Chapter 9
Pagkatapos kong maligo ay sa kusina na agad ako dumiretso. Dinner time na rin namana kasi at kailangan ko na rin ang mag handa para sa supper namin.
Pero nang makarating ako sa kitchen ay siya na kaagad ang nabungaran ko. Nakasuot siya ng apron habang nilapag ang isang corelle plates. Tapos nong makita niya ako ay ngumiti siya.
Lumikot ang mga mata ko. Hala. Siya ang naghahanda ng dinner. Kinagat ko nalang ang labi ko at tinalikuran siya. Babalik nalang akong kwarto para ayusin ang mga gamit na laman ng maleta ko.
"Where are you going?" tanong niya sa likuran ko.
Humarap naman ako sa kanya at pinagsalikop ang dalawang kamay sa aking likod. "Ah.." hindi ko alam ang sasabihin ko. Kasi, nakakadistract masyado ang mukha niyang nakangiti sa akin. Tapos ang kulay pa ng apron niya ay pink. Pero bagay parin sa kanya.
Teka, bakit pink?
"Come here, let's eat." Hinubad niya ang apron niya at umupo na kung saan palagi siyang umuupo.
Hindi ako gumalaw. Nahihiya ako.
Nang makita niyang nanatili lang ako sa kinatatayuan ko tapos nakatungo pa ay napapalatak siya. Tumayo at humakbang palapit sa akin.
Bubuhatin na naman sana ako pero kusa ko nang inatras ang sarili ko sabay harang sa isang palad ko sa harap niya.
"Ops! Okay na. Ako na." Hindi mo'ko kailangang buhatin. May paa ako. Marunong akong maglakad.
Umalsa lang ang kilay niya tapos ngumiti.
Umismid akong tinalikuran siya dahilang matawa siya kasabay nang pag-angat ng katawan ko sa ere. Buhat na niya naman ako.
Tumili ako at kalmotin sana siya pero tanging tili lang ang nagawa ko. Hindi ko siya kinalmot. Hindi naman ako ganong klaseng babae. Modest ako hindi wild.
"Nakaligo ka lang ang arte mo na?" sabi niyang nangingiti parin. Binaba niya ako kung saan niya ako palaging pinaupo. "Eat, o baka gusto mong subuan kita?"
Hala. Inaasar ba niya ako?
Hindi ko nalang siya pinansin. Nagsimula na lang akong magsandok ng kanin at ulam.
Umupo namana siya. Tinitingnan pa muna ako saglit bago nagsimulang kumain.
"Uhm.."tikhim ko. Kanina ko pa kasi iniisip na mag-aaply ako bilang katulong niya. Para naman hindi masyadong nakakahiya dahil papaaralin niya ako. Para naman makabawi ako sa kanya kahit papano. "P'wede po bang mag apply?"
Kunot ang noo niyang nilingon ako. "Apply what?"
"K-katulong."
Nabitawan niya ang kubyertos niyang humarap sa akin at hindi makapaniwalang tinitigan ako. "What the fuck?"
"Ah. Eh." I want to reason out pero hindi ko magawa kasi galit siya. Nalunok ko nalang ang gustong sasabihin ko.
Nagbuntong hininga siya." Okay." Tumikhim siya. "Why?"
"Kasi, nakakahiya naman kong papaaralin mo'ko tapos..."
"Just share your smile to me and everything will pays off..."
Napamaang akong nakatitig sa kanya.
"alright?" dagdag niya.
Hindi parin ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. Bakit ang bait niya sa'kin? Bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin?
Nagsimula na naman siyang kumain habang ako ay nanatiling nakatitig sa kanya. Dapat ba akong matakot dahil ganito ang pinapakita niya sa akin? Kasi sa panahon ngayon bihira nalang ang kagaya niya. Baka in the end pala, manghingi siya ng kapalit. Ano naman kayang posibleng kapalit ang hihingin niya eh mahirap lang ako?
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Novela JuvenilHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021