PrologueYear 2005
Balisa. Hindi ako makatulog. Pabaling-baling lang ang tanging nagawa ko. Hindi mananatili sa isang puwesto.
Sobrang lakas ng ulan--ng hangin na sinamahan pa ng malakas na kulog at kidlat na galing sa kalangitan. Parang galit na galit ang kalikasan ng mga sandaling iyon.
Kung sa ibang pagkakataon siguro. Sa murang edad at sa panahon na kagaya ngayon ay ang sarap na siguro ng tulog ko.
Pero hindi ko iyon magawa. May bumabagabag sa batang isip ko.
Nilingon ko ang aking kapatid na nasa aking tabi. Ang himbing na ng tulog niya habang nakatalukbong ng kumot.
Padabog kong pinahid ang mukha ko. Kanina pa 'to eh. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako makaidlip. May tulo kasi at tumatalsik iyon sa kaliwang pisngi ko.
Sinilip ko si Lolo sa may sala na kasalukuyang nag-aayos ng aming bubong. Gawa ito sa nipa kaya kahit kaunting hangin lang ay natatangay na ito at minsan nga ay nabubutasan pa kaya nagkaroon ng tulo.
Pinahid ko muli ang talsik na tulo galing sa ulan sa pisngi ko. Tumaob ako at sinilip ko din ang Lola ko na abala sa kusina. Nag-papakulo ito ng tubig para pangkape nilang dalawa.
Ang aming kwarto ay natatabingan lamang ng dingding na yari sa kawayan at ang katabi nun ay ang aming kusina. Sa kanang bahagi naman ay ang aming sala: Si Lolo ay nasa sala's nag-aayos ng aming bubong si Lola naman ay nasa kusina.
Hating-gabi na lang pero nanatiling abala ang mga tao rito sa bahay. Hindi pa natutulog ang mga tao sa bahay. Hindi makaidlip dahil sa malakas na bagyo na sumalanta sa buong nayon maliban nalang sa bunso kong kapatid na mahimbing na ang tulog.
Tumihaya muli ako at tiningnan ang aming kisame na yari sa nipa.
Kailan pa ba titila ang bagyo? Naaawa na ako sa Lolo ko. Kanina pa siya nababasa. Pambihira kasi palagi nalang nililipad ng hangin ang aming bubong kaya kailangang itali ng mabuti.
Natatalsikan na naman ng tulo ang mukha ko. Naiinis na ako kaya ang ginawa ko ay nagtalukbong ako ng kumot at tinalikuran ang bahaging iyon na may tulo.
Pikit ang mga mata ko pero hindi ako tulog. Naririnig ko pa rin ang tila galit na kulog at kidlat galing sa labas. Ang masinsinang pag-uusap ni Lolo at Lola sa kusina at mga yabag.
Hindi ko alam kung ilang oras na ako sa ganitong posisyon nang maramdaman kong may pinagbuksan si Lola sa kusina. May mga nagmamadaling yabag pero dahil sa murang edad ay hindi ko na iyon pinansin.
Ilang saglit lang ay may narinig na naman akong yabag na papalapit sa amin ng kapatid ko. Amoy bagong ligo ito na ipinagtataka ko.
Bagong ligo dis-oras ng gabi?
At alam ko kung sino ito.
Si Mama.
Umupo ito sa tabi ko. Ilang saglit lang ay narinig ko ang pagbuntong-hininga nito pagkatapos ay ang paglapat ng malamig nitong palad sa aking noo at ang paghalik nito sa doon.
Ilang minutong katahamikan.
Gusto ko sanang magtanong kung saan ito nanggaling. Sa kabila kasi ng masamang panahon alam kong lumabas ito ng bahay. Kung saan ito pumunta ay hindi ko na alam.
Akala siguro nina Lola at Lolo na hindi ko alam. Akala siguro nila na natutulog na ako. Mahimbing naman sana talaga ang tulog ko kung hindi lang dahil sa tulo. Siguro kung walang bagyo ngayon wala akong madiskubre na sikreto.
