Chapter 8
Kumakalam ang sikmura ko nang magising. Kasabay niyon ang ingay ng aking cellphone.
Four na ng hapon nang masulyapan ko ang digital clock na nasa gilid ng kama na nakapatong sa ibabaw ng maliit na mesa.
Napasarap yata ang tulog ko.
Nag-inat ako at humikab. Gumaan ang pakiramdam ko gutom nga lang. Hindi kasi ako nakakapananghalian at hapon pa ako nang magising.
Tumunog muli ang cellphone ko. Hinanap iyon ng mga mata ko. Nakakalimutan ko kasi kung saan ko 'yun nalagay.
Nang makita ang maleta ko sa tabi ng walk in closet niya ay naaalala kong dun ko pala iyon nilagay sa secret pocket.
Tamad akong tumayo. Binuksan ang maleta at tiningnan kung sino ang caller.
Namilog ang mata ko. Si Mikaela!
I pressed the answer button.
"Nasaan ka? Alam mo naman diba na finals na natin next week at nagawa mo pa talagang umabsent?" Salubong na niya kaagad sa kabilang linya.
Nagbuntong-hininga ako. Lumabas ako ng silid at hinanap si Zake.
Zake o dapat bang Sir Zake?
Ah.
Sir Zake.
Pero hindi ko siya makita sa sala.
"Papasok na'ko bukas." sabi ko.
"Aba dapat lang gaga ka. Ang dami pang dapat ayusin para sa finals defense natin. Ano ba kasi ang nangyari sa'yo ba't ka absent?" Si Mikaela, bestfriend ko. Maingay.
"Umalis na ako sa amo ko." Walang gana kong sagot.
"Ano? Bakit?? Anong nangyayari?"
Nagbuntong-hininga ako. Gumaan nga ang pakiramdam ko pero nakakatamad naman magsalita. Nakakatamad mag-explain. "Mahabang kuwento. Oh sige na, gutom na ako, hindi pa ako kumakain ng tanghalian."
"Hoy teka Honelyn anong hindi pa kumakain? Saan ka ngayon at bakit ka nga umalis sa amo mo?"
Hindi ko na sinagot ang mga tanong niya. Pinatayan ko na.
Kaibigan ko siya simula nong first year college. Same course, same block at pareho rin kaming dancer. Sit mate at magkakasundo palagi kahit baliktad ang personalities namin. Extrovert siya introvert naman ako.
T'wing acquaintance at intramurals o kahit anong events sa school ay hindi kami pumapalyang mag represent. Last year, sumali din siya ng pageant sa school namin. Gusto niya sanang sasali din ako pero wala akong hilig. Back up dancer niya nalang ako during talents.
Isinuksok ko ang cellphone sa bulsa ng sinuot ko. Hinubad ko na rin pala ang suot kong t-shirt niya kanina pa.
Tumayo ako at pumuntang kusina. Naghahanap nang makakain--na bumungad naman kaagad sa akin.
May nakatakip na kasing pagkain sa ibabaw ng lamesa. At sa pantakip ay may sticky note na nakalagay
Suit yourself. Ill be back.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Fiksi RemajaHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021