Chapter 39

3.7K 91 8
                                    

Chapter 39

Hindi mawala sa labi ko ang masayang ngiti habang pinasadahan nang tingin ang mga litratong nakalambitin sa ere.

Hindi naman siya nakalambitin talaga. May mga balloons na nasa itaas ng kisame at ang tali niyon ay ang dinikitan ng mga pictures. Kadalasan pa sa kuha niyon ay noong nag-date kami ni Zake sa amusement park.

May mga kuha ring solong litrato ko na hindi ko alam kung paano niya ako kinunan. May kuhang natutulog ako, kumakain ng ice cream habang nanonod ng Tv at mayroon ring kuha na nakangisi ako.

Nang magsawa sa mga litrato ay para akong batang lumundag sa kama at inihagis sa ere ang kulay pulang petals na ginawa niyang malaking hugis puso. Itinapon ko iyon sa aking sarili. Humagikhik ako. Ang saya ko.

Tumikhim si Zake na tahimik lang na nagmasid sa akin sa tabi. Bitbit niya parin ang human size panda at isang bouquet ng bulaklak.

Agad naman akong tumayo at tumakbo patungo sa kanya. I circle my hands on his neck at kahit hirap abutin ay hinalikan ko siya sa pisnge.

"Happy monthsary, baby," malambing na sabi ko.

Napamaang siya pagkatapos ay napakurap. "What?"

Humagikhik ako. "Happy monthsary, mahal ko." Inagaw ko sa kanya ang human size panda. Tawa ko lang kasi malaki pa sa akin. "Ang ganda!" Nagtatalon na ako. Siya? Nakatunganga lang namang nakamasid sa akin.

Inilagay ko sa kama ang panda nang magsawa ako  at inagaw sa kamay niya ang hawak niyang bulaklak. Natatawa na naman ako kasi malaki parin ito sa akin. Natatabunan ako!

"Ang bango!" Kulang nalang ay magsasayaw ako. Magtitili at maglupasay sa sahig.

"You like it?" tanong niya.

Sunod-sunod akong tumango. Umupo ako sa gilid ng kama at niyakap ang human size panda habang yakap ko naman sa kabilang braso ang bouquet ng bulaklak.

"Stay right there," sabi niyang lumapit sa akin. Kinuha sa bulsa ng kanyang kulay itim na slacks ang kanyang cellphone at kinunan ako.

Umayos naman ako ng upo at ngumiti sa camera. Nang matapos niya akong kunan ay ipinakita niya sa akin.

Napanguso ako. Kasi ang liit ko. Mas malaki pa yung dalawang hawak ko.

Napangiti naman siya habang pinagmasdan ang mga kuha niya.

Binitawan ko ang human size panda at hinila ang manggas ng coat niya. "Picture tayo," sabi ko.

"Alright." Tumabi siya sa akin ng upo at nag-selfie kami. Ang saya! Ang ganda ng background! Halos kulay pula lahat! Tapos ang guwapo ng katabi ko tapos mahal ko pa, mahal din ako. Hihi. Hindi niya nakalimutan ang monthsary namin. Sinurprise niya lang pala ako.

Binitawan ko ang mga hawak ko at kumandong sa kanya. Masaya naman ako kaya kakapalan ko na ang mukha ko. I giggled.

Siya naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Hindi niya siguro inakala na ganito ang gagawin ko. Ang clingy ko na kasi gayung mahiyain naman ako.

"Akala ko nakalimutan mo ang first month natin," sabi ko. Kasi yun naman talaga ang akala ko kaya beast mode ako buong araw. Mabuti naman may pa-surprise pa siyang ganito. Nakabawi siya.

He chuckled. Niyapos niya ang maliit na balakang ko ng kanang kamay niya at binulsa ang hawak niyang cellphone. "Why would I?"

Napanguso ako. "Kasi abala ka masyado. Hindi mo nga ako masyadong kinakausap simula pa kahapon e kaya akala ko talaga nakakalimutan mo."

He used his free hand to brush my hair. "Do you like it?"

Kagat-labi akong tumango. "First time ko. Sa facebook ko lang ito nakikita. Sinu-surprise nila yung girlfriend nila tuwing monthsary or di kaya anniversary or di kaya kapag may birthday. Sapat naman sa akin na babatiin mo ako e at hindi mo kinakalimutan. Pero still thankful parin kasi nag-effort ka. Pakiramdam ko tuloy ang ganda-ganda ko na." Humagikhik ako.

Kidnapped By A Billionaire Stranger (Book 1 Of Billionaire's Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon