Chapter 12
Sumisiguk-sigok akong nahahapong umupo sa may sala. Samantalang si Zake naman ay naka-upo rin sa sofa na kaharap lang ang akin habang s sinasabunot ang kanyang sariling buhok.
Kapag magkasalubong ang tingin namin ay ako agad ang unang mag-iwas. Hindi ko pa matiis, nairapan ko pa siya.
Pano ba naman kasi, nagseselos daw siya. Bakit naman siya magseselos? Anong karapatan niyang magselos?
Suminghot ako. Pinahid ko gamit sa likod ng palad ko ang sipon na kanina pa tumutulo. Yung luha ko kanina pa nauubos pero yung sipon ko hindi maubos-ubos.
Kung kanina ay galit na galit siya na gusto na yatang magbuga ng apoy kung makatingin sa akin ngayon hindi na. Malungkot na siyang tiningnan ako, gustong manghingi ng tawad. Kanina pa siya humihingi ng tawad.
"Sweetie?"
Swettie na naman. Bakit niya ba ako palaging tinatawag na sweetie? Bakit ba naman kasi siya magseselos? Abnormal ba ang lalaki na'to? Malakas ang topak?
Inirapan ko na naman siya. Hindi ko naman siya boyfriend para magselos siya. Wala naman sanang kami, ba't ba siya magseselos? At saka, nong isang araw ko pa lang siya nakikilala may paselos-selos na agad siyang sinasabi? Sira ba siya?
Inismiran ko siya.
Alam ko naman na kanina pa siya gustong lumapit sa akin pero hindi niya ginawa. Baka siguro matatakot na naman ako. Kasi natatakot talaga ako sa kanya. Hindi ko kaya siya kakilala tapos ganun pa ang ipinakita niya? Hinablot niya pa ako gago ba siya? Ang liit ng braso kong hinablot niya kumpara sa braso niya?
"I'm sorry." Sabi niya.
Pero sa totoo lang talaga. Kahit may inis akong nararamdaman sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin kanina at hindi pa birong takot ang bigay niya hindi ko parin talaga mapigilan ang kiligin.
Kasi naman e. Hindi pa ako nagkaron ng boyfriend talaga pero ganito pala yung feeling kapag sinusuyo ka? Tapos ang lambing pa ng boses niya. Tapos yung mata niya...haist.
S'twing magkasalubong ang tingin namin para iyong nangungusap. Tapos yakap niya pa ako kanina. Tapos ramdam ko talaga yung sincerity ng boses niya kapag nong nag sorry siya.
Pinipigilan ko nga lang ang puso kong kiligin. Luka-luka lang? Nong isang araw ko pa siya nakilala tapos ganito na agad ang mararamdaman ko?
Hay. Ewan ko rin ba kasi. May something talaga sa yakap niya eh. Sa boses niya at sa pa-sweetie niya sa akin.
Kagat ang labi kong sinulyapan siya. Sabunot niya talaga ang buhok niya. Parang nainis yata siya sa sarili niya dahil sa ginawa niya sa akin kanina.
Aba dapat lang talaga!
Pigil ko na naman ang paghinga nang tumayo siya, tapos sa akin pa pumunta.
"Kain na tayo." Malambing ang boses niyang sinabi yun.
Hindi ko siya pinansin.
Yumuko siya ng bahagya para magpantay ang mukha namin. "Sorryyy.." mahaba niyang sinabi.
My heart flinch. Enebe..
"Sorry na please. Hindi na mauulit. I'm just.." He sighed annoyingly. "hindi ko lang inaasahan na yun ang makikita ko."
Sinulyapan ko siya. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.
"And I'm worried."
"B-bakit?" natanong ko.
"I'll went here before I decided to fetch you. I realized that maybe, you don't know where this place could be. Akala ko kung saan kana pumunta."
Humalukipkip ako.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Genç KurguHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021