Nanatili lamang ito sa puwesto habang marahang hinimas ang aking bunbunan. Hindi lang siguro sa akin, pati na rin sa kapatid ko.
Nanatili akong walang kibo. May narinig ulit aking yabag na natitiyak kong si Lola na lumalapit sa amin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi ko man sila nakita pero alam kong nagkatitigan sila, at sa bawat titig nilang iyon ay may ipinahiwatig.
"Kumusta na sila?" Basag ni Lola sa katahimikan.
Huminga muna ng malalim si Mama bago sumagot. "Maayos lang naman sila, pero wala ng natira sa kanilang mga tirahan. Nasisira na ang mga ito dahil sa pagsalanta na bagyo."
Sinong sila?
Wala na naman akong narinig na boses sa kanila. Parang pinakiramdaman lang nila ang isa't isa at sa mga sandaling iyon ay narinig ko na naman ang mabibigat na yabag na palapit sa amin na natitiyak kong pag mamay-ari ni Lolo.
"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Lola. Mahina lang ang mga boses ng mga ito sa pag-alalang baka magising kaming magkapatid.
"Magbabago na ho ako, Nay. Para sa mga anak ko," malungkot na saad ni Mama. Hinalikan niya muli ang ulo ko. Kahit may kumot na nakaharang sa balat ko ay ramdam ko pa rin ang init na galing sa kanya.
"Paano sila?" tanong ni Lolo.
"Maiintindihan ho nila ako. Pinaintindi ko na," tumahimik si Mama. Kasunod niyon ay ang impit niyang hikbi. "Nagsisisi na ho ako sa mga ginagawa ko, Nay, Tay. Hindi ko alam kung mapapatawad ako ng mga anak ko kung sakaling malaman nila ang totoo. Malalaman nila ang totoong ako."
Napakurap ako. Nasasaktan din ako kapag makita o marinig ko ang mama kong umiyak kahit bata pa ako. Minsan ko lang siyang nahuling umiiyak at nasasaktan ang batang puso ko.
Bumalot muli ang katahimikan. Tanging hikbi na lamang ni Mama ang aking narinig at ang minsang pagbuntong-hininga nina Lolo at Lola.
Sumikip ang dibdib ko. Gusto ko na rin ang maiyak. Sa murang edad pa lamang ay alam ko na ang mga napagdadaanan ni Mama: Na binuhay niya kaming mag isa. Hindi siya nagkulang sa amin. Minahal niya kaming mag-isa. Inalagaan niya kaming mag-isa.
Pinaparamdam niya sa amin na kahit wala na kaming nagisnang ama ay buo pa rin kami. Ibinuhos niya ang pagmamahal sa amin.
Pero ang hindi ko maintindihan ay kung ano ang pinag uusapan nila. May nililihim ba sa amin si Mama? May hindi pa ba kami alam tungkol kay Mama?
"Hindi pa rin naman huli ang lahat. Pero darating at darating din ang panahon na malalaman din ng mga anak mo ang totoong pagkatao mo," malumanay na sabi ni Lolo.
"Nay, Tay, natatakot po ako. Paano kung--? Paano kung?" Hindi na naituloy ni Mama ang gusto niyang sabihin dahil humagulgol na siya.
"Nangyari na ang dapat mangyari. Mababait ang mga anak mo. Maiintindihan ka nila. Mapapatawad ka rin nila," sabi ni Lola na alam kong yakap niya si Mama.
"Paano Nay kung hindi? Paano kung kamumihian ako ng mga anak ko?"
Alam kong naguguluhan ako. Alam ko na naririnig ko ng malinaw ang mga sinasabi nila. Pero wala akong maintindihan. Masyado pa akong bata para isipin ang mga bagay bagay, kaya ang ginagawa ko ay pinilit ko ang sariling matulog na pinagbigyan naman ako.
A/N: Don't expect to much about my writing skills. I'm a beginner and I am still learning. If you're a perfectionist one? Don't dare try to read this book. It might cause you headache .
--
Anyang21
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Подростковая литератураHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021