Chapter 43
"Taray ah!" Manghang tudyo sa akin ni Mikaela nang makita niya sa likuran ko ang apat na lalaking nakasunod sa akin.
Iningusan ko siya. Nilampasan at pumasok na sa school building namin. Halos dalawang buwan na akong absent kaya pinilit ko si Zake na payagan na akong pumasok ngayon ng school. Hindi rin naman ako behind dahil pinadala naman ng mga advisers ko ang test papers na sa bahay ko na sinagutan. Kahit si Miss Von ay hindi niya na ako pinilit sa Website niya.
Mabuti na lang ay pinayagan na ako ni Zake pero may isang kondisyon nga lang. May kasama akong mga security guard na hindi ko alam kung bakit malayang nakapasok sa school na dapat ay mahigpit namang ipinagbabawal iyon.
May benda pa ako sa ulo pero ang cast ko sa balikat ay nuong isang linggo pa tinanggal. Nakahinga nga rin ako ng maluwag dahil pakiramdam ko malaking sagabal iyon para sa akin. Kahit may Zake naman na handang tumulong sa akin pero still nakakahiya pa rin.
Sino ba ang hindi mahihiya e kulang nalang siya ang mag-change ng panty ko, magpapaligo sa akin at ang pinaka-awkward pa talaga nuong may buwanang dalaw ako. Gusto ko nalang talagang maglaho sa araw na iyon. Ayaw ko nang balikan ang araw na 'yun. Hiyang-hiya ako dahil sa pinanggagawa ni Zake sa akin. Wala rin naman akong kakayahang magreklamo kasi kahit nahihiya ako . . gusto ko rin naman. Huhu.
Tumungo ako nang tuluyan na akong nakapasok sa school. Maraming estudyante ang nakatingin sa akin. . sa mga lalaki pala na pang Men in Black ang suot.
Kanina ko pa lang ang mga ito nakita at nang makita ko nga sila ay nalaglag ang panga ko. Hindi ko naman kasi sukat akalain na ganitong guards ang tukoy ni Zake. Ang expectation ko kasi ay pareha nang kanya, yung mukhang goons at mukhang krimenal pero ang akin, mukhang mga robot.
Diretso ang tingin, poker face at natitiyak kong hindi ang mga iyon ngumingiti lalo na ang magsalita. Napailing ako. Ang tuwid pa nilang tumayo at kung maglakad ay halos sabay-sabay ang hakbang nila. Tapos yung damit nila, daig pa ang suit ng Men in Black. Bagong-bago at kumikintab pa.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang magbubulong-bulungan na ang mga estudyanteng nakatingin sa amin. Hindi ako sanay na pinagtitinginan. Ang apat na lalaki kasi ay pumagitna sa akin, ni hindi nga makatabi sa akin si Mikaela dahil nandyan sila.
Nang makarating na kami sa room namin ay masamang tingin ang ipinukol ko sa apat na lalaki. Mukhang susunod kasi sa akin sa loob.
"Dito lang kayo." Mariing sabi ko. Hindi sila tumingin sa akin pero tumigil naman sa paglalakad. Tuwid na tumayo at syimpre naka-poker face.
Umirap ako sa kawalan.
Nagsimula ang klase na hindi ako tinatanong at kinukulit ni Mikaela. She knew I am not comfortable in this situation at alam niyang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang kumuha ng atensyon sa mga tao. Alam niyang ayaw kong pinagtitinginan at lalo nang pinaka-ayaw ko ang pinag-usapan.
Pero as if naman may magagawa ako 'diba? Ito ang kagustuhan ni Zake at wala akong magawa para sundin siya.
"How are you feeling now, miss Martin?" tanong ni Miss Velasco sa akin pagkatapos ng first period namin. Kinausap ko talaga siya para manghingi pa ng extra handouts kasi mababa lang ang score na nakuha ko sa subject niya.
"I'm feeling better now, maam Velasco. Thank you po for asking."
She smiled before handing me the copies. "Don't force yourself to study, miss Martin. Mukhang hindi pa masyadong magaling ang sugat mo sa ulo."
Ngumiti ako at tumango. Adviser siya ng major subject namin pero unlike Mr. Von hindi siya terror pero hindi nga lang din siya magdadalawang isip na bumagsak ng estudyante lalo na kung makita niyang hindi ito nag-aral ng mabuti.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)
Teen FictionHe kidnapped her not for money, not to be his slave but treating her not the way she expected. This is not your ideal kidnap-victim story. Date started: May 06, 2019 Date finished: November 04, 2019 Edited: February-August 2021