Chapter 46

2.9K 92 6
                                    

Chapter 46

Lumipas ang halos dalawang oras ngunit nanatili ang tensyon sa loob ng aming bahay. Kanina pa kami walang imik. Walang gustong magsalita.

My mother sitting one of our chair that made from bamboo. . emotionless. My stepfather is standing in front the window eyeing his farm and my 3 siblings were sitting next to me while looking to me. They are clueless about what happened hours ago.

Sinulyapan ko ang Mama ko na nanatiling nakatanaw sa malayo. Kanina pa siya nagkakamalay pero hanggang ngayon ay hindi siya nagsasalita. Ang stepfather ko naman ay hindi rin  binalak ang magsalita.

My stepfather and I knew the darkest past of my mother since my father left her, at kilala ko si Commander Black! I already have an idea about the scenario earlier pero hindi ko matanggap. Hindi. Hindi ko siya talaga kayang tanggapin.

Tahimik kong kinuha ang cellphone sa bulsa ng aking hoody para tingnan ang signal. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil wala talagang kasignal-signal ang cellphone ko dito sa aming probinsya.

Itinago ko muli ang cellphone at nagbuntong-hininga. Kanina pa umalis si Zake. Pagkatapos niyang makita ang Mama ko at mahimatay  ay wala na siyang paalam na umalis. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin. Mabuti na lang ay naisukbit ko ang backpack ko dahil kung hindi wala sana akong damit na pampalit ngayon dahil bigla nalang niyang pinaharurot ang sasakyan.

Gusto ko siyang sundan pero hindi ko nagawa. I choose my mother over him. Kahit sino naman siguro. I know what she'd been through. Kung puwede lang sana ay hindi na bumalik ang  nakaraan. Hindi na madaragdagan ang napagdaanan niya. Kinakalimutan na yun ng Mama ko e bakit biglang bumalik na naman kaagad? At si Zake pa talaga.

"Saan mo nakilala ang lalaking yun, Honeylyn?" Kumabog ang puso ko dahil sa gulat sa biglaang tanong na iyon ni Mama. Nasanay na siguro ako sa katahimikan kaya nang magsalita siya ay medyo nagulat ako.

Yumuko ako at nilaro-laro ang daliri ko. Paano ko ba sasabihin sa kanya ang totoo? Baka iisipin niyang..

Ipinilig ko ang ulo ko. Base sa reaksyon ni Zake kanina ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang Mama ko. Nagulat nga siya e. Hindi siya makapaniwala.

"Honeylyn!" Napakislot ako at humikbi na. Ayaw kong sagutin ang tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Baka kaunting pagkakamali ko lang maliliwanagan na ako.

"S-sorry, Ma." Tumayo ako at tumakbo patungo sa labas ng bahay. Hinanap ko ang paboritong spot ko noong hindi pa ako lumisan sa lugar para mag-aral. Ang pwesto kung saan may kaunting signal sa cellphone.

Nang makita ko ang malaking bato na nasa gilid lang ng aming bahay ay kaagad na akong umakyat. Dinayal ang kontak number ni Zake.

Nasapo ko ang noo ko nang marinig na mag-ring iyon. Pero sandali lang. Pagkatapos kasi nang ilang ring ay pinatay niya ang kanyang cellphone.

Sunod-sunod nang tumulo ang luha kong dinayal muli ang numero niya, pero out of reach na siya. Hindi ko na siya makontak.

Humagulgol na ako. "Z-zake." I dial his number again but he's still out of reach. Hindi na biro ang kabang nararamdaman ko.

Pagkatapos magsawa sa kakadayal  sa kanya ay niyakap ko ang tuhod ko at dito na humagulgol. Natatakot ako. Natatakot ako na baka may katotohanan ang kinatatakutan ko ngayon.

Sunod-sunod akong umiling at dinayal muli ang number ni Zake. He's still out of reach. 

"Zake naman e." Humihikbi ako habang malakas na pinipindot ang screen ng aking cellphone. "Ba't ayaw mong sagutin kasi?" Pinahid ko ang luha ko. "Malapit na akong mainis sayo. Aawayin na talaga kita." I hugged my knees again and cry. "Iniwan mo pa ako bigla hindi ka man lang nagpaalam sa akin," hagulgol ko. "Tapos ngayon pinapatay mo na ang cellphone mo." Nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha habang tinipa muli ang numero niya. "Nakakainis ka na!" Gusto kong ibato ang cellphone ko dahil sa pagkakataong iyon ay hindi ko parin siya makontak pero pinigilan ko. Bigay niya nga lang to sa akin e tapos itatapon ko lang.

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon