Chapter 65
SPG|STRICTLY PROHIBITED|
We played and intertwined our fingers together as we watch the sunset. Its yellowish-red color and its beautiful. Palubog na ang araw. Malapit nang sakopin ng kadiliman ang aming paligid but our hearts remain bright in too much happiness. Its full of love and forgiveness. We we're like floating in the contrary of sadness and heaviness that we encountered months ago. Pareho nang magaan ang loob namin simula kanina.
Nakaupo kami ngayong dalawa sa paborito kong pwesto dito sa aming probinsya. Its my favorite spot because i can clearly see the sunset and feel the freshness from the wind that embrace me.
Nakasandal ako sa kanya samantalang siya ay nakasandal sa malaking puno. Ang kanang braso ko ay nakapatong sa kanyang tuhod at ang kaliwang kamay ay nakahawak sa kanyang kamay. He hugged me from behind using his right arm as he place his chin above my head.
Pareho naming nilanghap ang preskong panggabing hangin at parehong pinagmasdan ang papalubog na araw.
"How are you feeling?" He asked almost a whisper.
"Masaya. Magaan sa loob." Nakangiting pag-amin ko. Pagkatapos nang pag-uusap kanina at pagtatawaran naming tatlo ay masaya na muli ako. Isang iglap ay naglaho ang mabigat na bagay na nakadagan sa puso ko walong buwan na ang nakakaraan. I can tell that i'm fully happy now. Lampas hanggang earth.
"Am I really forgiven?" Tanong niya ulit. Kinintilan niya ng pinong halik ang tuktok ng aking ulo.
Kumunot ang noo ko. I am slightly puzzle of what he is asking but when i finally understood I elbowed his rib make him groan and laugh after.
Huwag mong ipaalala sa akin. Naiinis ako," I said pouting. Ang tukoy niya kasi ay ang tungkol sa kabit niya.
"She's nothing, sweetheart. I don't love her, okay? Ikaw lang ang mahal ko, baby." He kissed my temple again.
"Nothing? Pero naghahalikan naman kayo. Hinalikan mo naman siya." Masisira na naman yata ang mood ko.
"I didn't kiss her like how the way I kissed you, alright? I didn't kiss her lips like what you're trying to imagine. You're the only one I want to kiss with, sweetheart."
Tumingala ako sa kanya. Nasa ibabaw ng ulo ko ang mukha niya. "Hindi ako nag-iimagine. I m just stating the real truth."
Tumaas ang sulok ng labi ka at hinawakan ang baba ko. Pigil ko na ang hininga ko nang bumaba ang mukha niya sa akin. I was about to close my eyes and wait his lips touches into mine when we suddenly heard a cough from my stepfather.
Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya at inayos ang sarili. Siya naman ay kaagad na binitawan ang baba ko at kulang nalang ay itulak ako dahil sa gulat.
"Kakain na." Kahit may kadiliman ang paligid ay kita ko kung gaano nagpigil ang ama ko ng ngiti.
Namumula ang mukha kong kaagad na tumayo, pinagpagan ang sarili at bumaba na. Patakbo akong pumasok ng bahay at iniwan si Zake.
Gosh! Nakikita yata ng stepfather ko ang muntik nang mangyari. Nakakahiya!
"Nasaan ang boyfriend mo?" Tanong ni Mama. Nakaupo na sila sa hapag-kainan kasama ang mga kapatid ko. Hinihintay nila kami.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Teen FictionHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021