Chapter 34

3.9K 111 12
                                    

Chapter 34

Nagmamadali akong sinundan si Zake sa baba baka kasi totohanin niya ang pumatay. Sino ba naman kasi ang hindi magtaka kung sa ganitong oras ay may maghahanapsa kanya? Nakapasok pa ng bahay?

Pasado alas-dos na nang masulyapan ko ang malaking orasan na nakadikit sa wall. Gusto kong mapairap sa kawalan. Baka hanggang umaga ay hindi na ako makakatulog.

"W-what the hell is happening?" boses ni  Zake.

Kagat ang labi kong mas nagmadali pa at agad na dumalong sa sala. Natakpan ko ang bibig ko at napaatras  dahil sa pagkabigla nang makita ang dumating.

Tatlong lalaki. Ang dalawang lalaki ay mukhang maayos naman ang lagay pero ang isa ay naligo sa sarili nitong dugo. Nanginig ang tuhod ko. Mukhang mas malala ang sugat nito kumpara  kay Zake.

"We need a nest to rest. Masyadong malayo ang HQ. Hindi na niya kakayanin." The one guy said. Itinuro nito ang kasama na hindi na yata gumagalaw. Humihinga pero hirap na hirap.

Napalunok ako. Bakit inuulan ng mga duguan ngayong gabi ang bahay ni Zake?

"Are you guys fucking serious?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zake.  Nagmamadali itong kinandado ang pinto at sinilip ang mga bintana. He even checked the lock on it. "This is my fucking house. Dito niyo pa talagang naisipang magpunta?" Irita niyang tanong.

"If you bothered about your safety don't worry, sinisigurado naming walang nakasunod sa amin. Kailangan ko lang siyang gamotin." The guy with sleepy eyessaid. Hindi naman siya mukhang inaantok. Sadyang normal lang talaga nito ang ganoong mata na kagaya ni Zake. Si Zake nga lang ay may kulay samantalang ang bagong dating ay kulay brown.

Sinulyapan ni Zake ang kasama ng mga itong nakatungo lang. Kinikilabutan ako dahil hindi talaga tumitigil ang dugo kakaagos sa may bandang balikat nito.

"And whose this fucker?" Ano ba naman itong si Zake, kita niya na ngang hirap na hirap na ang lalaki minura niya pa.

"His Ronquillio Salazar, our private tracker," sabi ng lalaki na may inaantok na mga mata. Dinaluhan naman ito ng kasamang lalaki na maiksi ang buhok. Este semi-kalbo, pinagtulungan nilang  ipaupo ang lalaking kasama nila.

"And you even let him sitting my couch?" React ni Zake. Tiim ang bagang niyang nakapameywang na hinarap ang tatlong lalaki. Mukha siyang Don na masungit sa inakto niya.

"We'll clean it for you, alright?" The sleepy eyes rolled his eyes.

Zake tsked.

"Do you have a medicine k--?" Hindi naituloy ng semi-kalbong lalaki ang magtanong nang makita ako.

Wala sa sarili akong napaatras nang lumingon sila sa akin, pati si Zake. Nangunot ang kilay niya nang makita ako at agad nilapitan.

"What are you doing here?" tanong niya.

Tiningnan ko ang tatlong lalaki, ang dalawa ay curious na nakatingin sa akin at yung duguan naman, hindi na yata humihinga. Hala.

"S-sino sila?" tanong ko.

Malumanay naman ang ekspresyon ni Zake nang tingnan ako pero nang lingunin niya ang bagong dating ay kulang nalang ay magbuga na siya ng apoy. Nang tingnan niya muli ako ay napalunok siya. Alam na niya sigurong mahihirapan siyang paakyatin ako dahil alam niyang curious ako kung sinong dumating. He can't even yell at me dahil alam na niyang marupok ako pagdating sa kanya. "They're my friends. Go to your room, please. You don't have to see this."

"Hello there." Sabay kaming napalingon ni Zake nang magsalita yung lalaking semi-kalbo. Napangiwi ako. Kasi naka-smile siya at yung smile niya ..creepy. "Pakilala mo naman ako sa kasama mo, Zake. May binahay ka na pala hindi mo man lang sinabi sa amin," dagdag nito.

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon