Chapter 37

3.8K 116 20
                                    

Masama ugali ko so don't pressure me. Nagsusulat ako not for you but for me. Kung hindi ka makakapaghintay ng updates huwag ka nalang magbasa.

Chaar. As a writer, sobrang nakakairita para sa amin ang minamadali kami sa pag-uupdate. Yung demanding na ang dating at hindi pleasing basahin. Super nakakairita talaga.

Mabait naman ako huwag niyo lang akong madaliing mag-update kasi mag-uupdate naman talaga ako kapag may oras.

Okay. Yun lang. 💛💛

Enjoy reading.

Chapter 37

Hindi na nakaimik si Zake, and what really irritates me is, hindi niya ako matingnan ng diretso. Palagi na siyang nag-iiwas ng tingin sa akin na tila ba may natatamaan ako sa mga naging tanong ko.

Imbes na ipakita ang inis ay nilamutak ko nalang ang aking pagkain. May inililihim pa itong si Zake sa akin at kung ano man iyon aminado akong makakasira iyon sa akin. Sa amin.

Nanlabo ang mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha. Naiinis ako knowing the fact his still hiding something from me o sadyang may sayad lang talaga itong utak ko. Kung anu-ano ang naiisip.

Sinulyapan ko siya na pinagsisihan ko lang din. Hindi siya mapakali. Hindi siya mapakali!

"May nililihim ka pa ba sa akin?" hindi ko napigilang tanong.

Sinulyapan niya lang ako. "W-what are you talking about?"

Umusok ang bunbunan ko. Nauutal pa siyang talaga!

"Zake!"

"What, sweetheart?"

"Huwag mo akong masweetheart-sweetheart!" Umaga pa lang na stressed na naman ko.

Humarap siya sa akin at pilit niya akong nginitian. Naiirita lang ako lalo. Ano ba yan? Mag-aaway na naman ba kami?

"Z-zake? S-sabihin mo nga sa akin ang totoo. B-bakit mo pala ako pinadampot at nagpakilalang fiancé ko? At sabi mo pa kilala mo na ako matagal na. A-anong ibig mong sabihin 'nun?"

Nagbuga siya ng hangin. Parang naghahanap siya ng saktong salita na sasabihin. Dahil sa inakto niya ay mas lalo lang akong nairita

"What kind of question is that?" Naiiling niyang tanong pagkatapos ay tiningnan ako. Seryoso. "Look. If marrying me is not on your plan then fine. Hindi naman kita pipilitin. Ang dami mo pang sinasabi."

Napamaang ako. Galit yata siya. "H-hindi naman sa ganun." Iniwas ko ang tingin sa kanya. Kasi part of me ay natatamaan sa sinabi niya. Hindi pa ako handang magpakasal sa kanya yan ang totoo!

Hindi dahil natatakot ako sa posibleng mangyari kung ikakasal na kami, sa first night namin kundi dahil hindi ako handang magpakasal sa kanya kasi masyado pa akong bata at -- hindi ko pa siya gaanong kakilala.

My mother told me married is not easy like what it looks like. Hindi ito pagkain na pwedeng iluwa kapag mainit mo pa itong isinusubo. Hindi ito katulad ng bagong damit na maaring palitan kapag hindi mo ito magugustuhan at lalong hindi ito kagaya ng mga gamit na kung masira ay pwede mo itong itapon at palitan ng bago. Hindi laro-laro lang ang kasal!

Married is for eternity. Married life is for serious matter. Kaya naniniwala ako sa kasabihan na kikilalanin mo muna na ang mapapangasawa mo bago ka magdisesyon na magpakasal. Ang hirap pa namang magpa-annul dito sa Pilipinas. Ang bagal ng proseso ang mahal pa ng bayad.

"I'm late for work. Hindi kita maihahatid," diretso siyang tumayo at iniwan ako. Sinundan ko nalang siya ng tinging umakyat ng hagdan.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Kanina lang na-istressed ako sa kanya ngayon naman napapalitan na naman iyon ng pag-alala. Galit yata siya -- at parang kasalanan ko.

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon