?" Hindi ko na napigilang tanong. Ang katanungang ito ang bumabagabag sa  isip ko nitong nakaraan.

His muscle tensed. Gumalaw din ang eyeball niya para sulyapan ako pero kaagad lang ding nagbawi. Kumuyom na rin ang mga kamao niya.

"Pinadampot mo ba ako dati para paghigantihan ang Mama ko? G-ginagamit mo lang ba ako para makakapaghiganti sa mama ko?" I cried hopelessly in front of him. Simula pa lang kilala niya na ako. Kahit sa kaliit-liitang detalye ng buhay ko alam niya. Imposible namang hindi niya kilala ang mama ko. All this time he just used me for his vengeance. Ito ang kinatatakutan ko. Hindi ko kayang tanggapin na ang taong mahal ko at akala ko ay mahal ako ay ginagamit lang ako. Hindi niya ako minahal ng totoo!

Humagulgol ako sa harapan niya. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko. Tumaas baba ang balikat ko dahil sa malakas kong pag-iyak. Masakit. Hindi ako makahinga ng maayos.

"S-sa-sabihin mo s-sa ak-akin ang to-too. Hi-hin-di a-ako mag-ga-galit." Itinaas ko ang kanang kamay ko at tiningnan siya ng diretso even he is not looking. "Pro-mise."

Umigting ang panga niya at mukhang nagalit. His cold stare shot into me makes my spine shiver. Tinitigan niya ako ng husto not the way he used to. Hindi na niya ako tinitingnan gaya ng dati.

Umiigting lang ang panga, tinitigan ako pagkatapos ay nilampasan na.

Nanghihina akong napaupo sa malamig na tile at pinagmasdan ang sasakyan niyang umaandar palayo.

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon