Chapter 59

3.4K 101 30
                                    

Chapter 59

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkatapos kong ayusin ang aking sarili bago ako tumungo sa elevator kung saan si Zake naghihintay sa akin.

Nang magkasalubong ang tingin namin ay ako na kaagad ang unang nag-iwas. Ayaw kong makita ang mga mata niya. Wala akong ibang makikita na umulap dito kundi ang kasinungalingan niya.

He and his Ex.. correction please, nobya niya na pala ngayon na si Jeanette Arellano ay naghahalikan kanina lang pero kung makatingin siya sa akin ngayon .. it seems like it nothing happened. Nakita niya kasi akong humagulgol kanina sa mesa ko kaya malamlam na yung mga mata niyang nakatingin sa akin.

He tries to hide it tho pero makikita ko parin.

O sadyang assuming lang talaga ako. Ipinilig ko ang ulo ko at huminto sa likuran niya. Hindi ako nagsalita. Nakatungo lang ako at siya naman ay pinindot na ang button ng elevator upang bumukas iyon.

Una siyang pumasok, sumunod naman ako. Para akong basang sisiw na nakatayo sa gilid habang ang ulo ay nanatiling nakayuko.

Nang sumarado ang pinto ay lumiit ang mundo. Pakiramdam ko sumisikip ang paligid dahil sa presensiya niyang malapit sa akin. Hindi na ako makahinga ng maayos.

I heard him sighed and tucked his fists on his pocket. Sumulyap ako sa kamay niya pero agad lang ding nagbawi.

Nakatayo siya sa gitna with full of authority, like he owned the place and the world. Samantalang ako ay hindi na halos humihinga sa gilid. Hindi gumagalaw. Parang basang-sisiw.

"Where's the envelope that I told you to review with?" He broke the silence.

Namilog ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Naku! Paano ba 'to? Kinuha kasi yun ni Selene kanina?

I panicked. "Uh.." Hindi na yata mahintay ng bukas ang pag-alis ko sa trabahong 'to. Baka masitante na ako!

Umigting ang mga panga niyang nakatingin sa akin. Hinarap ako dahilang isiniksik ko ang aking sarili sa sulok ng elevator na'to.

"Where is it?"

I startled. My hands are shaking and its cold. "K-kasi.. k-kinuha po ni S-selene kanina. Ipapakita niya raw po kay Madel."

"I told you I need that fucking paper at eleven-thirty! Why did you gave those to Selene?!"

"Huwag mo naman akong singhalan!" Huli na nang mapagtanto ko ang sinabi ko. Yumuko nalang ako at iniwas ang tingin sa kanya. "S-sorry po."

He heaved a deep breath and dial a number on his phone. "Are you familiar with my proposal for Sandiego?" He paused. "Yeah. That one. Make me one and bring it to me to his  restaurant at eleven-thirty. Yeah. I know. Fuck you too."

I bit my lower lip and played my finger. Aminado naman akong may kasalanan pero hindi ako guilty. Ano ba naman kasi ang alam ko 'diba? First day ko pa lang sa trabaho at wala pa akong training. Hindi ko alam kung ano ang gagawin.

Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas siya. Nagdadalawang-isip naman ako kong sundan siya.

Aalis nalang kaya ako? Babalik nalang ako rito bukas para magpasa ng resignation ko. Pero.. kailangan ko pa ba talagang gawin yun? Hindi naman ako regular employee eh, kakasimula ko pa nga lang.

Nang lumingon siya sa akin ay napakislot ako dahilang mapasunod ako sa kanya.

I followed him in the parking lot.

Pagdating namin ay may kaagad na lumapit sa kanya na isang lalaki na nakasuot ng suit and tie. May pinag-uusapan ang dalawa at ako naman ay nagpaling-linga sa paligid. Nang makita ang pamilyar na bulto ng isang lalaki na nakatayo malapit sa puting van ay kaagad na akong lumapit.

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon