Chapter 35

3.9K 124 25
                                    

Chapter 35

Natigilan ako sa sinabi ni Will. Oo nga 'no?  Bakit walang ibinigay na engagement ring 'tong si Zake? Pero... kailangan pa ba talaga yun?

Wala sa sarili kong nilingon si Zake na kasalukuyan rin palang nakatingin sa akin.

"Don't look at me like that, sweetheart. If I'll give you a ring right here, right now, I don't take a NO as your answer," sabi niya.

Napaubo si Jace at si Will naman ay tumikhim. Nang tingnan ko ang dalawa ay agad silang nag-iwas ng tingin pagkatapos ay tiningnan ang isa't isa na parang nag-uusap sila. Pagkatapos ay panabay na natawa.

"What's so funny?" iritadong tanong ni Zake. Si Zake kanina pa mainit ang ulo. Ang sama niya sa mga kaibigan niya a.

"Wala naman," sagot ni Will na may malaking ngisi.

Hindi ko nalang sila pinansin. Hindi kasi maalis sa isip ko ang sinabi ni Zake sa akin. Ang ibig niya bang sabihin ay may nakahanda na siyang singsing para sa akin? Bakit hindi ako excited?

"Miss Zake's fiancé your really a good cook. Pwede ka na talagang mag asawa.." puri ni Will.

Tipid akong ngumiti. "S-salamat, Honey."

Agad naibuga ni Will ang kanyang pagkain at su Jace naman ay napaubo. Nangunot ang kilay kong nakatingin sa dalawa na ngayon ay sintakutan nang nakatingin kay Zake. At ang katabi ko naman ay kulang nalang ay magbuga nga apoy. May mali ba sa sinabi ko?

Pilit na ngumiti si Will at si Jace naman ay hinanda na ang sariling umalis. Kasi si Zake mahigpit na ang hawak sa tinidor. Kaunti nalang ay maibato niya ito sa dalawa na parang takot na takot na.

"Miss Zake's fiancee, bakit naman ganun? Kumakain lang kami dito o," kandaugang sabi ni Will.

Nangunot ang kilay ko. Hindi ko sila maintindihan. Nang tumayo na si Jace ay saka ko lang naalala. "H-honey. H-honeylyn ang pangalan ko."

Sumunod na tumayo si Will at panabay ang dalawang tumungo sa ref para uminom ng tubig. Nang makabalik na ang mga ito ay para itong nabunutan ng malaking tinig.

Nagkibit-balikat nalang ako. Hindi ko naman siguro kasalanan no kung may pag-assuming itong dalawa lalo na si Will. Nagpapakilala lang naman ko pero kung makareact? At  itong si Zake rin, alam naman niya ang pangalan ko pero bakit mukha siyang galit. Wala namang kasalanan iyong dalawa.

"Your name's freaking the hell out of me," naiiling na sabi ni Jace.

Napanganga ako.  Mapansin nga sa dalawa ang hindi birong takot dahil  sa pangalan ko.

"So. H-hon? Since how?.... Fuck." Hindi naituloy na Will ang itatanong niya sana sa akin dahil tumama na agad sa sa mukha niya ang tinidor na hawak na Zake.

"Don't call her that you moron!" sigaw ni Zake.

Hindi ako nakagalaw. Parang mag-aaway pa yata tong mga to dito.

"Putang ina naman, Zake, at ano naman ang gusto mong itatawag ko sa kanya?" naiinis na si Will, habang si Jace naman ay pinigilan ang sariling hindi matawa.

"My fiancé is way better," Zake proudly said.

Will tsked. "Masyadong mahaba."

"Do you have a problem with that?" Hinawakan na ni Zake ang kutsara. Kung magkakamali itong si Will paniguradong tatama na naman ito sa mukha niya.

Will roll his eyes. "Sinabi ko ba?"

Masamang tiningnan pa ni Zake si Will bago nagpapatuloy sa pagkain. Balewala lang nito ang ginawa niya sa kaibigan. Namumula lang naman kasi ang noo nito dahil sa ibinato nito kanina.

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon